Sela's POV
Kakatapos lang maligo ni Abby.
"Since it's your day off, anong gusto mong gawin natin?." Tanong ko sa kanya.
"Ay naku Sela, wag mo kong tinatanong ng ganyan."
"Bakit?."
"Because I'm born to be wild." Sabi niya na para bang inaakit nya ko. Kalma lang puso. Sela, ano ba? Hold your hormones.
"Joke lang haha. Saka, ano to? Bakit ka andito? Wala ka bang trabaho?. Ano ba talaga tayo ha?."
"Grabe naman. Isa isa lang. Mahina ang kalaban. So, this is called hanging out. I'm here because gusto lang talaga kitang makasama. Kung ano tayo, tao tayo Abby."
"Marsela naman eh hahaha. Seryoso na nga--"
"Mahal kita." Walang paligoy ligoy kong sagot. Pero ang totoo nagpipigil nako ng kilig. Ang sarap ng feeling kasi finally nasabi ko narin sa kanya.
"M-mahal moko?." Tanong niya tila di makapaniwala.
"Oo ngaaa." Sabi ko. Ano bayan? Ba't ako biglang nahiya sa kanya?.
"Alam ko yan. As a friend. Malamang as a friend yan. Kasi of course di ka naman into girls at sino ba naman ako para magustuhan mo?. Di mo na kailangang ipamukha sakin Marsela kasi--"
..
Abby's POV
Nagulat nalang ako nang bigla nya nalang akong hinalikan.
"Ayan, klaro?."
"K-kailan pa?. Prank to no?. Naku Sela, alam mo namang marupok ako diba? Wag mo kong ginaganyan."
"Ano pa bang kailangan kong gawin para maniwala ka?. Ano? Kailangan pa bang may mangyari satin--"
"Uy, galing sayo yan ah."
"P-pumapayag ka?."
"Hindi. Syempre, may right time para dyan. Saka di mo pa nga ako nililigawan honeymoon na agad nasa isip mo haha."
"A-ako? Manliligaw?."
"Eh sino ba? Ako?."
"Pwede bang wala nalang ligawan?."
"Ano ka sinuswerte? Kuya mo nga niligawan ako, tapos ikaw hindi?." Nakita kong bigla siyang nalungkot nang sabihin ko yun.
"Oo nga pala, si Kuya. Abby, sigurado ka na ba dito? Satin." Sabi niya.
"Sela, mahal kita. Saka balang araw maiintindihan din yan ng kuya mo. Ngayon o bukas magiging masakit yan, pero walang sugat na hindi naghihilom. Kailangan niya lang ng panahon." Hawak ko sa kamay niya.
"So tayo na?." Bigla nyang tanong.
"Ligawan mo nga muna ako."
"Eh ano pa ba tong ginagawa ko? Ang pagdalaw at pagdadala ko ng food almost everyday?. Di na ba panliligaw yun?. At saka allergic ako sa word na yan, kaya pwede wag na nating banggitin?."
"Okay."
"So balik sa question. Tayo na?."
"Matagal nang naging tayo."
"Huh?."
"Sa isip ko kasal na nga tayo eh haha. Yieee official naaa. Kiligin ka naman dyan." Kiliti ko sa kanya.
"Ano ba? Abby haha naiihi ako hahaha." Kaya tumigil ako.
"Kaya pala mapanghi dito haha. Umihi ka na nga dun."
Kaya tumayo na sya at naglakad papuntang CR, pero bago pa siya pumasok,
"Abby--"
"Ano na naman?."
"Sama ka?." Biro niya.
"Sira haha. Umihi ka na ngaaaa." Baliw talaga. Pero I love this side of Sela.
..
Gabb's POV
Marami kaming nadismaya at nawalan ng trabaho.
Pauwi nako nang makita ko ang kotse nung babaeng pumunta sa talyer kahapon at sinundan ko ito. Naaalala ko pa ang plate number ng sasakyan. Nagpark siya sa parking lot ng isang condo building at bumaba. Siya lang mag-isa. Agad ko siyang hinabol matapos kong ipark ang scooter ko.
"Miss, teka lang--miss--" sabay hawak ng kamay niya kaya napatigil siya at lumingon sakin.
"What the hell? Who are you?! Holdaper ka no?!." Sabi niya sabay pilipit ng mga daliri ko.
"Araaaay, hindi. M-miss, m-maniwala ka. Di ako masamang tao." At ayun, binitawan nya na nga ang kamay ko. Haaayst. Ang sakit nun ah.
"Ano bang kailangan mo ha? Money, jewelries or katawan ko?." Taas noo nyang sabi sakin with her arms crossed.
"K-katawan mo?." Nagulat lang kasi ako sa last choice.
"Oo. Bakit? I mean, if hindi ka holdaper edi di mo kailangan ang pera at alahas ko. Sino ka ba talaga ha?. Stalker ka no? Guards!."
"H-hindi ah. A-ako si Gabb. Nagtatrabaho ako dun sa talyer ni Boss Gio."
"Hmm kung pumunta ka dito para kombinsihin akong ipatigil ang demolition, pwes nag-aaksaya ka lang ng time and effort. Buo na ang desisyon ko." magwowalk out na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Hindi mo naiintindihan eh, marami kaming umaasa sa talyer nayun. Marami kaming mawawalan ng trabaho. Uhm sige, ano bang dapat kong gawin mabago lang ang isip mo?."
"Sleep with me."
"S-sige. Matutulog lang naman pala."
"Not that kind of sleep. The erotic one." She smirked. Di ko naintindihan pero mukhang bastos pakinggan.
"Ano?!."
"Alam kong di mo kaya yun. Pero pag nagawa mo, edi sige. Di ko na itutuloy. KUNG magagawa mo. Here's my calling card. Call me kung nakapagdecide ka na." Sabi nito at umalis na. Ano daw?!.
Nababaliw na ba siya? Ano yun? Magpapakapokpok ako para lang mabalik ang trabaho ko?. Edi sana nagpokpok nalang talaga ako. Tsk. Anong akala niya sakin?.
Saka di naman siya mukhang tibo kaya siguro pinagtitripan niya lang ako dahil alam niyang di ko kayang gawin ang pinapagawa niya.
Pero pano nga? Wala nakong trabaho. Anong ipapakain ko sa mga kapatid ko?. Yung pag-aaral ni Lexine at Danielle?. Lalo na si Danielle, graduating na siya ng college kaya sayang naman kung bigla siyang huminto.
..
Sela's POV
2pm.
I kissed Abby goodbye. Kailangan ko na kasing bumalik sa restaurant at farm. Mabuti naman at walang naging problema. Yun nga lang nababagabag parin ako dun sa P 400, 000. Ganun ba talaga kalaki ang babayaran? Saka sino ba ang may pakana ng lahat ng ito.
5pm.
Nasa kitchen ako to check if enough lang ba ang stocks namin nang biglang tumawag si Ate Aya.
Oh hello ate, napatawag ka?.
Sela, si Kuya Miguel. Sinugod sa hospital!
Ano?!.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanficWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?