Abby's POV
Hindi naman ako tanga para sabihin sa impaktang babaeng to ang totoo na pera lang ang habol ko sa kapatid nya. Nagsisimula pa nga akong huthutan siya eh tapos magpapadala lang ako sa pananakot ng Sela nato? Tsk.
"S-syempre hindi no. Mahal ko ang Kuya mo, ano ka ba hehe. Kung ano anong naiisip mo." Pero ang totoo, kabadong kabado nako dito.
"Hindi ako nakikipagbiruan sayo Abby."
"Alam ko. Mukha din ba akong nagbibiro? Seryoso ako no. Saka, may itatanong lang ako. Bakit mo ba talaga alam ang pangalan ko nun na parang kilalang kilala moko?."
"Wag na. Hindi ka rin naman maniniwala."
"Grabe naman. Manghuhula ka ba? Alam mo na agad ang magiging reaction ko ha? Haha."
"Pano kung sabihin ko sayong parang ganun na nga?. I know, you're probably thinking na nababaliw nako--"
"Hindi ah. Actually, may kilala akong manghuhula. May pwesto siya sa Quiapo."
FLASHBACK
Kasama ko ngayon ang best friend kong si Abby sa Quiapo. Suot niya na naman ang paborito niyang pink shirt na may nakaimprentang The 1975. Pumunta kami dito kasi wala lang. I'm just bored. Okay, maybe desperada nakong magkalovelife na hindi pangkaraniwang yung storya.
"Ano ba talagang ginagawa natin dito Mars? Ang init init, sana nagshopping nalang tayo o nag boyhunting, kaloka--" reklamo ni Abby habang nakakapit sa bisig ko.
"Eh kasi Mars, nabanggit ni Kuya kagabi na nagpahula daw siya sa isang matanda dito tapos nagkatotoo daw. Malay natin baka mahulaan din niya kung sino yung the one para sakin."
EOFB
"Mars--Marsela, wuy. Wag mo nga akong tingnan ng ganyan, tinatakot mo ko eh. Okay ka lang?. Nagsashabu ka ba ha?."
"H-hindi ah."
"Wag mong sabihin na may naalala ka ulit tsk. Sino ba kasi yan?."
"It doesn't matter. Pero tuloy mo yung about sa manghuhula."
"Bakit? Magpapahula ka?."
"Hindi."
"Bakit?."
"Hindi ako naniniwala sa mga hula hula na yan eh. Niloloko lang naman nila ang mga tao."
"So, niloloko mo rin pala ako? Kasi sabi mo nahulaan mo lang yung pangalan ko. Sabihin mo na kasi, bakit mo ko kilala?."
"Hindi ko alam, okay?. Chamba lang siguro. Kumain ka na nga lang. Ang dami mong tanong."
KINABUKASAN
Sa Quiapo.
"Akala ko ba hindi ka naniniwala sa mga hulahula? Ba't tayo andito?."
"Pwede ba samahan mo nalang ako dyan sa kakilala mong manghuhula?. Tsk."
"Okay."
As expected, dinala niya ako dun sa mismong pwesto na nasa book at panaginip ko. Yun din mismong manghuhula ang andito.
"Nay Fona, magandang umaga ho." Mano ni Abby sa manghuhula.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanfictionWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?