Sela's POV
The "déjà vu" is the feeling that you have already experienced something, but there is also the "déjà vecu", the feeling that you know what will happen next. But even stranger is the "alter vu", that is, when someone remembers his story differently, and is aware that the events are unfolding differently.
Many believe that this kind of sensation has to do with memories of other versions of ourselves, in other parallel universes. Some believe that the "ghosts" that we think we see, are actually people who live in other universes and who are inadvertently reflected in ours, although they cannot do it completely.
I already saw this coming. Pero totoo ba talaga nangyayari lahat ng ito?. Did I just really predicted the future?. Bakit nahulog parin siya sakin?. Well, if she didn't why would she do that? Ba't niya ko hahalikan?
"What do you think you're doing?!." Galit kong tanong sa kanya.
"I-I'm sorry Sela. I just--I'm confused."
"What?."
"I don't know, I'm just really really confused right now."
"Well, people I know ask when they're confused about something, not kiss some people." Pasok ko sa kotse. Sumunod naman siya. Napayuko nalang siya.
"Listen, whatever you're feeling right now try your best to stop or change it bago pa lumala. Akala ko ba mahal mo ang Kuya ko? Siya ang pakakasalan mo so stop fooling around, especially with me."
"P-pero pano kung sabihin kong--"
"Hindi. Abby, please. Parang awa mo na. Wag mo nang pilitin."
"Pero Sela, pano nga kung mahal na kita?."
"Masyado lang tayong naging close kaya naiisip mo yan. You're not in love with me, you're just mistaking friendship with love."
"Pero yun yung totoo. Sela--"
"Hindi kita mahal. Is that an enough reason for you to marry my brother?. Because I don't know what else is."
Natahimik nalang siya.
KINABUKASAN
Nagising kaming lahat na wala na si Abby at lahat ng mga gamit niya. Kumakain na kami ngayon,
"She's gone. Ano ba talagang nangyari kagabi ha?! What did you do to her?!." Galit na sabi ni Kuya sakin.
"Why does it have to do with me?."
"You've been with her for as long as I can remember. Inaway mo ba siya? Ininsulto?. Kasi she won't do this kung wala lang."
"I didn't do anything." Tsk. I know all of these is my fault. Bwisit naman kasi yung babaeng yun, ang daming arte. Ba't pa kailangan umalis?.
"You two!. Stop it!. Nasa harap tayo ng hapagkainan. Para kayong mga bata!. If you two won't shut up, then umalis narin kayo!." Sabi ni Daddy. Kaya tumahimik na kami.
Pumunta ako sa trabaho ni Abby,
"Anong ginagawa mo dito?." Irita niyang sabi sakin.
"Abby, I'm sorry about everything I've said last night. I didn't mean it--"
"I know you mean it when you said na hindi mo ko mahal. At kung pumunta ka rito para pabalikin ako, pwes nag-aaksaya ka lang ng panahon at laway. Hindi nako babalik dun. Not ever."
"But Kuya needs you, I need you Abby."
"Don't touch me. At pwede ba umalis ka na?. Nagtatrabaho ako."
"There."
"Ano to?."
"I want one unit."
"If this is your way of--"
"Take it. Take it as a gift from me." Sabi ko at umalis na.
..
Abby's POV
I can't believe she did that. Binili niya ko ng unit. Gusto kong magalit sa kanya pero bakit ganun? Parang nanghihina nalang ako sa tuwing nakikita ko ang maamo niyang mukha.
2 days later dinala ko na si Rans at ang mga gamit namin sa bago naming unit. Nakapasok narin kasi si Rans sa trabaho.
"Hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari lahat ng to. Pero desidido ka na ba talagang umatras sa kasal?. Ano ba talagang nangyari ha?."
"Mahabang kwento."
"Tsk yan nalang lagi mong sinasabi. Aminin mo nahulog ka na kay pogi no? Kaya ka biglang nakonsensya. Yun yun diba?."
"Parang ganun, pero hindi sa kanya."
"Huh? Eh kanino?."
"Sayo." Biro ko.
"Baliw haha. Seryoso na nga eh. Nakakainis ka." Hampas niya sakin.
"Basta secret."
"Wow ah. First time. First time na may nilihim ka sakin. Magtatampo nako sayo nyan."
"Edi magtampo ka haha. Sige na, kailangan ko pang bumalik sa trabaho eh. Sunod ka ah."
..
Sela's POV
Andito ngayon kami sa bahay, nagmumukmok parin kasi si Kuya sa kwarto niya.
"Nagkakaproblema na sa restaurant and farm and you're still here being a pathetic loser kuya, so I have the right to be mad! You can't just forget your responsibilities just because a girl left you!."
"Hindi mo kasi naiintindihan ang nararamdaman ko!. Kasalanan mo tong lahat eh!. Umamin ka na kasi! Ikaw ang nagpaalis kay Abby!."
"Hindi ko siya pinaalis!. And I swear, I tried my best para pabalikin siya pero ayaw niya. Ayaw ka nyang pakasalan!. Dahil hindi ka naman niya mahal!."
"Hindi totoo yan!. Nagsisinungaling ka!. Mahal ako ni Abby!. Umalis lang siya because you threatened her!. Ano?! Sinabi mo din ba sa kanyang gold digger siya?! Ininsulto mo ba ang buong pagkatao niya?!."
"Hindi."
"Then why?!. Bakit siya umalis?! And please don't tell me that it's because hindi niya ko mahal kasi alam kong kasinungalingan yan!."
Kaya ko bang sabihin sa kanya?. Are there all really my fault?. Pero, ano bang magagawa ko? This woman that my brother's chasing is in love with me. And I don't want my brother to suffer like this. Pag nalaman niyang ako ang dahilan kung bakit siya iniwan ni Abby, he would despise me for the rest of his life at ayokong mangyari yun.
Nangyari nato dun sa book at sa panaginip ko, alam ko na sana dapat ang gagawin. Pero hindi eh. Hindi ito panaginip, hindi ito libro at mas lalong hindi ito movie.
This isn't my story kasi pakiramdam ko, ako ang kontrabida sa storyang ito. Si Kuya ang biktima kaya siya ang bida. I shouldn't be here.
Hindi ko lang din kasi inaasahang mangyayari lahat ng ito. Lahat ng ito ay dapat nasa panaginip ko lang. Kaya gusto ko lang malaman, what's the point? Why is this happening to me and to all those people who are involved?.
Gulong gulo parin ako kung bakit at pano nangyaring napredict ko na ang magiging laman ng isang libro nung hindi palang ito sinusulat? Pano ko nakita at nakilala ang mga taong yun in their future self?.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanfictionWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?