Sela's POV
Hindi ko maintindihan, alam kong kagaya lang siya ng mga babae dyan na ang habol lang kay Kuya ay pera. Sinasadya ko lahat ng mga sinasabi ko para mapaisip siya. Depende nalang sa kanya kung may konsensya pa siya.
KINABUKASAN
Maaga kaming nagising, naligo at kumain. Pagkatapos nun ay tumulong kami sa pagtatanim and then nagpahinga muna kami sa ilalim ng malaking punong mangga.
3pm.
"Kung magkakaroon ka ng maraming pera, san mo gagamitin? Maliban sa pagnenegosyo ah." Sabi ko.
"Siguro magpapatayo din ako ng mansion."
"Talaga?."
"Tapos patitirahin ko dun lahat ng batang inabanduna ng mga magulang nila.." I can see that she's really sincere and passionate about it. I'm expecting din kasi na gagastusin nya to for herself. Maybe masyado ko lang siyang jinudge, or maybe nagbago nalang siya along the way.
"..kung saan di na sila magugutom. Hindi na nila pipiliting magtrabaho sa murang edad para makapag-aral kasi kaya ko na silang pag-aralin. Kung hindi lang sana makasarili lahat ng makapangyarihan dito sa mundo, masaya sana lahat ng tao. Sana lahat ng tao katulad mo Sela."
"Abby, hindi ako perpekto."
"Alam ko. Pero at least mabuti kang tao. Yun naman ang mahalaga diba?. Yung wala kang natatapakan na iba."
There's that same feeling again. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Kitang kita ko ang takot at lungkot sa mga mata ni Abby.
"Ma'am Sela, excuse me po. May tawag po kayo galing sa mansion. Nakauwi na raw po sina Sir Miguel." Lapit ng Isa sa farmers namin, si Mang Berting.
"Ano?!." Nagulat ako kasi bakit ang bilis naman ata. Isang month na pala.
Nagmadali kaming umuwi ni Abby sa mansion. Sinalubong naman kami ni Kuya.
"Oh, where's Abby?." Takang tanong ni Kuya.
"Present." Medyo nahihiya pang sabi ni Abby.
"No waaaay. Seryoso?. Grabe babe, di kita nakilala." Masayang sabi ni Kuya. Hindi kasi siya makapaniwala na si Abby mismo tong nasa harap nya. Niyakap niya pa ng sobrang higpit si Abby.
"I miss you." Kuya said, kissing her forehead.
"I miss you too." Sabi ni Abby, napalingon pa siya sakin. Andun parin yung takot sa mga mata niya.
"Sina mommy?."
"Andun sa taas. Sobrang napagod sa biyahe eh kaya nagpahinga na muna. Don't worry din babe, kinuwento narin kita kina mommy. Actually, they're excited to meet you. I can't wait for dinner."
Napayuko nalang si Abby. Don't tell me nagdadalawang isip na sya about their engagement. Tsk. Wag naman sana. I don't think kakayanin kong makita si Kuya na masaktan ulit ngayon.
Baka naman nahuhulog natong si Abby sakin. Tsk. Impossible. Di porket nangyari yun sa panaginip ko noon eh mangyayari din yun dito sa waking life ko.
Sana naman hindi kasi di ko talaga keri.
Naunang pumasok si Kuya sa kwarto niya para magpahinga at saka para tawagan yung maids, guards and driver na bumalik na sa mansion.
Papasok nako ng kwarto ko nang pigilan ako ni Abby,
"Sela--"
"Oh."
"Pwede ba kitang makausap?."
"Sure. Halika, pasok ka."
She locked the door.
"Uhm why--"
"Wala lang. Baka may biglang pumasok eh."
"What do you want to talk about ba?." Upo ko sa bed ko, tumabi naman siya sakin.
"About tonight. Kinakabahan kasi ako eh. Pano kung di nila ako matanggap? Pano kung--"
"Abby, chill. They'll love you. Don't worry."
Kaya lang,
Kumakain na kami ngayon ng dinner.
"Anong tinapos mo iha?." Seryosong tanong ni Daddy kay Abby.
"Actually, undergrad po ako." Nahihiya pang sagot ni Abby. Katabi ko siya ngayon sa kabilang side. I held her hand under the table to calm her down. Grabe, sobrang lamig ng kamay niya.
"Really? Why? Ano bang kursong kinuha mo?." Tanong ni mommy.
"Med po. Kaya lang, di ko na po siguro itutuloy yun."
"Bakit naman?." Tanong ulit ni mommy. I don't know pero para bang biglang naging nakakatakot sina mommy ngayon.
"Di po kinaya ng utak at budget eh. Pero nagtatrabaho na naman po ako ngayon. Salamat po kay Sel--"
"Actually ma, she sold a unit in her first week in the job." Sabat ko.
"So, you sell condos pala. That's quite impressive. You must be really great in terms of sales talking. How about your parents?." Sabi ni Daddy.
"Uhm okay naman po sila Sir."
"San ba sila ngayon?."
"Uhm ano po uh abroad." Really? Di ko to alam ah.
"Nasa abroad pala sila, so bakit sabi mo di kinaya ng budget?." Sabi ni Mommy.
"Ma, Dad. That's enough na po. Can we just enjoy the food muna?. Iya, your pinakbet is really great." Change topic ni Kuya.
"Ako kayang nagluto nyan Kuya geez." Sabat ni Ate Aya.
"Ikaw ba? Haha. Kailan ka pa natutong magluto?." Pang-aasar ni Kuya kay Ate Ayan.
"Ma oh, inaasar na naman ako ni Kuya tsk. Pero by the way Abby, you're really pretty."
"H-hindi naman. Sakto lang."
"I don't think so. Para ngang natotomboy na si Sela sa kakatitig sayo eh haha. Kanina pa yan." Sabi naman ni Ate Iya. Awkward.
"Hindi ah. Ate talaga, napaka making mo."
"Totoo kayaaa haha. Kaya Kuya--"
"Enough! Para kayong mga bata, and Iya ano bang sinabi ko about sa pagjojoke tungkol sa pagiging imoral?. Walang tomboy o bakla sa pamilyang to. Nagkakaintindihan ba tayo?." Galit na sabi ni mommy.
"O-opo ma." Takot na sakot ni Ate Iya.
Kaya maliban sa imposibleng magkagusto ako kay Abby, hindi rin talaga kami pwede.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanfictionWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?