Sela's POV
Andito na ko sa Airport para ihatid ang fam. Nasa loob na silang lahat maliban kay Kuya,
"..basta yung pinag-usapan natin ah."
"Kuyaaa."
"I have faith in you. Take care of Abby for me Sela. Sige na, baka maiwan pako ng eroplano. Bye." Sabi nito at pumasok na.
Since nakaalis na sila, it's my job na sunduin na si Abby sa labas ng mall. Based sa pinagkasunduan naming meeting place. Dala dala nya ang mga gamit nya. Tumabi na siya sakin sa harap. Papunta na kami ngayon sa mansion .
Hindi pwedeng malaman ng iba ang tungkol dito sa plano ni Kuya kaya inassign ko muna yung pinagkakatiwalaan naming driver na maging guard sa mother branch ng restau namin. Kaya ako ngayon ang nagdadrive para sa babaeng to. Tsk.
Tahimik lang kami buong biyahe, siya yung maingay. She's snoring kasi while tulog. At saka yung suot niya pa, para talaga syang pokpok. Ano ba kasing nagustuhan ni Kuya sa babaeng to?.
Pagdating namin sa mansion.
"Grabeeee, ang yaman yaman nyo pala talaga. Ang gandaaa. Kulang pa ata kahit ibenta ko kaluluwa ko dito eh. Kaya lang, ba't parang walang tao?. Asan ang driver, maids, guards, hardinero--"
"Ayun, I assigned them another jobs. Sa farm at sa branches ng restau namin."
"Bakit?."
"Secret." Sabi ko lang at pumasok na sa bahay. Sumunod naman siya habang dala dala ang sandamakmak niyang gamit.
Umakyat kami at dinala ko na siya sa guestroom.
"This is the guestroom. Dito ka matutu--" hindi pako tapos sa pagsasalita nagdive na siya agad sa bed.
"Ang lambot naman nimo Sela, halika--"
"No thanks. Sige, may kailangan pa kasi akong tapusing work. Just call me if you need something. I'll be in my room."
"San naman yun?."
"Last room in the right."
"Sige." Kaya ayun, lumabas nako. Sobrang daming changes pala ang kailangan para sa babaeng yun. Pero gaya nga ng napag-usapan namin ni Kuya,
FLASHBACK
"Don't make it obvious that you're trying to change her. She might consider it offensive. Dapat low-key lang. Change her inside and out if yan talaga ang kailangan. Make her wife material."
EOFB
Change her inside and out? Low-key? Enough ba talaga ang one month para dun?.
..
Abby's POV
Tinawagan ko agad ang kaibigan kong si Rans. Kaibigan kong nagtatrabaho dun sa club kung san kami nagkakilala ni Miguel.
Oh, hello mars. Kamusta?
Andito nako Mars. Grabe, big time pala talaga tong si Miguel.
See? Sabi sayo eh. Kaya wag mo nang papakawalan yan. Yang ganyang lalaki ang makakapag-ahon satin sa kahirapan.
Naman mars. San ka ba ngayon? Ba't parang maingay dyan?.
Andito ako sa pasugalan nina aling Bebang.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanfictionWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?