Sela's POV
"Ano? Sagutin mo na." Sabi ko sa kanya.
"Magagalit ka eh--"
"Anong gusto mong gawin ko? Matuwa?."
"Oh ayan na. Pinatay ko na. Iiwasan ko na siya.Wag ka na kasing magselos. Sorry na." Yakap niya sakin.
"Sorry din. Di ko kasi maiwasan eh."
"Masyado ka lang nag-iisip. Wait lang parang may tao."
Pinagbuksan ito ni Abby. Nagulat kami nang makita sina Sheki at Alice. Pinapasok namin sila at pinaupo."So girls, anong meron? Ba't kayo napadalaw? May problema ba?.." Tanong ni Abby. Para kasing mga problemado ang mga mukha nila.
"Sela, Abby. Alam na namin." Intro ni Sheki.
Nagulat naman kami,
"A-ang alin?." Kabado kong tanong sa kanya.
"Ang tungkol sa relasyon nyo. Na magjowa talaga kayo." Sabi ni Sheki.
"H-hindi namin alam ang pinagsasabi nyo." Sabi ni Abby.
"May ebidensya kami kaya wala nang point kung idedeny nyo pa. We left a camera in your room and--" Sabi ni Alice, which is lalo naming ikinagulat.
"Ano?!."
"N-nakuhanan nyo kami ng--nasisiraan na ba kayo ng bait?!." Galit na sabi ni Abby.
"Eh eto kasing si Sheki--"
"We're sorry for keeping our relationship a secret. Nagtanong nalang sana kayo, kahit atin atin lang. To be honest, what you two just did is too much." Sabat ko.
..
Sheki's POV
FLASHBACK
"Anak ng cupcake naman oh."
"Bakit?." Lapit ni Alice sakin.
"Tingnan mo. Wala tayong nakunan. Akala ko ba chinarge mo?."
"Sht sorry."
EOFB
Nagtawanan nalang kami ni Alice.
"A-anong nakakatawa?." Nagtatakang tanong ni Sela.
"Joke lang hahaha wala kaming nakunan pero gotya'. So pano ba yan Alice? Money down."
"Pinagpustahan nyo kami?. Gosh, you're both unbelievable. Ang sarap nyong naku--" Sabi ni Abby tila nanggigigil.
"Pero usapan natin, atin atin lang to ah. Hindi pwedeng malaman ng iba lalo na ni--"
"Si Dana. Sya lang sinabihan namin." Sabat ni Alice.
Nakita naming gigil na si Abby habang dala ang vase kaya,
"Takboooo!." Takbo namin palabas. Buti nalang mabilis kaming tumakbo at hindi kami naabutan ni Abby.
"Sorry!." Sigaw ko pa kay Abby na napatigil na sa pagtakbo dahil sa sobrang hingal.
..
Sela's POV
Hinatid ko na si Abby sa trabaho nya.
"See ya' later Abbygater." Sabi ko at sumakay na sa kotse.
Medyo hindi ko na naaasikaso ang clinic dahil sa pagiging pabaya ni Kuya sa responsibilidad nya sa restau. Iniwan ko naman lahat kay Jamie ang pamamahala sa clinic.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanfictionWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?