Sela's POV
Paalis na kami. May nagsidatingan ding magliligpit ng mga pinagkainan namin at ng buong set up. We're in a private property pala. Binigay na sakin ng parang driver ang susi ng sasakyan ko at andito na nga kami ni Abby sa loob, at pauwi na.
"Hay naku, ewan ko ba." Abot langit na ngiti ni Abby sakin.
"Bakit?." Sabi ko. Glancing at her since I'm driving.
"Hindi ko nga alam."
"Ang alin?."
"Kung bakit ako masayang masaya. Alam ko lang mahal kita."
"Edi yun yung sagot."
"Huh?."
"Dalawa lang naman. Masaya ka dahil mahal mo ko, o mahal moko dahil masaya ka." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?."
"Madalas kasi sinasabi ng mga tao na mahal nila tayo dahil napapasaya natin sila. Pano na kung di na natin sila kayang pasayahin? Edi di na rin nila tayo mahal?."
..
Abby's POV
I never thought of that. I never thought that I was looking at love in a wrong way. And now Sela is explaining that love is deeper than that.
"Don't love people just because they make you happy, be happy because you're able to love. By that, you'll see what you can provide than what they don't have." Sabi niya.
Maraming tao ang gusto ng fast-paced love stories, yung maraming events, yung exciting, yung nag-aaway ang mga bida, yung may dapat mamatay, yung may corny pick up lines, yung sunod sunod ang kilig, yung nachachallenge ang playboy na leading man sa female lead na superstubborn, yung panget na gumanda kaya nagkagusto na sa kanya ang crush niyang nilait lait lang siya at marami pang iba.
Minsan nangyayari yun sa totoong buhay, madalas kasi depende sa personality ng tao. Pero ang lahat ng conflicts sa mga storyang yun ay nangyayari because of two major reasons, 1 is being oblivious about the actual problem, 2 is immaturity of the characters. And Sela made me overcome some of those parts of me that makes me immature. Siguro the right person is the one who would change your wrong perceptions about love.
If there's something common between love and stories, it would be its point–growth.
First, she taught me about the value of things and why money is not everything.
Second, be a person with integrity.
Third, be independent. Don't depend your future on powerful men.
Fourth, be decent in all aspects.
Fifth, don't be afraid to learn new things.
Sixth, always be humble. Don't be stubborn.
Seventh, learn to accept rejection.
Eight, love is all about growth.
KINABUKASAN
Day off namin ngayon.
Masaya akong gumising. Maagang dumalaw si Sela. Feel ko siya rin ata nagluto.
"Good morning. Kain ka na." Masayang sabi niya sakin.
"Si Rans?."
"I don't know. Basta maagang umalis eh."
"Hay naku, yung babaeng yun talaga. Mauna ka na, magtotoothbrush lang ako saglit." Paalam ko.
..
Gabb's POV
Andito ako sa work ko para magcarwash.
"Thank you Neng ah. Hanggang sa uulitin." Sabi ni Mr. Dela Cruz.
"Walang anuman Sir. Ingat po." At ayun, umalis na siya. Suki namin siya pero sakin lang siya nagpapalinis. Actually marami pakong suki, siguro dahil sa sobra kong makilatis sa detalye.
"Gabb, pwede ikaw muna tumapos nung kay Miss Casitas?. May inutos lang kasi si Boss G na ipabili." Lapit ni Ate Lei sakin. Kasamahan ko rin siya dito sa talyer. Maliban sa pagkacarwash, nagmimikaniko din kasi ako ng mga sasakyan.
"Walang problema ate.""Saka pahiram narin ng scooter mo ah."
"Sige po. Eto." Abot ko sa kanya ng susing nasa bulsa ko.
"Sige sige. Thank you."
Masaya naman ako sa trabaho ko. Medyo maliit lang ang kita pero payts narin.
Magsisimula na sana ako nang may biglang dumating na babae na parang big time. May kasama pa siyang bodyguard. Siguro halos kaedad ko lang siya. Malamang anak mayaman.
Pumasok sila sa office ni Boss. Baka isa sa kasosyo niya negosyo.
Nagsimula nalang akong magtrabaho.
..
Belle's POV
"Dalawang buwan. Magbabayad kami." He begged.
"Malinaw ang usapan natin Mr. Medina. Saturday ang demolition nito kung hindi ka parin magbabayad. Nasa kontrata yun. At sinasabi ko sayo, hindi ako magandang mainip." Pananakot ko sa kanya. Nilabas ng guards ang guns nila saglit.
"One month."
"Still too long."
"T-two weeks. I swear, I'll pay you. Cash. Please, just give me two weeks."
"Hmm. Okay. Hindi naman ako ganun kasama. Basta in two weeks pag di kapa nagbabayad, sorry not sorry. Ipapatibag ko to. See ya'." Sabi ko at umalis na kami. Dumiretso nako sa opisina ko pero hindi ko inaasahang maabutan si Daddy dun.
"Where have you been?." Wala sa mood nyang sabi sakin. Well, sa lahat ng tao sa mundo si Daddy ang pinakakinatatakutan ko.
"S-sa talyer lang po Dad. Yung pagtatayuan po natin ng bagong branch."
"Bakit di mo nalang pina follow up sa secretary mo?. Alam mo bang napakarami mo pang dapat asikasuhin dito?. Nakalimutan mo bang ngayon ang meeting nyo with our Japanese investors?. Kung di lang siguro ako dumating kanina to check what's going on here ewan ko nalang talaga kung anong mangyayari. Dyan palang sablay ka na at ang lakas pa ng loob mong sabihin sakin na ikaw ang mamamahala sa lahat ng ito instead of Reeve?."
"H-hindi napo mauulit Dad."
"Talagang hindi na mauulit. Kasi isang beses pa na sumablay ka, I'm firing you."
"What?."
"Why? You don't think kaya kong gawin yun? I'm still your boss Ysabelle, I have the power to remove you in this place. And I mean it." Sabi nya at umalis na. Gusto kong umiyak at magwala. I disappointed him again. Wala na talaga akong nagawang mabuti sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanfictionWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?