Abby's POV
Nagpaalam ako kay Sela na may dadalawin lang akong kaibigan, since day off ko naman ngayon ililibre ko siya sa nakuha kong pera kahapon sa nasara kong deal.
"Iba japorms natin ngayon ah. Saka, diba mahal dito?. Nakahuthut ka na kay pogi?."
"May bago nakong trabaho. Gusto rin sana kitang ipasok dun. Kailangan pa kasi namin ng maraming tao. Eto nga pala, binili na kita ng susuutin mo. Saka, eto nagtabi narin ako para pambayad natin sa mga utang natin. At ikaw, tigilan mo na yang pagsusugal. Hindi mabuti yan."
"T-teka lang ah. Sino ka? Si Abby parin ba tong kausap ko?. Haha. Abby, grabe. Tinatakot mo ko ah."
"Ano ba? Seryoso ako. At saka, nakokonsensya narin ako dito sa ginagawa natin. Rans, sasabihin ko na kay Miguel ang totoo--"
"Ano?! Nababaliw ka na ba?. Abby, pag ginawa mo yun magiging miserable ulit ang buhay mo. Hindi natin alam baka pati yang trabaho mo ngayon bawiin nila sayo."
"Hindi naman siguro ganun si Sela--"
"Ayan, isa pa yang Sela na yan. Balakid yang babaeng yan sa mga pangarap natin eh. Abby, andun na tayo. Malapit na nating makamit yung ultimate goal, tapos basta basta ka nalang susuko? Ano? Tinatakot ka ba ng babaeng yan? Pinagbantaan niya ba ang buhay mo?."
"Hindi."
"So bakit?."
"Mali kasi to eh."
"Pucha naman Abby oh. Wala nang mali mali sa taong nagugutom. Gipit na nga tayo--"
"Ayun na nga. Gipit na nga tayo pinipili pa nating gumawa ng masama. Nanggagamit tayo ng ibang tao para guminhawa ang buhay natin imbes na magsikap tayo. Rans, hindi masama ang maging mahirap. Ang talagang masama ay ang ginagawa mong rason ang kahirapan para gumawa ng masama sa kapwa. Kaya sige na, magtulungan nalang tayo dito please. Magbagong buhay na tayo."
"S-sige. Kung di lang talaga kita mahal eh tsk. Pa kiss nga, namiss kita--"
"Haha baliw."
Pagdating sa mansion.
"Magbihis ka."
"Huh? Bakit?."
"Pupunta tayo ng farm."
"Bakit?."
"Isa pang bakit sasabunutan na kita. Ganto suutin mo, hinanda ko na dun sa kwarto."
Kaya ayun, nagbihis nako. Grabe sa feeling, para akong haciendera dito.
"Bagay naman pala sayo eh. Tara na. Sakay ka na."
"H-hindi ako marunong sumakay ng kabayo eh." Kanya kanya pa kami ng sasakyan.
"Okay lang yan. Hindi naman natin patatakbuhin. Palalakarin lang. Naalala mo yung sa ballet? Dapat kalmado lang lagi. Gayahin mo nalang ang mga ginagawa ko. Makakasunod ka." May tiwala ako kay Sela kaya yun nga ang ginawa ko. Sobrang saya ko kasi nakakasabay nako sa kanya. Ang sarap pala ng feeling.
"Alam mo nung bata pa kami ni Kuya, nasaktan ko siya ng sobra, na sobra ko ring pinagsisihan. Nakita ko kung gaano siya nahirapan nun kaya natatakot akong mangyari ulit sa kanya yung ganun. Ayoko ng may nananakit sa kanya. Kaya Abby, wag mo siyang sasaktan ah. Alagaan mo siya hangga't sa kaya mo. Abby, promise me." Pano ko ngayon sasabihin ang totoo nang hindi siya nasasaktan?. Tsk.
"Abby--"
"I promise." Napangiti nalang siya. Pero sa kaloob looban ko ay pinapatay nako ng konsensya ko.
Di lang naman kalayuan ang farm sa mansion kaya nakarating din kami agad.
May coffee, cornfields, vineyard at mga alagang hayop sila. Baka, manok, isda at kabayo. Sobrang ganda. Pero wala nang mas gaganda pa sa nakikita ko ngayon. Hindi ko mapigilang titigan siya. Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng punong mangga. Ganito pala yung buhay sa probinsya.
Masaya siyang pinapanood ang paglubog ng araw.
"Dito na tayo magpalipas ng gabi ha?." Sabi niya.
"Huh?."
"May bahay kubo akong pinatayo. Kita mo yun?. Dun ako pumupunta kapag gustong mapag-isa."
"Talaga?. Cute."
"Ako?."
"Y-yung bahay. Pero pwede naring ikaw. Tara." Offer ko ng kamay ko sa kanya. Ngumiti lang siya habang nakatingin sakin at tinanggap ang kamay ko.
Pagpasok namin dun. Ang ganda pala sa loob. Kasya ang dalawang tao. Hindi siya ganun kaliit. May built-in rin na cabinets para sa mga damit at pagkain niya. Ang ilaw namin ay isang dekuryenteng lamp.
7pm. Kumain kami ng niluto niyang adobong manok sa harap ng bonfire.
".. nagkasakit kasi nun si Daddy ng malubha. Nalugi pa yung bakery na pinapatakbo nila ni mommy. Tapos nabaon pa kami sa utang. 12 pako nun. Pero sa mura kong edad alam ko na ang nangyayari. Si Kuya napilitang tumigil sa pag-aaral at magtrabaho bilang kargador sa palengke para lang matulungan si mommy sa pagtataguyod samin since hindi na makakapagtrabaho si Daddy dahil sa sakit niya. I know I have to do something para makatulong."
"Ano naman yun?."
"Sinuway ko si Daddy. Nung bata pa kasi ako, sabihin na nating I'm gifted. I'm too ahead of my time and batchmates. Sabi ni Daddy na baka hindi ko na maexperience ang pagiging bata kung masyado kong ipinagpipilitan ang aking mga nalalaman at ang adult mindset ko. Gusto nyang ienjoy ko ang kabataan ko kasi baka dumating ang araw na pagsisisihan kong mas pinili kong maging matalino kaysa maging masaya."
"Anong ginawa mo?."
"Sumali ako sa isang international competition. It's called Battle of the Brains. I won first place."
"They must be really proud na may anak silang matalino kagaya mo."
"Hindi rin."
"Huh? Panong hindi?."
"Well, they're proud because I used that gift to do good things. Yung premyo nun ginamit ko para sa pagpapagamot kay Daddy, nagtabi narin ako for the future, for my dream para sa family ko. Nung gumaling si Daddy, mas nagpursigi ako. I was first year highschool nung nagsimula akong magtinda ng mga kakanin at kung ano anong miryenda hanggang sa lumago na at natulungan ko nang makapagtapos sa pag-aaral ang mga kapatid ko. I was 18 when I graduated and became a Pediatrician. I was 18 nang maipatayo ang first branch ng restaurant namin. And ngayong 20 nako, this farm and everything in it is my gift for myself."
"Ang galing mo pala."
"No, not me. Him.." turo niya sa taas.
"..sobrang bait niya sakin. Kaya Abby, kahit gaano pa kahirap ang buhay, wag na wag kang gagawa ng masama. Piliin mo parin na maging mabuti kahit na puro kasamaan ang pinapakita ng mundo sayo."
Ito ang dahilan kung bakit gusto ko nang itigil to. Alam kong may idea na si Sela sa binabalak ko kaya niya sinasabi sakin lahat ng to. Pinapakonsensya niya ako, at ngayon ay nanghihina nako kasi alam ko sa sarili ko na natatamaan ako, because I'm guilty.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanfictionWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?