Sela's POV
Dinner.
Nag-uusap kami nang biglang,
"Hay sa wakas andito ka na." Sabi ni Sheki. It's Nile, she's here.
"Sorry, dami ko pa kasing inasikaso sa opisina eh. Hi girls." Beso nya.
"Oh. Miss Guia. I'm surprised, you're here din pala. Welcome." Beso naman ni Nile sakin.
"By the way Sela, this is Nile. Pamilya nila ang mang-ari nitong resort." Pakilala ni Sheki.
"Nice meeting you." Sabi ko.
Then tumingin si Nile kay Abby,
"Well, who's this beauty?." Nile said offering her hand.
"Uhm--Ah ano Abby. I'm Abby--" hawak naman ni Abby sa kamay niya. Tsk. Masama ang pakiramdam ko dito ah.
"Nice name. Nile." Nagkatitigan pa sila. Eherm eherm Sabi ko.
"Ah ano, di pa nga kayo nagkikita no?. Eto kasing si Jem ang kinuhang lawyer ng brother ni Nile for his annulment so sila unang nagkakilala." Sabi ni Alice.
At ayun nakipagkwentuhan siya sa group, pero halatang nagpapacute siya dito kay Abby. Nakakairita, may pahawak hawak pa ng kamay at kung makapulupot sa arm ni Abby parang sawa. Nag-inuman pa sila, since di naman ako umiinom nauna nako sa kwarto.
Humiga ako at nagbasa nalang ng book.
30 minutes na nang biglang pumasok si Abby at nilock ang pinto.
"Oh? Tapos na kayo?." Tanong ko.
"Hindi. Tumakas lang ako." Parang di naman siya lasing. She crawled on top of me.
"Baka hinahanap ka na dun."
"Hindi yun. Sabi ko CR lang ako saglit."
"Saglit lang pala eh, bumalik ka na."
"Bakit mo ko pinapaalis?."
"Eh mukha naman kasing mas nag-eenjoy ka dun eh. Lalo na dun kay river."
"Bakit? Selos ka? Haha."
"Konti."
"Panong konti?."
"Yung parang gusto ko siyang ibaon sa buhangin saka ko sesementuhin."
"Sira haha."
Tinabi ko ang libro and I cupped her face.
"Wag mo kasi syang hayaang landiin ka."
"She's just being friendly."
"Too friendly. Abby, sorry."
"For what?."
"Kasi gusto kitang ipagdamot. Every inch of you." I said pulling her neck for a passionate kiss.
..
Sheki's POV
Nagkakantahan sila at nagkakasiyahan. Si Jem naman at Dana parang may seryosong pinag-uusapan.
"Nawala na naman siya. Ano nang plano?." Bulong ni Alice sakin.
"Don't worry, syempre girl scout to no."
"Anong ibig mong sabihin?."
"Kailangan natin ng ebidensya diba? So, nag-iwan ako ng camera sa kwarto nila."
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanfictionWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?