Abby's POV
July 31
Kasama ko si Rans ngayon at pag-uwi namin sa unit nagulat nalang ako nang,
"Surpriiiiise! Happy birthday Abby!." Bati nina Sela sakin na may pasabog pang confetti, decorations at maraming handa. Andito ang mga nakasama namin ni Rans noon sa bahay ampunan na sina Ecka, Sheki, Alice, Lara, Brei, Jem at Dana.
Napaiyak nalang ako sa sobrang saya,
"Group huuuug!." Sabi ni Ecka. Kaya ayun nagyakapan kami, matagal tagal narin kaming nagkikita ng mga to.
"P-pano nyo nalaman na andito kami? Saka, hindi ko naman birthday ngayon ah--" Sabi ko.
"Tong si Rans kinontact kami. Hay naku, wag mo na ngang isipin yun. Ang importante nagkitakita na rin tayo." Sabi ni Jem.
"Sya nga pala Abby, yung gifts namin for you andun. Syempre, meron na yan." Sabi ni Sheki.
"Naku, nag-abala pa kayo. Di na kailangan."
"Sige, madali naman kaming kausap. Iuuwi nalang din namin chos. Tanggapin mo na, kunwari ka pa." Sabi niya pa.
"Ano ba guys? Mag-uusap lang ba tayo dito? Gutom na tong dragon sa tiyan ko eh." Sabi ni Brei.
"Mabuti pa nga. Ayan, si Lara, nauna na." Sabi ni Dana. Kahit kailan talaga napakatakaw ni Lara.
"Ang bagal nyo kasi." Sabi naman ni Lara.
Kumain na kami. Sobrang ingay gaya lang ng kinagisnan naming tahanan pero sobrang saya. Nag-excuse naman at lumabas si Sela nang may tumawag sa kanya sa phone hmm.
"Ganda nung new friend mo Abby, ano nga ulit pangalan nun?." Tanong ni Dana.
"Naol friend haha." Tukso sakin ni Rans. Inapakan ko naman ang paa nya.
"Ou--"
"Ano ka ba Dana? Di mo siya kilala? Si Marsela Guia. Siya yung nafefeature lagi sa news at documentaries sa TV. Business woman yun slash doctor." Sabi ni Jem.
"Talaga?. Di na kasi ako masyadong nakakapanood ngayon ng TV eh." Sabi ni Dana.
"Ikaw Abby, malamang may jowa ka na ngayon." Sabi ni Brei. Bumalik na si Sela at tumuloy na sa pagkain. Sobrang awkward kasi yun pa ang naabutan niya.
"Ah oo." Pasimple kong tingin kay Sela na nakaupo malapit sakin.
"Talaga? Congrats. Kala ko si Jason parin eh haha. Pakilala mo naman kami sa boyfriend mo. Pupunta ba siya ngayon dito?." Sabi ni Brei.
"Sinong Jason?." Tanong ni Sela, here we go again.
"Ah ano, wala lang yun--"
"Anong wala? Haha halos umiyak ka nga ng dugo dati eh. Alam mo Sela, si Jason yung first love ni Abby." Sabi ni Ecka. Napakamot nalang ako sa ulo. This is bad. Really really bad. Nararamdaman ko na ang masamang aura ni Sela sa puntong ito.
"Really?. So naging sila?." Tanong pa ni Sela.
"Oo. Siya yung first ni Abby sa lahat ng--" napatigil nalang si Alice nang biglang tumayo si Rans.
"Andyan na ata sila." Sabi ni Rans.
"Sino?." Tanong ko. Binuksan na ni Rans ang pinto at pumasok sina Gia at Cherprang.
"Sorry we're late." Lapit nila samin. Bineso ko si Cherprang.
"Gosh, namiss kita." Yakap ko kay Gia.
"I miss you more. Uy, Sela. Andito ka rin pala." Sabi ni Gia.
"Magkakilala kayo?." Tanong ko kay Gia.
"Ah oo. Hmm, parehong Abby pala talaga. Small world." Sabi ni Gia kay Sela.
"Oo nga eh." Sabi ni Sela. Tumuloy na kami sa pagkain. Buti nalang naiba na yung topic.
Sa kalagitnaan ng kwentuhan, tumayo si Sela.
"Where are you going?." Tanong ko.
"I'll wash my hands lang."
"Dun ka na CR. Pag ganitong oras walang dumadaloy na tubig sa kitchen sink."
"Ah okay."
Napaisip ako.
"Ah Sela--sabay na tayo."
So sabay kaming pumasok sa CR. Nauna na siyang naghugas ng kamay.
Click!
"Oh? Ba't mo nilock?." Takang tanong niya. Lumapit lang ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod.
"Sela, about pala kanina. Sorry that you have to hear all of that. Saka past na yun eh. Wag ka nang magselos please." Lambing ko sa kanya. Humarap siya sakin at hinawakan ang shoulders ko.
"Ano yung firsts?."
"Wala. First crush, first boyfriend. Ganun lang."
"May nangyari ba sa inyo?."
"W-wala ah."
"Oo."
"Sigurado ka?."
"Para namang tanga to. Puppy love lang. Nung grade 3 pa yun haha."
Hinawakan niya ang mukha at leeg ko.
"Basta ako lang hanggang sa huli Abby ha. Dapat Sela lang." She sincerely said.
"Apaka selos naman ng girlfriend ko. Ang cute mo pag ganyan ka. Well, minsan nakakatakot."
She closed the gap by pulling my neck and kissing me gently. Nagretouch kami at lumabas na na parang walang nangyari.
"Tagal nyo naman. Time for opening the gifts na. Ayan, unahin mo na yung sakin." Sabi ni Alice sabay abot ng dala nyang gift for me.
Tapos na pala silang kumain.
So ayun, isa isa ko nang binuksan ang gifts nila hanggang sa wala nang natira.
"Sela, yung sayo?." Tanong ni Rans.
Napatingin ako kay Sela.
"Okay ka lang kahit wala Sela. Ang importante--"
"May tao, wait--" ayan na naman.
May pumasok na babae on her 40s. Hindi ko maintindihan ang expression ng mukha niya ngayon. Lumapit si Sela sakin,
"This is my gift for you Abby. I would like you to finally meet Miss Saunar, your mother."
Your mother
Your mother
Your mother
Your mother
Your mother
Buong buhay kong hinintay ang puntong ito. Buong buhay kong sinubukan na hanapin sya. Hindi ko napigilan ang sariling mapaiyak nalang sa sobrang saya also because Sela did this, Sela found her for me. Lumapit siya sakin at niyakap ako ng sobrang higpit. Ganito pala ang feeling na mayakap ang mama mo. This is the feeling that I've been missing my whole life.
Because of that, kumpleto na ang birthday ko. Kumpleto na ako, and that's all because of Sela. She made all of these happen.
..
Sela's POV
Ms. Saunar stayed in Cherprang's unit. Kanina pa siyang kabado, at kaya nalate pumunta si Cherprang dito ay dahil pinapakalma niya pa si Ms. Saunar. Of course, they know each other.
Katext niya si Cherprang for updates. At andito na nga siya, making Abby happy. Yun yung klase ng happiness na kahit kailan ay di ko matutumbasan kaya sobrang saya kong makita si Abby na ganito ka saya. Deserve niya to.
Mabuti nalang talaga nanaginip ako nun. Everything really happens for a reason.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanfictionWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?