Chapter 30

533 51 16
                                    

Gabb's POV

Dinala ko na sa hospital si Lexine dahil palala na ng palala yung condition niya. Kanina ko pang sinusubukang tawagan si Belle pero nakapatay ata phone niya. Nag-aalala nako.

Nagpapahinga na ngayon si Lexine. Dumating narin sa wakas si Danielle.

"Anong nangyari?."

"Ayun, bigla na namang nahimatay. Napapadalas nato. Natatakot nako. Sa ngayon, kailangan nya pang magpahinga."

"Si Ate Belle ba nacontact mo na?."

"Hindi pa nga eh. Cannot be reached."

"Baka busy lang sa trabaho."

Dumating na si Teo. Isa siyang grab driver.

"Babe."

"Kamusta na sya?."

"O-okay na. Kailangan nya pang magpahinga. Wala parin yung results eh."

"Ganun ba?. Pasensya pala, ngayon lang ako nakarating. Traffic kasi."

..

Sela's POV

"W-what truth po?."

"Bata ka palang alam ko na, so there's no point for denying Sela."

"A-ano pong sinasabi nyo ma?."

"You always mention this girl's name in your sleep but I ignored it for so long. And then Miguel brought this girl one day, I could see it in the way you look at her. I know that it was something else. Don't get me wrong, I don't hate you for being like that. I'm just scared of how the world will react. Hindi ka nila matatanggap. Marami sa kanila ang gagawing katatawanan ang pagkatao mo. With your status, people might use that against you. You can't just ignore them forever--"

"I can mom, and I will. If that's what it takes to be me. If that's what it takes to be with Abby."

..

Abby's POV

Kasama ko ngayon si Belle sa unit ko. Hindi nako pumasok sa trabaho since bukas na ang flight namin papuntang Cebu. Tinulungan nya ko ngayong mag-impake. Oo, matutuloy ako dun pero pagkatapos nun ay sasama naman ako sa mga kapatid ko sa states. Susunod naman sina Reeve at Rile para dun na kami manirahan.

Sa kwarto habang nag-iimpake parin,

"So wala kang planong sabihin sa kanya? Basta basta ka nalang aalis?."

"P-parang ganun na nga."

"Diba parang unfair yun kasi--"

"Wala nakong choice Belle. Pag di ko to ginawa, habang buhay na ilalayo sakin ng Kuya mo si Rile. Siguro naman maiintindihan ni Sela."

"Ayun nga, sabihin mo sa kanya. Sabihin mo ang totoo. Sabihin mo ang dahilan kung bakit ka talaga aalis, hindi tong ganto na pinapaasa mo siyang babalik ka pa."

"Ayoko siyang saktan."

"Sa tingin mo ba hindi din siya masasaktan sa ginagawa mo ngayong pagtago sa kanya ng totoo? Yung tungkol kay Kuya, yung tungkol sa anak mo, at yung hindi mo pagpili sa kanya."

..

Belle's POV

2pm. Pumunta nako agad sa hospital the moment na nabasa ko yung text ni Gabb.

"I'm sorry, nalowbat kasi ako kanina eh."

"Okay lang. Ay sya nga pala Belle, si Teo. Boyfriend ko. Teo, si Belle ah ano uh--b-boss ko." Pakilala ni Gabb samin.

"Ay hello po ma'am Belle, maraming salamat po pala sa pagtulong nyo dito kay Gabb. Pero ano po ba talagang trabaho niya sa inyo?."

Napatingin ako kay Gabb. Halatang di parin niya sinasabi sa boyfriend niya yung trabaho nya sakin.

"Well, she's my secretary." Sabi ko nalang.

"Akala ko ba tinatabihan ka po ni Ate na matulog sa gabi?." Sabat ni Danielle. Oh dear. Sa reaction palang ng boyfriend ni Gabb halatang hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng storyang ito.

..

Abby's POV

KINABUKASAN

Sinabi kong wag na siyang sumama pero nagpumilit parin siya.

Sa labas ng airport. Kasama namin sina Rans at Miguel. Sobrang lakas parin ng buhos ng ulan. Masama kasi ang panahon ngayon pero parang kaya naman.

"Basta mag-ingat ka dun ah. Text mo ko pag nakarating ka na." Sabi ni Rans. About Rans, hindi ko parin nasasabi sa kaniya. Saka nalang pag nakarating nako dun. Sasabay nalang siya kina Reeve.

"Syempre naman. Pwede ko ba namang kalimutan yun? Haha. Saka mabilis lang kaming makakarating dun."

"Basta Abby, yung pasalubong ko ah." Sabi ni Rans.

"Opo haha. Arte nito. Para namang mag-aabroad ako."

"Abby--" napalingon ako kay Sela. Tumayo na siya sa wheelchair niya at niyakap ako. Sa puntong yun pakiramdam ko ang sama sama kong tao. Hindi ko parin kasi kayang sabihin sa kanya. I'm sorry Sela. Nangingilid na ang luha ko pero pilit ko itong pinipigilan. Palakas na ng palakas ang buhos ng ulan. Naririnig ko na nga ang thunder, para bang binabagsak nito lahat ng bigat na pasan pasan ko sa dibdib ko pero hindi na namin yun pinansin.

FLASHBACK

I never thought of that. I never thought that I was looking at love in a wrong way. And now Sela is explaining that love is deeper than that.

"Don't love people just because they make you happy, be happy because you're able to love. By that, you'll see what you can provide than what they don't have." Sabi niya.

..

"Mars, what do you think?." Tanong ni Sela, nakatunganga parin pala ako.

"H-huh?."

"Bagay ba sayo?." Tanong niya sakin.

"Ang alin?."

"Tong dress."

"Ah. Kala ko ikaw."

"What?."

"Sabi ko, gusto ko yan. Halos magkapareho naman tayo ng
sukat diba?."

..

Bigla nalang akong kinabahan nang banggitin niya ang pangalan ko na para bang kilalang kilala na niya ako.

"Y-you know her?." Takang tanong ni Miguel sa kanya.

"Kinda." She awkwardly said.

"Babe, who is this ba?." Tanong ko kay Miguel.

"Ah babe, siya ang kapatid ko. Si Marsela, but you can call her Sela. Sela, this is Abby." 

"Nice meeting you Sela."

EOFB

Kumawala na siya.

"Why what's wrong?. Ba't ka umiiyak?." Punas ni Sela sa mga luha ko.

"Wuy, wag ka ngang ganyaaan. Naiiyak na rin tuloy ako. Abby--"

"Sorry sorry." Forcing a smile.

"Balik ka agad ah." Dahil dun lalo akong nanghina.

..

Sela's POV

"Saglit lang ako. Hindi mo mapapansin." Sabi niya pa sakin.

PRESENT

"..Pero di na siya bumalik."

SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon