Chapter 9

519 55 1
                                    

Abby's POV

9pm. Papasok na kami sa unit namin.

"Grabe, parang sasabog na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan. Sana ganito nalang lagi no?." Sabi ni Rans habang nakaakbay sakin. Napalingon kami nang makarinig na may parang bumagsak sa likod namin.

"Tara, tulungan natin." Sabi ko at nauna nang lumapit. Sinubukan kong gisingin ang babae.

"Ano? Buhay pa ba?." Nag-aalalang tanong ni Rans.

"Oo. Knock out lang sa sobrang kalasingan." Amoy alak kasi. Pinahiga ko ang babae on her back, ang ganda niya.

"Hala Abby, ang ganda. Mukhang mayaman. Check mo yung bulsa. Baka may pera--"

"Rans--"

"Joke lang. Taga rito din siguro yan. Wala bang room key dyan o ano?." Kaya kinapa kapa ko.

"Parang wala eh."

"Mabuti pa dalhin nalang muna natin siya sa loob." Binuhat namin ang babae hanggang sa couch ng unit namin.

"Tapos, ano nang gagawin natin?."

"Hayaan na muna natin siya dyan hanggang sa magising siya."

"Mabuti pa nga. Maaga pa tayo bukas."

KINABUKASAN

Tulog parin ang babae.

"Susunod nalang ako pag gising nato. Baka kasi mamaya binubudol lang tayo nito at nakawin pa mga gamit natin, mahirap na." Sabi ko.

"Sige. Basta sunod ka agad ah." Sabi ni Rans at umalis na.

Naghuhugas nako nang pinggan nang bigla kong narinig ang gripo sa CR. Hmm nakalimutan ko ba yung patayin kanina?. Kaya chineck ko pero iba ang nakita ko,

"Aaaaaah!." Sabay naming sigaw dahil sa sobrang gulat. Naabutan kong umiihi sa toilet bowl yung babaeng lasing. Dali dali niyang tinaas ang jeans nya at flinush ang toilet. Bakit naman kasi di niya sinara ang pinto? Tsk.

"W-what are you doing here?! Magnanakaw ka no?!." Tutok niya sakin ng bidet.

"H-hindi ah."

"So, you're a rapist! Binobosohan mo pa ko!."

"Hindi ako namboboso, bakit ba kasi hindi mo sinara ang pinto?."

"Why would I? I live here alone! And don't you dare move kasi tatawag ako ng police!."

"Wala akong kasalanan."

"Yeah right. Kakasuhan kita ng trespassing, robbery and sexual harassment!."

"Baliw ka. Mabuti pa umalis ka na." Sabi ko at bumalik na sa kusina. Parang tanga sinundan pa ako.

"At sino ka naman para pagsabihan akong umalis sa sarili kong uni--this is not my unit no?." Realizing kung gaano siya kabaliw. Tinuloy ko ang paghuhugas.

"Ah eh I-I'm sorry hehe. Ba't di mo kasi sinabi agad?." Wow ah, ngayon biglang ang bait niya tsk. Natapos nako sa paghuhugas at hinarap na siya.

"You were dead drunk last night na nakatulog ka sa gitna ng lobby. We don't know kung san ka dito nakatira so pinatuloy ka muna namin."

"We? So may kasama ka? Boyfriend mo?."

"Best friend."

"T-thank you. Pasensya na talaga sa inasal ko kanina, akala ko lang kasi--"

SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon