Sela's POV
Maaga akong pumunta kina Abby para ipagluto sila ng breakfast. Andito ngayon si Rans habang kakatapos lang ni Abby maligo.
"Good morning Abby. Breakfast." Masaya kong bati sa kanya.
"Halika naaa. Arte arte." Hila ni Rans sa kanya paupo. Kaya ayun napilitan nalang siyang kumain.
"Sarap no?." Sabi ni Rans.
"Maalat." sabi ni Abby.
Alam kong nasasarapan siya pero di lang niya pinapahalata kaya niya yun sinabi.
"Teka lang, ikukuha kita ng tubig." Sabi ko.
Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa, kung bakit gustong gusto kong pinagsisilbihan si Abby. Ang alam ko lang masaya ako sa ginagawa ko.
Ininom nya lang to na wala man lang thank you. Parang wala parin siya sa mood ngayon.
"So, kamusta nga pala yung lakad mo kahapon? Okay na kayo?." Tanong ni Rans. She must be referring to kuya. She said kasi kahapon na magkasama sila ni Abby to talk about them, to clarify things out. Sana naman di niya sinabi yung tungkol sakin.
"Hindi. Hindi nya parin matanggap.Ewan ko ba, napakahirap niyang kausap." Sabi ni Abby habang focus parin sa pagkain.
"Di naman kasi dapat minamadali yun no. Diba Sela?."
"O-oo."
"Hala ano yang nasa braso mo? Pasa?." Nag-aalalang tanong ni Rans sakin na nakakuha naman sa atensyon ni Abby kaya napatingin siya sakin.
"Ah wala lang to. Bigla kasing nagbrown out kagabi, ayun nahulog ako sa hagdan." Sabi ko.
FLASHBACK
Pagdating ko sa bahay, pinark ko muna sa garahe ang sasakyan. Nagulat nalang ako nang biglang may humila sakin at hinawakan ako sa leeg na para bang sasakalin.
"Anong sinabi mo kay Abby ha?. I. Trusted you tapos eto lang gagawin mo sakin?." Galit na galit siya na pakiramdam ko plano niya na talaga akong patayin. Alam na kaya niya?.
"Kuya, ano ba? D-di ako maka-hinga--kuya--" pilit kong tinanggal ko ang kamay niya pero masyado siyang malakas.
"Dapat lang. Kasi napakasama mong kapatid. Alam mo ba yun?.Napakaselfish mo!."
"Kuya please--sorry--" iyak ko. Nahihirapan nakong huminga dahil sa mahigpit na pagkakasakal niya sakin.
"Sorry?! Hindi eh! Ayaw mo kong maging masaya! Mga bata palang tayo ipinapamukha mo na sakin kung gaano ako kawalang kwentang tao!." Tulak nya sakin pabagsak sa sahig sabay alis pero nabagsakan ako ng bakal na tool box, I used my arm to cover my head kaya nagkapasa.
EOFB
Syempre, di ko sasabihin kay Abby o sa kahit kanino.
Nauna nang umalis si Rans para pumunta sa work nya habang hinihintay ko nalang si Abby.
Lumapit siya sakin at inabutan ako ng ice pack.
"T-thank you." Sabi ko. Umupo siya sa tabi ko dito sa couch at seryoso lang akong tiningnan. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Siya ba ang may gawa nito?."
"H-huh?."
"Wag ka nang magmaang maangan pa Sela. Kahit di mo pa sabihin sakin, alam kong siya ang responsable nito. Hayaan mo, kakausap ko siya--"
"A-Abby. Wag na. Okay na talaga. Saka aksidente ang nangyari. Di kasi ako nag-iingat."
"Kasalanan ko to eh. Di mo na dapat naranasan yan tsk."
"Don't blame yourself. Abby, okay ako. Saka pasa lang to. Malayo sa--"
"Bituka?."
"Sa puso. Mas masakit daw yun eh."
Silence.
Hindi alam pero out of nowhere,
"Do you like Cherprang?."
"Oo naman. She's my friend."
"I mean more than that."
"Kung pwede lang sana."
"What do you mean?."
"Umalis ka muna dito." Turo niya sa puso nya.
"Abby--"
"Don't worry. You don't have to love me back. Napag-isip isip din ako nitong mga nakaraang araw na maybe naging masyado lang akong immature. Hindi ko kasi talaga alam kung pano e deal ang rejection eh. Kaya naniniwala ako na kaya paring magbago ni Miguel. Na balang araw mauunawaan niya rin."
"Sana nga."
"Kaya Sela, don't feel so bad about it. Actually, it's not your responsibility to make me feel better. It's mine."
Pano kung sabihin kong mahal na kita pero natatakot lang ako?. Natatakot akong makapanakit ng damdamin. Lalo na kay Kuya at sa mga magulang ko.
Hindi ka naman mahirap mahalin eh. Hindi ko lang talaga alam kung papano lalo na't ang gulo gulo pa ng mundo ko ngayon.
"Tara na? Baka malate pa tayo." Sabi niya.
Kaya ayun, hinatid ko na siya at dumalaw nako sa farm. Making sure that everything is monitored. Nagpakabit narin ako ng CCTV cameras sa certain areas.
"Ma'am Sela, andyan na po yung mga baboy at baka." Sabi sakin ni Agnes. Kasama rin sa mga nangangalaga dito sa farm.
Pinapasok na ang mga ito. Malaki laki din ang nalugi sakin sa linggong ito at kailangan kong mabawi yun. Ewan ko nalang kung maniniwala bako dun kay Miss Saunar.
Speaking of, di ko pa pala sinasabi kay Abby yung tungkol dun. Kailangan pa ba talaga ng proof eh alam ko na nga na totoong anak ni Miss Saunar si Abby?.
What if isurprise ko nalang si Abby? Hmm. Malapit na ang birthday niya, tama. Yun nalang siguro ang ireregalo ko sa kanya. Magiging masaya talaga yun sobra.
Ngayon palang namimiss ko na agad siya. Sana naman di sila magkasama nung Cherprang nayun tsk. Syempre hindi talaga Sela.
Nagtatrabaho si Abby. Kung ano ano nalang talagang naiisip mo. Kala mo naman jowa. Haaayst.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
Hayran KurguWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?