Chapter 23

514 48 5
                                    

Sela's POV

Naunang matulog ang lahat maliban samin ni Alice na nagliligpit pa ng mga gamit namin sa labas na nakakalat.

"Ah Alice, may itatanong lang sana ako."

"Sure. Ano yun?."

"May nangyari bang alitan noon between Abby and Dana?."

"Hmm. Ang pagkakatanda ko is nung highschool. First and last."

"Alam mo ba kung anong pinag-awayan nila?."

"Nope. I'm afraid not. Basta ang alam ko lang is naparusahan si Dana ng sobra nun. So sa tingin namin may sinumbong si Abby about Dana na di nagustuhan nina sister dun sa bahay ampunan."

KINABUKASAN

I decided to ask Abby. Sila na ang naliligo samantalang kami ni Abby ang naiwan sa cottage,

"Ano ba kasi talagang nangyari?."

"I told them that I saw Dana kissing a girl. We've been taught since day one na mali yun. They didn't want to tolerate those types of behaviors lalo na't nasa puder nila kami so they punished her."

"Is that why you're afraid to tell them about us?."

"Yes. Especially Dana. Because I don't want her to know how come of a hypocrite I really am. I used to be so insecure of her na naghanap ako ng kahit isang bagay na makakasira sa kanya but it turned out na ganun din pala ako. And I don't want her to use our relationship against me. I don't want to end up in a situation where our only choice is to abandon our ship Sela."

I held her hand.

"Ikaw pa nga nagsabi diba? We don't have to worry about the ship sinking if we know how to swim. Abby, as long as we have each other magiging okay ang lahat. We can create another ships pa naman eh. We can start again."

"What do you mean?."

"Kahit na ilang beses pa nila tayong paghiwalayin, ang mahalin ka ang tanging bagay na hindi nila mababago sakin."

Niyakap niya lang ako ng sobrang higpit.

..

Sheki's POV

Nakita kong nagyayakapan ang dalawa.

"Are you sure you're okay?." Nag-aalalang tanong ni Alice.

"O-oo. Oo naman."

"Echosera. Ano ba kasi yun? Anong iniisip mo?."

Inhale exhale. Buti naman medyo nasa malayo yung iba.

"P-pakiramdam ko kasi may relasyon sila." Sabi ko.

"Sino?."

"Si Abby at--"

"Sela? Haha baliw. Kilala natin si Abby, di naman siya ganun. At saka knowing Abby, napakahomophobic nun. Natrauma ata sa kabaklaan ni Jason haha."

"Pero kasi parang iba talaga eh--"

"You know what, you're just over thinking. Wala lang yan. Magkaibigan lang sila."

"Eh para ngang hindi."

"Well, tell me. What are you looking at when you see that?."

"I see two people in love. Tingnan mo nga, ganyan mo ba tingnan ang kaibigan mo?."

"Wala namang kakaiba sa tinginan nila ah."

SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon