Abby's POV
Break time na. Kumain muna kami ni Rans sa isang malapit na karinderya.
"Grabe, namiss ko to." Sabi ko.
"Sinabi mo pa. Sya nga pala, si Miguel dumalaw kanina."
"A-alam nya na kung san tayo nakatira?."
"Oo. Saka maayos naman siyang nakiusap. Gusto ka niyang makausap--"
"Rans--"
"Abby, kawawa naman kasi yung tao. Diba dapat ikaw yung humihingi ng tawad sa kanya ngayon dahil ikaw naman ang nagloko?. Sino ba kasi yang lalaking pinalit mo sa kanya ha?."
"Hindi na nga kasi importante yun diba?. Saka ako nga lang may gusto sa taong yun."
"Then at least kausapin mo si Miguel tungkol dun. Ng maayos ah. Ipaintindi mo sa kanya kung bakit hindi pwede. Ayan, dyan daw kayo magkita mamaya."
Pero di ko pwedeng sabihin kay Miguel na si Sela ang mahal ko kaya ko siya iniwan.
..
Sela's POV
"T-Tita?." Gulat kong sabi. Si Miss Saunar ay ang Mommy ni Abby?! Of course she is, bakit ko nakalimutan yung detalyeng yun. Abby's full name is Abelaine Saunar Trinidad. So, nagdivorce pala ang parents niya?. But Miss Saunar looks a little young and the way she dress is just absolutely classy.
"Hahaha bakit? Pamangkin ba kita?." Shake hands nya sakin.
"So, ba't ka napadalaw?." Hmm balik sa negosyo ko.
"Are you possibly responsible for food poisoning our restaurant's customers and our farm?."
"Pinagbibintangan mo ba ako ha Miss Guia?. Well, nabalitaan ko nga ang nangyari sa negosyo mo. Baka naman pabaya lang talaga yang mga tauhan mo. Talaga bang pumunta ka dito para lang tanungin ako sa krimeng wala akong kinalaman? Haha pathetic." Upo niya sa ibabaw ng table niya. Alam ko nagmamaang-maangan lang siya at by the looks of it may kinalaman siya.
"Well, you have a motive."
"You think so?. Because I think what you considered a motive is what I consider a motivation. You're smart and is totally ahead of your time but in terms of business sweetheart, you need a lot to learn. I've been in this business for as long as I can remember, at lahat ng nararanasan mo ngayon ay naranasan ko rin.." as she cracked her knuckles.
"..I know how hard it is to be on top. Being on top means growing numbers of opponents that could attack you anytime. Ba't mo kasi ginalingan kung di ka prepared?. Tandaan mo, lahat ng naglalaro nangangarap na patumbahin ang pinakamagaling. Do you want coffee, tea, iced tea perhaps--"
"Your daughter."
"What?." Takang tanong niya.
"I know where she is."
"What are you talking about?." Tayo niya.
"Abelaine. Hinahanap mo siya diba?."
"How did you--"
"You won't believe it anyway."
"But she's dead. My ex husband left her in the car that day because of some stupid reason. One of our opposing companies tried to kill them by planting bombs in the car. My husband himself saw the car explode, imposibleng--"
"Buhay siya. Buhay si Abby. I don't know what really happened pero nakaligtas siya."
"You're lying--"
"I'm not."
"Marami nang nagpakilalang anak ko pero alam kong ginagawa lang nilang lahat yun para sa pera. Ikaw, why are you doing this?."
"Kasi nakita ko how badly she wants to meet you."
"Sorry, pero maniniwala lang ako kung may test na makakapagpatunay na anak ko nga siya."
..
Abby's POV
Pagkatapos ng trabaho ko, pumunta nga ako sa sinasabing lugar. At andun nga si Miguel na masayang sumalubong sakin. Sa may boulevard.
6pm na.
Di na nga namin namalayan ang paglubog ng araw.
"Abby, I'm sorry." He sincerely said. Napalingon nalang ako sa kanya.
"Promise, kung ano mang nagawa kong mali sayo pipilitin kong magbago."
"Miguel--"
"Hindi mo na ba talaga ako mahal?."
"Ang totoo kasi nyan, gaya lang din ako ng ibang babae dyan."
"Anong ibig mong sabihin?."
"Pera lang ang habol ko sayo. Nung una yun lang talaga, pero may isang taong nakapagparealize sakin na hindi pala talaga dapat umiikot lang sa pera ang buhay ng tao. From that, natutunan kong makonsensya. Miguel, ayokong lokohin ka kaya mas pinili ko nalang umalis."
"Si Sela ba ha? Pinamukha nya ba yan sayo?!. Abby, wala naman akong pakialam kung yan lang ang habol mo sakin kasi alam ko along the way matututunan mo rin akong mahalin--"
"Hindi mo kasi naiintindihan eh--"
"Edi ipaintindi mo sakin Abby."
"May iba nakong mahal."
"Ano?."
"Yun ang totoo Miguel. Kaya sorry kung di kita kayang pakasalan."
"Sino?."
"Ano ba? Nasasaktan ako."
"Abby, sabihin mo sakin! Sino?!."
"Bitawan mo siya." Nagulat nalang ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.
"Babe, halika na nga." Lumapit naman ako sa lalaki. Di ko siya kilala pero buti nalang dumating siya.
"Sino ka ba ha?!." Galit na sabi ni Miguel.
"Boyfriend niya. Ikaw ang sino at bakit mo sinasaktan ang girlfriend ko ha?!." Nagtago nalang ako sa likod nung lalaki.
"Ito ba ha Abby? Ito bang pinalit mo sakin?! Pano mo nagawa sakin to?! Pano mo nagawang ipagpalit ako sa bakla?!."
"Hoy, hindi ako bakla ah. Sabunutan kita dyan eh. Umalis ka na bago pako tumawag ng police."
"Hindi pa tayo tapos!." Alis ni Miguel sabay sakay sa kotse niya.
"Thank you ah."
"You're welcome sis. Vince nga pala."
"Hala, bakla ka pala talaga."
"Bakit? May problema ka sa bakla?." Pagtataray nya pa sakin.
"W-wala. I'm Abby. Nagkita na ba tayo dati?."
"Common lang siguro pagmumukha ko. Saka, secret lang natin tong bakla ako ah. Di pa kasi ako out."
"Sure. Tsaka, di naman halata haha. Basta thank you ulit. Sige ah, una nako."
"Hatid na kita."
"Wag na. Okay nako." At ayun nga, umalis nako at sumakay ng taxi. Baka mamaya nagpapanggap lang palang bakla yung isang yun. Tsk mahirap na ang panahon ngayon no.
Pag-uwi ko pa andito na naman si Sela. Talaga bang di ako titigilan ng babaeng to?. Kumakain na sila.
"Kain ka na. Si Sela nagluto." Masayang sabi ni Rans.
"Di ako gutom." Sabi ko lang at dumiretso na sa kwarto ko. Alam kong nalungkot si Sela dahil dun pero mabuti narin yun para tantanan nya nako.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanficWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?