Chapter 7

555 57 12
                                    

Sela's POV

Matutulog na sana ako nang biglang may kumatok. Pinagbuksan ko ito agad.

"Oh Abby."

May dala siyang unan at nakapantulog narin siya.

"Pwede bang dito muna ako matulog?." Pakiusap niya.

"H-huh? Bakit?."

"Namiss ko lang kasi talaga ng may katabing matulog."

"What the--"

"Not like that haha. May best friend kasi ako, para na kaming magkapatid. Kami laging magkatabi matulog."

"Haaayst buti naman. Kinabahan naman ako ng slight sayo."

"So, can I?."

"Sure. Di mo naman siguro ako pagsasamantalahan diba?."

"I'll think about it."

"What?!."

"Joke lang haha. Di tayo talo mars."

"Mars?."

"Mars, mare. Pwede ring Mars, short for Marsela."

"Hmm okay."

"Anong okay?."

"Pwede mo nakong pagsamantalaha--este tawaging mars hehe."

"Haha okay?. Tara na."

"S-saan?."

"Sa langit haha. Ano ba? San paba? Matutulog na tayo."

"Mas gusto ko yung sa langit. Di, joke lang. Tara." Kaya ayun humiga na kami. Pero parang pareho kaming di makatulog. Nakatingin lang kami sa ceiling.

"Naniniwala ka ba sa déjà vu?. Kasi ako, oo eh." Biglang tanong niya.

"Talaga? Bakit mo naman nasabi?."

Bumangon siya at umupo sabay sandal sa wall sa bandang ulo namin, sumunod naman ako at tinabihan na siya.

"Siguro dahil pakiramdam ko kilala kita. Kasi para sakin para kang isang pangyayari sa buhay ko dati na hindi ko pwedeng kalimutan kahit ang totoo ay ngayon lang kita nakilala." Paliwanag niya.

"Do you wanna hear something crazy?."

"Ano?."

"Ang totoo kasi nyan napanaginipan ko na halos lahat ng to when I was just 7 and what's crazier about that is nameet kita sa dream na yun. Nakita ko na ang magiging itsura mo ngayon. Naalala mo nung first meeting palang natin?."

"Sht. Kaya pala alam mo ang pangalan kooo. Napakacreepy naman nyan."

"Exactly. Tapos ang weird pa nun kasi--" bigla akong napatigil. Oo nga pala.

"Kasi?."

"Ah wala. Nevermind."

"Ano ba yan, pabitin ka naman eh."

"Wag na haha. Isang malaking kalokohan yun."

"Ano nga kasi?."

"Inaantok nako. Bukas nalang. Goodnight." Sabi ko at humiga na ng nakatalikod sa kanya.

..

Abby's POV

Ano kaya yun? Tsk. Humanda ka Sela, malalaman ko rin yan.

SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon