Abby's POV
KINABUKASAN
Dumalaw ako sa bahay ampunan at kinausap si sister Meredith. Andito kami sa garden habang pinapanood ang mga batang masayang naglalaro.
"Nung malaman kong ikinasal ka na, natuwa ako. Pero ang makita kang ganyan ka miserable ngayon alam kong nagsisisi ka. Palagi ko tong sinasabi pero uulitin ko parin, ang pag-aasawa ay hindi parang mainit na kanin na pag napaso ka ay basta basta mo nalang iluluwa. Hindi ko pa nakikilala ng harap harapan yang asawa mo kaya hindi ko maaaring sabihin na masamang tao siya. Ano? Sinasaktan ka ba niya?."
"H-hindi po."
"So anong bumabagabag sayo ngayon?."
"May mahal po kasi akong iba at gusto na ng asawa ko na iwan ko na ang taong yun."
"Well, yun naman talaga ang nararapat. Pero nasayo parin ang desisyon. Kung pipiliin mo ang taong mahal mo o yung pinakasalan mo. Sino ba ang gusto mong piliin?."
"Yung taong mahal ko po."
"Edi tapos na pala ang usapan."
"Pero ayoko pong malayo sakin ang anak ko."
..
Sela's POV
Nagising ako sa isang unfamiliar na kwarto. Nahihilo parin ako.
"Nurse! Nurse!. Gising na ang pasyente!." Labas ng isang police.
Nagsipasok na ang nurses. So nasa hospital pala ako. Ang sakit ng katawan ko.
Bigla kong naalala yung pagbaril sakin ni Kuya. Alam niya na. Alam niya na ang tungkol samin ni Abby. Baka saktan niya si Abby, baka--
Pinapasok ng mga police sina Ate Iya at Ate Aya.
"Kamusta na ang kalagayan mo?. Sobra kaming nag-alala sayo." Sabi ni Ate Iya.
"S-si Abby--"
"Siya ba ang may gawa sayo nito?." Sabi ni Ate Aya.
"H-hindi--"
"So sino?." Tanong pa niya pero biglang pumasok si Kuya. Ibang iba siya ngayon. Nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang takot at pagsisisi. Alam ko namang nadala lang siya sa galit niya kaya nya yun nagawa sakin.
"W-wala. Hindi ko alam."
"Baka pakana na naman to nung mga kompanyang kumakalaban sa atin. Dapat talaga tuloy tuloy yung imbestigasyon para--" Sabi ni Ate Iya.
"Itigil nyo na po."
"Ano?. Sela, nanganganib ang buhay mo. Hindi pwedeng itigil--" Sabi ni Ate Aya.
"Okay lang ako. Basta itigil nyo na as soon as possible. Titigil din kung sino man ang taong gumawa nito."
"Tinamaan ka sa braso, balikat at dibdib. Ibig sabihin nakita mo kung sinong gumawa nito sayo dahil magkaharap kayo. Kailangan namin ang testimonya ukol sa kaso--" Sabat ng isang police.
"Hindi na nga kailangan. Saka di ko nakita yung mukha nung tao. Nakamaskara siya."
..
Belle's POV
Kasama ko ngayon ang pamangkin kong si Rile. He's 3 years old. Anak siya ni Kuya. We never met the girl, ang sabi lang ni Kuya nasa states daw, finishing her studies.
Andito kami sa mall para mamili ng bagong toys niya nang biglang tumakbo siya palapit sa isang familiar na babae.
"Mommyyyy!." Salubong niya rito. Mommy?. That's it. Siya pala yun. Siya yung babaeng madalas na dinadalaw ni Sela.
Kinarga niya si Rile.
"Tita Belle, it's mommy! Mommy Abby." Masayang sabi ni Rile.
"A-are you really his mom?."
..
Sela's POV
Lumabas na silang lahat. Si Kuya nalang ang andito.
"I'm sorry Selaaaa." Iyak niya habang hawak hawak ang kamay ko.
"O-okay lang yun Kuya. Tapos na."
"Hindi. Naging masama akong kapatid sayo. Nagawa pa kitang saktan. Nagalit lang kasi ako nang sobra nang malaman kong ikaw yung pinalit ni Abby sakin eh. Nagalit ako dahil niloko nyo ko. Pero di talaga sagot ang pananakit para lang--"
"Kuya, napatawad na kita. Saka kasalanan ko naman. Nahulog ako sa babaeng pinakamamahal mo. Dapat iniwasan ko nalang siya nun bago pa maging komplikado ang lahat. Pero mahal ko talaga Kuya eh. If only I knew how to stop loving Abby, trust me yun yung pinakauna kong gagawin."
"You don't have to."
"What do you mean?."
"I'm setting her free. Kung ikaw talaga yung mahal niya then sige, magpaparaya ako. Gusto ko masaya ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko." Niyakap ko si Kuya. Hindi masyadong mahigpit since masakit pa ang mga sugat ko. Ito lang naman ang hinihintay namin ni Abby eh. Sa wakas makakasama ko narin siya.
..
Abby's POV
Pauwi na kami, nakisakay narin ako kay Belle since magkapit bahay rin pala kami. Hinatid na namin si Rile sa bahay nina Reeve.
"I just want to know lang kung bakit madalas kayong magkasama ni Sela. You must be really close." Sabi ni Belle.
"Yup. We can say that. We're more than friends alright."
"That's cute. Ako rin, gusto ko ng ganung best friend."
"Uhm not like that. I mean more than best friends."
"Super best friends?."
"More."
"Super-duper best friends."
"More."
"Ah. You're like sisters!."
"She's my girlfriend."
SILENCE.
"Uhm what type of--"
"We kiss, we make love. We're lovers. Is that clear enough?."
"But you have a child so you're not a lesbian, I'm still confused."
"So am I."
..
Aya's POV
Kumain muna kami ni Ate Iya dito sa hospital.
"Something's quite not right eh. Alam kong may tinatago si Sela. Kitang kita sa mukha niya kanina na may alam siya. Na alam niya kung sino ang may gawa sa kanya nito kaya di ko maintindihan kung bakit niya pinagtatakpan ang taong yun." Sabi ko.
"Well that makes sense kasi diba, madalas siyang umaalis ng hindi related sa business." Agree ni Ate Iya.
"Could it be na meron siyang secret lover? Possible kayang yun ang may gawa sa kanya nito?."
"Well it could be a person close to her like a friend. Pwede ring tama tayo sa hinala natin na yung ibang companies na inggit satin ang salarin."
"Ayaw ni Sela na mainvolve ang mga police about this case, baka it's time narin para makialam na tayo."
"Aya, parang sobra naman ata yun."
"But she's our sister Ate. Nararapat lang na gumawa Tayo ng paraan para protektahan siya mula sa masasamang loob."
Umuwi kami sa bahay to search for some clues sa kwarto ni Sela.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
Fiksi PenggemarWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?