Chapter 10

681 32 10
                                    

Allan's Feelings

"It's okay, I think you forgot that I got used to it." I assured him after saying how sorry he is for that call

Tumango siya at tinago na ang phone.

"What are doing?" pinanuod niya akong naghahalungkat. Medyo na hassle ako sa pagdala ng groceries kaya binuksan ko ang dashboard ng kanyang sasakyan para sana maghanap ng face powder or something.

There's a tiny comb, perfume, hair wax, mouth wash and sanitizer.

"Para saan ang mouthwash? Pag nakakalimutan mong mag toothbrush?" tumawa ako at pinakita sakanya ang nakalahating mouthwash

"Para mabango hininga ko kapag alam mo na." ngumuso pa siya sa ere kaya hinampas ko siya ng mouthwash

"Ang baboy mo naman! Sabihin mo lang mabaho hininga mo kaya may paganito ka." Tumawa ako at padabog na pinasok ulit iyong mga gamit niya, wala talagang face powder doon.

"I think girls like my breathe, ikaw lang nagsasabing mabaho hininga ko-" mukhang may idudugtong pa siya pero ngumisi lang siya at umiling.

Ngumiwi ako at naghanap na lang ng powder sa bag ko, baka nadala ko.

"Ilalagay ko 'to dito ah." Sabi ko nang may nakitang baby powder at liptint sa bag. Hindi naman siya nagsalita kaya nilagay ko na

Manu stayed to eat merienda, hindi kasi siya papaalisin ni Mama hangga't hindi kumakain. We are at the garden with Mama and Tito Lester, nag-uusap tungkol sa due date ng kambal at sa family business nina Tita Leah na supermarket at sa father side niyang brewery na located sa Spain.

Nagkatinginan kami ni Manu pagkatapos ikwento ang mga naging problema ng brewery company sa father side niya. He's filthy rich, alright. But he was raised by Tita Leah to be humble and always start from a scratch.

Nag-iwas ako ng tingin sakanya, I remember being bullied for being his friend way back in grade school.

"Are you here as Manu's yaya?" nagtanong ang kaklase namin pagkatapos kong itapon ang juice box namin ni Manu.

"Uh no."

"Oh? I heard your Lola was their maid so I thought you're also a maid." she laughed at me, nagtawag pa siya ng kaibigan at pinagkalat iyong sinabi niya

Kinuyom ko ang kamay ko, nagpipigil na huwag gawing big deal. Mama worked hard for me to enter this academy, kahit na nahihirapan sa trabaho ay nagsisikap pa rin siyang pag-aralin ako sa magandang private school.

Gusto ko sanang sagutin siya na mayordoma si Lola sa mga Rivero kaso pinigilan ko na lang ulit ang sarili ko, it's still a maid with higher position and there's nothing wrong with being a maid.

Tahimik lang ako pagkabalik sa tabi ni Manu, napansin niya iyon at nagawa pang tumigil sa ginagawa kasama ang iilang kaibigan para harapin ako. Majority of the girls in this room have a huge crush on him, maybe the reason why they're picking on me when Manu was not around.

Tinignan ko sina Madelein na agad nag-iwas ng tingin. Bumugtong hininga ako at nginitian siya.

"Galit ka kasi hindi kita sinamahan magtapon ng trash?" napangiti ako sa tagalog accent niya. Lumaki siya sa Spain at alam niya lang ay espanyol at english pero noong umuwi siya dito three years ago ay nagsikap siyang matuto ng tagalog dahil minsan ay hindi kami nagkakaintindihan.

Umiling ako at nginitian siya. Inabot ko ang coloring book at nakisali na sa activity.

"I think you should go to Allura's house para matanggal tampo nun sayo." sabi ko habang pinapanood siyang tinitignan ang laman ng bookshelf ko

SCSU: Cleo - Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon