𝐏𝐫𝐨𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞

726 20 3
                                    

Nagising ako dahil sa sigawan sa baba. May mga nababasag at nasisirang mga gamit, kaya naman napagpasyahan kong bumaba para silipin kung anong nangyayari. Kinabahan ako nang muling may nabasag na vase.

"M-Mama?... Papa?" tinatawag ko sila habang bumababa ako sa hagdan. Sumilip ako at nakita kong medyo madilim ang paligid. Tanging ang ilaw lang na nanggagaling sa kusina ang nagsisilbing liwanag. Nakakatakot. Sumasabay pa ang malakas na kulog at kidlat na kasabay ng malakas na ulan.

Nang makababa ako ng hagdan ay may nakita akong mga patay na nakabulagta sa sahig. Nakita ko rin ang lalaking.. may pangil at may pulang mga mata.

"Ibigay mo na ang anak mo." sabi ng lalaki sa malalim na boses.

"Hindi ko ibibigay ang anak ko! Hindi mo siya makukuha!" napatingin ako kay mama at hawak niya si papa na.. wala nang buhay. Habang si mama, maraming sugat sa katawan. Napaiyak na ko dahil hindi ko alam ang nangyayari. Ano ba 'to? Bakit ang daming patay? Bakit pati si papa? Sana.. sana hindi 'to totoo.

"Kailangan kitang patayin, kung ayaw mo siyang ibigay sa'kin." akma nang susugurin ng lalaki si mama, pero sumigaw ako para mapigilan ang lalaki. Kailangan kong iligtas si mama.

"Mama!" napalingon siya sa'kin na nanlalaki ang mata.

"Anak. Anak! Bumalik ka sa kuwarto mo! Kukuhanin ka niya!"

"Ayoko.. papatayin ka niya, Mama" humihikbing sabi ko.

"Anak.. lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng Papa mo, ha?" tumango ako at mas humikbi pa.

"Mahal na mahal ko rin po kayong dalawa."

"Aww.. nakaka-touch namang panoorin ang dalawang mag-ina, habang nasa bingit na ng kamatayan ang kaniyang ina" pagsingit no'ng lalaki. Masamang tumingin si mama sa lalaki.

"Tumigil ka!" humikbi si mama at muling tumingin sa'kin.

"Anak.. anak! Makinig ka sa'kin. Kahit na anong mangyari, wag kang magpapahuli sa kaniya ha?" tumango ako.

"Kaya anak.. n-nakikiusap ako, bumalik ka na sa kuwarto mo at magtago ka! Bilisan mo na!"

"Tama na ang satsat!"

"Anak takbo!- ackk!" biglang sinaksak ng lalaki si Mama ng bakal sa tiyan.

"Mama!!!" bumugso ang luha ko nang biglang nawala si mama at naging abo. Hindi ko maintindihan kung bakit.. at pa'no siya naging abo. Pero si papa, hindi. Naglakad palapit sa'kin yung lalaki, at dahil sa takot ay tumakbo ako pabalik sa kuwarto ko. Nagtago ako sa ilalim ng kama habang umiiyak, napatakip ako sa bibig ko nang bumukas ang pintuan. Napapikit ako nang mariin nang makarinig ako ng yabag.

"Little girl.. come out~ come out~ wag ka na magtago" nanginginig na ko sa takot, at mas lumala pa nang marinig kong huminto siya sa tapat ng pinagtataguan ko. At sumilip sa ilalim ng kama.

"Gotcha!"

"Aaaaahhhhhh!!!~"

CHARACTERS

Byun Baekhyun
as
Vampse Zachreine

***

Lee Ji Eun/IU
as
Jenny Dankworth

***

Taehyung Kim/V
as
Thrist Hendrix

***

Im Nayeon/Nayeon
as
Nathalie Park

***

Jennie Kim
as
Mich Villan

***

Park Chanyeol
as
Zaffry Villan

***

Kim Minseok
as
Xaiver Adams

(A/N; Hi guys! This is my first time writing this kind of genre, so please bear with me. I want to try new genres para hindi paulit-ulit yung mga naisusulat ko. Hope you can support it and thanks a lot in advance! Lovelots!❣️)

⚠️This is a work of fiction. The names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.⚠️

*ALL RIGHTS RESERVED*
No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the author.

PLAGIARISM IS A CRIME!

-pennidhenny

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon