𝚇𝚅𝙸𝙸𝙸

78 6 0
                                    

Jenny's POV.

Nagising ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Narinig ko rin ang mga huni ng ibon sa paligid.

Nag-inat muna ko bago tuluyang idilat ang mga mata ko. At nagulat ako nang makita ko si Vampse sa tabi ko na nakatitig sakin habang nakangiti.

"B-bakit?" mas lumawak lang ang ngiti niya at hindi sumagot sa'kin. Napaiwas ako at napatingin sa orasan.

"9 am na?!?!" bahagyang natawa ang katabi ko kaya naman nilingon ko siya.

"Ayos ka na ba?" tanong niya. Saglit akong napaisip para i-recall ang mga nangyari.

Napatingin ako sa damit ko kung ayos na ba at laking pasasalamat ko nang walang nangyaring iba maliban doon.

"Nakahanda na yung almusal mo sa labas" sabi niya at tumayo.

"Mauna na kong lumabas para makapag-ayos ka bago mag-almusal" dagdag niya at tinanguan ko nalang siya bilang sagot.

Pagkalabas niya ay dumiretso ako sa bathroom para maghilamos.

Inaayos ko na ang sarili ko nang biglang mag-ring ang phone ko.

Nathalie calling...

Agad kong sinagot 'yon para hindi siya mag-alala.

"Yes?"

"Nasaan ka? Gagawa tayo ng project ngayon. Natawagan ko na si Thrist"

"Anong oras kayo pupunta sa bahay?"

"After lunch pa naman para tuloy-tuloy tayo"

"Hmm. Oh sige, hintayin ko nalang kayo. Sasabihin ko na rin kay Vampse"

"Okay. Sige sige. Kumain ka riyan ah!"

"Opo. Opo. Sige na, see you later! Mwa!" pinatay ko na ang tawag saka ako lumabas para sumunod kay Vampse sa dining area.

Ngiti ang ibinungad sa'kin ni Vampse kaya naman nginitian ko rin siya.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya.

"Ayos pa naman, wala pa kong nararamdaman na kakaiba"

"Hmm. Makakaramdam ka lang ng kakaiba kapag nakakita o nakatikim ka ng dugo"

"Kahit maliit lang na sugat?" tumango siya.

"Pero hindi mo malalaman kung kaya mong makontrol kung hindi mo sisimulan ngayon" may inabot siya sa'king glass wine na may lamang kulay pulang likido.

"Ano 'to?" takang tanong ko.

"Fresh blood for morning" biglang nanginig ang mga kamay ko nang malaman kung ano 'yon. Nagdadalawang isip ako kung iinumin ko ba o tatanggi na muna ako.

Pero hindi ko masusubukan ang sarili ko kung hindi ko 'to iinumin.

"Wag kang matakot. Give it a try" nakangiti niyang sabi. Napalunok ako at muling napatitig sa laman ng glass wine.

Unti-unti ko 'tong itinaas habang nanginginig pa rin ang kamay ko.

Malapit na 'to sa bibig ko nang muli kong ilapag sa lamesa ang glass wine.

"I.. I-I can't" napabuntong hininga siya at umupo sa tabi ko.

"I'll help you then" sabi niya at kinuha ang glass wine sa'kin. Ininom niya at saka inilapit ang mukha sa'kin; hinawakan ang baba ko at saka ako hinalikan.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang ipasa niya sa'kin ang ininom niyang dugo mula sa glass wine. Nalunok ko 'yon agad dahil hindi ako makakahinga kapag hindi ko yun nilunok agad.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon