Jenny's POV.
Napabalikwas ako ng bangon, pawis at hingal na hingal. Hinawakan ko ang pisngi ko at basang-basa iyon sa luha. Napanaginipan ko nanaman yun.
*tok* *tok* *tok*
"Ma'am Jen?"
"Y-yes?"
"Nakahanda na po ang almusal"
"Sige, susunod nalang ako"
"Sige po" pagkatapos no'n ay narinig ko na ang mga yabag niya paalis. Hindi ko alam kung bakit naging abo si Mama noong namatay siya, samantalang si Papa ay nanatiling buo. E hindi naman sinunog si Mama para maging abo. At dahil bata pa ko no'n, ay hindi ko na inusisa pa iyon. Pero hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa'kin ang pangyayari na iyon. Napagpasyahan ko rin na mag-aral ng martial arts para sa self-defence. I am Jenny Dankworth, 25 years old.
Si Uncle Loise ang nagkupkop sa'kin noong namatay ang mga magulang ko. Kapatid siya ni papa at may company din siya. Meron naman siyang isang anak na tagapag-mana, si Nathalie na bestfriend at pinsan ko na tinuturing ko na ring kapatid. Bumibisita naman ako ro'n kaya kilala nila ko kahit papa'no.
Pagkatapos kong mag-almusal ay naghanda na agad ako para sa gaganapin na book signing event for my newly published book.
"Hello? Author BloodySky?"
"Ah yes? Naayos naba yung venue for my book signing event?"
"Yes ma'am. And it about to start any minute from now"
"Okay, I'm on my way. Wag niyo muna silang papapasukin"
"Yes Ms. Author"
"Thank you. Bye" ibinaba ko na ang linya at nagpatuloy sa pag-drive papunta sa venue ng book signing event.
Pagpasok ko palang ng venue ay marami na agad akong nakitang mga nakapila. By the way I'm an author, at ang mga hilig kong isulat ay action-thriller, horror, or anything na mga 'bloody'.
Naupo na ko sa puwesto ko at sinimulan na nila ang event. Lagi kong napapansin, noon pa na parang laging may nakamasid sa'kin. Pero wala akong panahon para pansinin yun, dahil kapag hinahanap ko kung saan, ay wala naman akong nakikita kahit na anino.
"Hi po ate BloodySky! I'm a big fan po, simula po noong nagsisimula palang kayo sa larangan ng pagsusulat." nginitian ko siya at kinuha ang librong hawak niya.
"Talaga? Thanks for your support! You should try on writing too, it's fun though" sinimulan ko nang pirmahan ang libro at naglagay ng short message for her.
"Napag-isipan ko na rin po yan ate, kaso ang ending tinatamad na ko magtuloy kasi po halo-halong story na yung naiisip ko" natawa ako sa sinabi niya, dahil ganoon din naman ako dati.
"Well, try and try lang. Kaya mo yan" ngumiti siya nang malawak at kinuha na niya ang libro.
"Thank you po, ate. Ang bait niyo po" I chuckled.
"Thanks for the compliment" nakangiting tugon ko, ngumiti lang din siya at nag-bow na. Sunod ko namang pinirmahan ang libro ng kasunod niya sa pila. Pagkakuha ko ng libro, ay may naramdaman nanaman akong mga matang nakamasid sa'kin. Nilingon ko kung saang banda ko iyon naramdaman, at sa wakas ay may nakita rin ako. Isang lalaking nakaitim na hoodies at black pants. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil masyadong madilim sa kinatatayuan niya. Nalaman ko na lalaki siya dahil sa tindig at hubog ng katawan niya. Saglit ko lang siyang natitigan dahil umalis na siya agad. Napailing ako at nag-focus nalang sa event.
After ng event ay tinawagan ko sila Nathalie at Thrist, naipakilala ko na si Nathalie. Si Thrist ay kaibigan din namin simula noong college hanggang ngayon. Inaya ko sila na magkape kaya naman hinintay ko sila sa shop na sinabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Vampire's Blood
VampirJenny Dankworth is a famous writer and an immortal. They put a spell on her to forget her true identity. Her mother's brother wants to catch her because her blood is something different and special. Maximo wants her blood to complete the potion. Wi...