𝙸𝚇

99 10 0
                                    

Jenny's POV.

Kinabukasan ay maagang umalis si Vampse para magpunta sa palasyo. Nagpaalam kami sa kaniya dahil balak namin lumabas ng bahay niya. Pero paalala niya na hindi kami pwedeng lumagpas sa labas ng kagubatan.

Naintindihan naman namin yun kaya ngayon, naisipan naming mag-picnic nalang sa tabing ilog. Mas nakaka-relax kasi may dala kaming pagkain this time.

Nagsimula na kaming maglakad papunta ro'n, may kani-kaniya kaming mga dala dahil hindi naman 'yon kaya ni Thrist lahat.

"Dito tayo pumuwesto!" sigaw ni Thrist na hindi kalayuan sa'min. Sumunod kaming tatlo sa kaniya at saka nagsimulang ayusin ang mga dala namin.

"Ahh. Ano na kayang araw ngayon?" wika ni Thrist matapos mahiga sa mat.

"Hindi ko alam. Wala naman tayong gamit na gadgets" sagot ni Nathalie.

"Oo nga. Ni hindi nga natin alam kung ilang araw na tayo rito" sabi ko naman.

"Nako ang mahalaga, buhay pa tayo. Kailangan na nating makahanap ng tiyempo para makaalis na tayo rito" pagsingit naman ni Mama. Sumang-ayon naman kaming tatlo sa kaniya at saka napatitig sa umaagos na tubig sa ilog.

"Sana ganiyan tayo kalaya katulad sa mga tubig na umaagos" sabi ko.

"Pero bihira nalang tayong makakita ng ilog ngayon. Ang ibang ilog kasi natutuyo dahil nagbabago na ang mundo" sagot ni Mama. Napatawa ako nang bahagya at saka napangiti nang mapait.

"Minsan talaga nakakasira ang pagbabago" saad ko.

"Psst! Ano yan? Ano 'yang hugot hugot na yan ha. Nako, Jen dahil pa rin ba kay Ryle?" komento ni Nathalie.

"Ryle? Sinong Ryle?" takang tanong ni Mama.

"Yung ex niya po tita. Bago po kami ma-kidnap dito, heartbroken po muna yan" natatawang sabi ni Thrist.

"Tigilan niyo nga kong dalawa. Pag-uuntugin ko kayo e" umamba ako na babatuhin sila ng panyo pero agad ko rin itong binawi nang matawa sila.

"Ayy nako. Ano bang nangyari, nak?" napalingon ako kay Mama at napanguso.

"Nakaraan ko na yun, Ma."

"Hindi mo ba balak i-share sa'kin?" mas napanguso ako at napabuntong-hininga.

"Nahuli ko kasi siya na may kalampungan na iba sa loob ng office niya. Bigla nalang siyang nagbago at yun pala ang dahilan" paliwanag ko.

"Ahh. Kaya pala may hugot" komento ni Mama.

"Uhm, tita. Mauuna na po kaming maligo ni Thrist" paalam ni Nathalie at tumango naman si Mama.

"Oh sige sige. Dito lang naman ako, magbabantay"

"Sus! Wag nga ko. Kayong dalawa ah, umamin nga kayo sa'kin" napangisi si Thrist pero agad niya rin itong itinago.

"Ano namang aaminin namin?" maang-maangan niya.

"Hmmp! Maang-maangan pa. Sige na! Maligo na kayo" natawa nalang silang dalawa at saka tumakbo papunta sa tubig.

"Hindi ka sasama sa kanila anak?" umiling ako.

"Ayokong maging third wheel, Ma" natatawang sagot ko.

"Tawagin ko ba si Vampse?" mapang-asar niyang sabi na agad namang ikinalaki ng mga mata ko.

"Ma! Ano namang kinalaman ni Vampse dito?" bahagya siyang natawa sa reaksyon ko.

"Kumalma ka, nak. Binanggit ko lang si Vampse ganiyan na reaction mo. Ano bang meron?" balik niyang tanong.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon