𝚇𝚇𝙸𝚅

86 6 0
                                    

Jenny's POV.

Nang mahanap namin si Vampse ay agad kaming nagtungo sa field at naupo sa bleacher.

"Anong pag-uusapan?" takang tanong ni Vampse.

"Kanina kasi.. pinuntahan ako ni Zaffry at nakipag-usap. Hinawakan niya ko sa kamay tapos hahatakin na kung saan pero biglang dumating si Xaiver. At sa tingin ko alam niya ang tungkol sa mga bampira" sabi ko. Bahagyang tumawa si Xaiver bago nagsalita.

"E kasi isa akong guwardiya sa palasyo" nagkatinginan kami ni Vampse at gulat na napatingin sa kaniya.

"A-ano?" pinitik niya ang mga daliri niya at sandaling segundo lang ay huminto ang nasa paligid namin.

Wow. May gano'n pala siyang ability?

"Ako ang pinakamataas sa lahat ng guwardiya ni Master Loise. Pinauna niya kong sumunod sa inyo rito para magbantay. Nang iwan ko siya sa mundo na 'yon ay kinakalaban niya pa rin si Maximo. May dugong bampira rin ako pero hindi ko gusto ang pamumuno ni Maximo kaya sumama ako kay Master Loise. Naniniwala ako sa sinabi niya na ikaw, Jen, ang makapagpapabago sa palasyo. Hindi niyo napapansin pero lagi akong nakasunod sa inyo. At ngayong nandito na rin sila Maximo, kailangang doble na ang pagbabantay ko sa inyo."

"Mabuti nalang at napigilan ko kaagad ang balak ni Zaffry kanina. Kung hindi, malamang ay nasa kanila ka na ngayon" dagdag niya.

Ngayon ay naiintindihan ko na. Marami talagang sikreto ang nabuo sa palasyo. At ngayon ko lang nalalaman lahat ng 'yon.

"Pwede ba kong magtanong?" sabi ni Vampse.

"Of course. Basta kaya kong sagutin ang tanong mo, sasagutin ko" sagot ni Xaiver.

"Bakit ka may sugat noon? Saan mo 'yon nakuha? Imposible namang nasugatan ka lang no'n" tanong ni Vampse.

"Ah. That day. Nakita ko kasi na may nakamasid sa inyong isang guwardiya. Hindi ko siya kilala kaya nalaman kong guwardiya siya ni Maximo, dahil kilala ko lahat ang mukha ng mga kasamahan ko. Naglaban kami at nasugatan niya ko sa braso. Pero napatay ko siya"

Oh. Ngayon alam ko na.

Muli niyang pinitik ang mga daliri niya at gumalaw na ulit ang nasa paligid namin.

"Tara na. May klase pa" sabi niya at tinanguan nalang namin siya ni Vampse.

Uwian ay nauna nang umuwi sa'min sila Thrist at Nathalie. Sabay-sabay naman kaming tatlo nila Vampse at Xaiver. Hindi na niya kailangan magmasid, pwede na siyang sumama sa'min dahil alam na namin ang posisyon niya.

Tahimik lang kaming naglalakad nang may isang grupo ang humarang sa'min. Napakunot ang noo ko nang humarang sila Vampse at Xaiver sa harap ko.

"H-hoy. Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila.

"Diyan ka lang sa likod" seryosong sabi ni Vampse.

Nang magsimulang sumugod ang mga grupo na 'yon ay sumugod na rin sila Vampse at Xaiver.

Pakiramdam ko kailangan ko ring lumaban pero kailangan ko rin pigilan ang sarili ko.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil ayokong makita at manood na may mamamatay nanaman dahil sa'kin.

"Jen" napadilat ako nang tawagin ni Vampse ang pangalan ko.

"Okay na, tapos na" sabi ni Xaiver. Napatingin ako sa mga nakabulagtang katawan. Chineck ko rin kung may sugat sila Vampse sa katawan at laking pasasalamat ko nang wala akong makita.

"Halika na" kinuha ni Vampse ang kamay ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Mas mabuti siguro kung dumiretso tayo sa tinutuluyan ni Master Loise" sumang-ayon kami ni Vampse sa sinabi ni Xaiver kaya naman doon kami agad nagtungo at sinabi ang mga nangyari kanina.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon