𝚅𝙸𝙸

99 10 0
                                    

Jenny's POV.

Lahat kami ay pumunta sa sala at naupo sa couch, dalawa naman ang couch kaya hindi kami siksikan. Katabi ko si Vampse at si Mama.

"Alam kong marami kang katanungan sa isip mo, anak. Hayaan mong isa-isa ko itong ipaliwanag" panimula ni mama. Sila Nathalie at Thrist ay nananatiling tahimik; nakikinig lang sa usapan at hindi sinusubukang mangialam.

"Paano po kayo nakulong doon, Ma? E.. kitang-kita ko kung paano ka naging abo no'n" ngumiti sa'kin si mama.

"Anak.. hindi ako 'yon." mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Mayroon akong kakambal, si Gina. Alam 'yon ng tatay mo at hindi namin sinabi yun sa'yo"

"Pero bakit.. b-bakit— paano.. paanong nangyari 'yon? Naguguluhan ako"

"Si Maximo. Isa rin siya sa kapatid ko. Tatlo kami."

"Maximo? Yung may balak na pumatay sa'kin at kuhanin ang dugo ko?" tumango siya at bumuntong hininga.

"Simula nang ipanganak kita, nag-iba na ang kilos niya. Gusto niya lagi ka niyang nakikita at nahahawakan. Samantalang noong ipinagbubuntis kita ay ayaw niya ng amoy ng dugo mo dahil masiyado raw itong malakas. At gano'n nalang ang pagtataka ko sa pagbabago niya. Hanggang isang araw may nalaman ang papa mo na pinaplano niya." huminto siya saglit at tumitig sa mga mata ko na punong-puno ng katanungan.

"Balak niyang gamitin ang dugo mo para sa naiisip niyang potion. Uubusin niya ang dugo mo para lang makumpleto ang sangkap. Naisipan naming tumakas ng tatay mo pero nahuli ako. Siya ang may karga sa'yo kaya naman naitakas ka niya. Kinausap ko si Gina para sundan siya at tumayo na maging ina mo" all this time hindi ko alam na ang minahal at nakasama kong ina ay hindi pala siya ang tunay.

"Ilang taon nila akong ibinilanggo. Hanggang sa isang araw nabalitaan ko nalang na wala na ang tatay mo at si Gina."

"Pero.. bakit hindi naging abo si papa?" saglit akong natigilan sa tanong ko at may na-realize na isang bagay.

"I-ibig sabihin.. normal na tao si papa?" tumango si mama.

"Bampira.. may dugo akong bampira, anak" parang akong nabingi sa narinig ko. Hindi.. hindi maaaring isa rin akong..

"S-so isa rin akong b-bampira?" dahan-dahang tumango si mama.

"Pero mas nangingibabaw ang dugong tao sa'yo" sabi niya.

"Kaya ba.. k-kaya ba gustong makuha ni Maximo ang dugo ko? Yun ba ang special doon?" muli siyang tumango. Napatingin naman ako kay Vampse na nakatitig na sa'kin.

"E.. s-si Vampse, bakit.. tita ang tawag niya sa'yo?"

"Kaibigan namin ng tatay mo ang magulang niya." bigla nalang kumirot ang ulo ko na parang may gustong maalala. Ininda ko ito at hindi pinahalata.

"Alam kong naguguluhan ka pa dahil wala ka pang maalala" napatitig ako kay mama dahil sa sinabi niya.

"Anong.. ibig niyong sabihin?" hinawakan niya ang kamay ko.

"Nasaan ang punyal mo?"

"Huh? Punyal?" tumango siya.

"Ibinigay ko 'yon sa papa mo at laging inilalagay sa tabi mo"

"Para saan po ang punyal?"

"Matapos kang dalhin sa mundo ng mga tao, may nilagay silang spell sa'yo para makalimutan mo ang pagkatao mo. Para na rin 'yon sa kaligtasan mo. Ang punyal na 'yon ang silbing gabay mo at iyon ang makapagpapaalis ng spell" teka.. yung punyal? Yun ba yung pamilyar na nakita ko sa isang silid noon sa palasyo?

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon