𝚇𝚅

87 8 0
                                    

Jenny's POV.

Napapikit ako nang mariin nang maramdamang parang may humahatak sa'min papunta sa kung saan.

Nang wala na kong naramdaman ay unti-unti na kong dumilat. Nilingon ko ang salamin at unti-unti nang nawawala ang portal.

Nagkatinginan kami ni Vampse at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kuwarto.

Parang itong kuwarto ng isang babae. Kanino 'to?

Napalingon kami sa pintuan nang bigla itong bumukas.

"Hoy! Kayong—" napatitig ako sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali, si Nathalie 'to.

"N-Nathalie?"

"Bakit ang tagal niyo diyan? Kumuha lang kayo ng gamit dito ah" hindi ko siya sinagot at lumapit lang sa kaniya. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at tinitigan siya nang mas maigi.

"Ikaw nga.." nagsimula nang gumilid ang luha ko.

"Buhay ka.." dagdag ko. Tinignan niya ko nang nagtataka at saka hinawi ang kamay ko.

"Ano ka ba? Magkasama lang tayo kanina. Nasaan na yung gamit? Naghihintay si Thrist sa baba"

"Si Thrist?" takang tanong ko.

"Oo, si Thrist! Ano ka ba? May lagnat ka ba? Umakyat lang kayo rito, ang weird mo na" kinapa-kapa pa niya ang leeg at noo ko para i-check ang temperature ko.

"Wala ka namang lagnat." napabuntong hininga siya dahil nakatitig lang ako sa kaniya.

"Ako na kukuha ng gamit. Sumunod na kayo" pumasok siya sa loob ng kuwarto at kinuha ang ibang materials na nasa ibabaw ng study table.

Nakatitig lang ako sa bawat kilos niya. Siya ba talaga 'to? Paano nangyari 'yon?

"Sumunod na kayo ah" tumango nalang ako at lumabas na siya nang tuluyan habang bitbit ang materials.

Napatingin ako kay Vampse at nagtatanong ang mga tingin.

"Nasa ibang dimensyon tayo ng mundo. At sa mundo na 'to, buhay silang dalawa" bigla akong nabuhayan ng pag-asa sa sinabi niya.

"S-so maaaring buhay din sila Mama at Papa?" napabuntong hininga siya bago sumagot.

"Hindi ako sigurado. Dahil pili lamang ang nanditong kakilala at minamahal mo" bigla akong nalungkot at ipinapanalangin na sana.. buhay si Mama at Papa rito. O kahit isa man sa kanila.

"Halika na" nakangiti niyang inilahad ang kamay niya. Ngumiti rin ako sa kaniya at agad na kinuha 'yon.

Sabay kaming naglakad palabas ng kuwarto na 'yon at bumaba na rin sa sala kung nasaan sila Nathalie at Thrist.

Sa palagay ko ay group project ang ginagawa namin. At sa tingin ko rin, bumalik kami sa high school base sa uniform na suot namin.

Umupo kami sa tapat nila at tumulong na rin sa pag-gagawa. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay. Maganda, maayos at malawak.

"Kaninong bahay 'to?" tanong ko sa kanila. Agad silang nagtaka kaya't nagkatinginan sila.

"Girl, nasaan ka ba? Bahay niyo 'to. Ano ka ba? Saan ka ba galing? Pumunta lang naman kayo ng kuwarto mo" tinitigan niya ko at maya-maya ay napasinghap.

"Hindi ikaw si Jenny 'no?! Sino ka?! Clone ka ba niya?!" agad akong umiling nang sunod-sunod.

"H-hindi.. hindi. Ako talaga 'to, si Jen. Uhm.. nagbibiro lang ako" alanganin akong tumawa at medyo nakumbinsi naman siya. Nagpatuloy na kami sa pag-gagawa hanggang sa hindi ko nanaman maiwasan ang magtanong.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon