𝚇𝙸𝙸

85 6 0
                                        

Jenny's POV.

Hindi ko kayang i-sink in lahat sa utak ko yung mga sinabi niya sa'kin. May part pa rin sa'kin na naguguluhan ako dahil hindi naman gano'n kabuo ang sinabi niya.

Isa rin pala siyang bampira.

Pero.. dapat na nga ba kaming magtiwala sa kaniya?

"Sino bang.. ama ang sinasabi mo?"

"Si Maximo" nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napaatras nang sabihin niya 'yon.

Sa pagkakataong 'to ay naisipan ko nang tumakbo para tumakas.

Pero nakalimutan ko ang kakayahan nila na mag-teleport kaya't nahabol niya rin ako at niyakap mula sa likod.

"Jen, I'm sorry" kinilabutan ako at mas kinabahan nang ingudngod niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Jen" napalingon ako sa tumawag sa'kin. At nakita ko si Vampse na nakatayo malapit sa'min.

Lumapit siya sa'min at hindi pa rin humihiwalay si Ryle— Zaffry sa'kin.

"Vampse" pabulong na sabi ko. Agad siyang tumingin sa'kin at hinawakan ako sa braso.

"Let her go" agad na bumitaw si Zaffry sa'kin at saka bahagyang natawa.

"Bakit ang aga mo?" tanong nito.

"Gusto ko lang silang i-check kung ginagawa mo nga yung part mo." seryosong sabi ni Vampse. Agad niya kong hinatak palapit sa kaniya at saka itinago sa likuran niya.

"Makakaalis ka na" dagdag niya. Napasinghal si Zaffry at saka pumameywang. Dinilaan niya ang ibabang labi at saka tumitig nang seryoso kay Vampse.

"What am I to you? Alalay mo na pwedeng utusan? I'll do whatever I want."

"Pero sa tatay mo sunod-sunuran ka, diba?" Zaffry chuckled.

"Vampse, napag-usapan na natin 'to kagabi diba?"

"Yeah. I know. My point is, pwede ka nang umalis dahil ako na ang magbabantay sa kanila." hinatak na ko ni Vampse at saka tuloy-tuloy na naglakad papunta sa bahay.

"Vampse" tawag ko sa kaniya. Nag-hum lang siya pero di ako nililingon.

"Can you help me now?" napalingon siya sa'kin habang nakakunot ang noo.

"Saan?"

"Kuhanin na natin ang punyal" napahinto siya kaya napahinto na rin ako.

"Seryoso ka?" tumango ako.

"Mababaliw na ko kakaisip sa mga bagay kahit na wala akong matandaan. Kailangan ko nang malaman— kailangan ko nang makaalala bago pa mahuli ang lahat" bumuntong-hininga siya at saka tumango. Luminga-linga siya bago humarap sa'kin.

"Oh sige. Magplano na tayo" bulong niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Pag-uwi ng bahay ay agad na ni-lock ni Vampse ang pinto. Kumuha ng notebook at ballpen at sinimulan nang iguhit ang mga daan sa palasyo.

Nagsimula na kaming magplano at isasagawa namin 'to bukas. Sinabi namin 'to sa mga kasama namin pero hindi sila pwedeng sumama bukas.

Mas madali kaming makakakilos kung kaming dalawa lang ang gagawa.

Nang makumpleto na namin ang plano ay siniguro namin na magagawa namin 'to nang maayos.

Kinabukasan ay maaga kaming naghanda para sa pagsasagawa ng mga plano.

"Sigurado kang natatandaan mo ang lugar ah" paniniguro ni Vampse. Agad naman akong tumango at sinabi ang totoo.

"Pero hindi ko alam ang daan patungo ro'n. Hindi ko kasi nakita dahil pinatulog kami no'n"

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon