𝚇𝙸𝙸𝙸

81 7 0
                                    

Jenny's POV.

Kanina pa ko paikot-ikot dito sa sala. Iniisip kung gagawin ko na ba ngayon habang abala sila sa kusina.

Tinitigan ko ang punyal at tinanggal ang takip nito. Napalunok ako at sinukat ang talim nito.

Huminga muna ako nang malalim at saka ko ito itinapat sa pulso ko.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang lamig ng metal na dumikit sa balat ko. Diniinan ko ang pagpikit at unti-unti kong hiniwa ang pulso ko.

Naramdaman ko ang hapdi at ang pagtulo ng dugo mula sa pulso ko. Unti-unti akong dumilat ngunit agad din akong napapikit at natumba.

Third Person's POV.

*Years ago*

Nakaupo ang isang batang babae sa isang bato habang hawak ang pinitas na bulaklak sa isang tanim na halaman.

Napalingon ito sa likuran nang may biglang kumalabit sa kaniya.

Bumungad sa kaniya ang isang magandang ngiti ng batang lalaki.

"Hello!" masiglang bati nito sa batang babae. Tinitigan lang siya nito kaya't tumabi siya sa inuupuang bato nito.

"Lagi ka bang nagpupunta rito?" tumango ang batang babae.

"Ikaw?" balik na tanong nito.

"Ngayon lang ako nakapunta rito. Mahilig akong maglibot pero ngayon lang ako napunta rito"

"Ahh. Anong pangalan mo?"

"Ako si Vampse. Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Ako naman si Jen *giggle* ngayon lang ako nakakita ng bata rin na katulad ko. Kasi madalas na matatanda ang nakikita ko rito. Pwede ba tayong maging magkaibigan?" agad na tumango ang batang lalaki habang nakangiti nang malawak dito.

"Gusto mo ba yung mga bulaklak?"

"Hmm. Ang ganda kasi nila e, tsaka minsan lang akong makakita ng ganito" nakangusong sagot ni Jen.

"Gusto mong makakita ng maraming bulaklak?" agad na nagliwanag ang mukha ng batang babae sa sinabi ni Vampse sa kaniya, at agad din siyang tumango rito.

"Halika! Ipapakita ko sa'yo" inilahad ng batang lalaki ang kamay niya at agad namang hinawakan 'yon ng batang babae.

Sabay silang naglakad papunta sa isang malawak na hardin ng palasyo habang nakangiti.

Namangha ang batang babae nang makita ang kagandahan ng hardin. Mayroon itong dalawang duyan sa gitna at isang di-kalakihang fountain sa tapat nito.

"Wow~" bulalas ng batang babae.

"Ang ganda rito 'no?" tumango siya at pumitas ng isang bulaklak.

"Ngayon ko lang nakita ang lugar na 'to. Pa'no mo 'to nalaman?"

"Sa paglilibot ko sa buong palasyo, hanggang dito nakakaabot ako."

"Pwede ba tayong maging magkaibigan?" mas lumawak ang ngiti ng batang lalaki nang marinig niya 'yon.

"Oo naman! Pwedeng-pwede" masaya niyang sabi.

"Kung gano'n magiging magkalaro na tayo at magkikita araw-araw!" masayang tumango ang batang lalaki at muling inilahad ang kamay niya. Agad na kinuha 'yon ng batang babae at nagtungo sila sa dalawang duyan.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon