Jenny's POV.
Pagkarating namin sa classroom ay lumapit agad ako sa tabi ni Vampse.
"Vampse!" nakangiting tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ko at saka nginitian din.
"Good morning" I hummed and put my bag under the table.
"Ang aga mo ah" sabi ko.
"Yeah, kasama kong hinanap yung school natin tsaka paghahanap sa apartment ko"
"Ahhh. Nag-almusal ka na ba?" tumango siya.
"Kumpleto naman yung gamit at pagkain sa apartment na 'yon. Gusto mo sumama ka sa'kin mamaya ro'n para makita mo"
"Talaga?"
"Oo naman" nakangiting sagot niya.
"Ehem! Baka naman pwede i-share yung chika niyo sa isa't-isa" pagsingit ni Nathalie at umupo sa harapan namin. Natawa ako at hinarap siya.
"Wala yun! Nagkamustahan lang" sagot ko.
"Aysus! Nagkamustahan daw. Parang hindi naman kayo nagkita kahapon" napailing nalang ako.
"Pumunta ka na nga sa upuan mo! Darating na yung teacher" sininghalan niya nalang ako bago tumayo at bumalik sa upuan niya.
Maya-maya ay dumating na ang teacher at nagsimula nang magklase.
"Ms. Dankworth?" nagtaas ako ng kamay nang tawagin ako ni Mrs. Gabriel.
"Pakiabot mo 'to kay Mrs. Gonzales, nandoon siya sa klase niya ngayon" nag-aalangan akong lumapit dahil hindi ko naman alam ang classroom ng tinutukoy niyang tao.
Pero sa huli ay lumapit din ako; nahihiya man akong magtanong pero ginawa ko pa rin.
"Uhm.. ma'am, saan po ba yung classroom niya?" nagtataka niya kong tinignan.
"Ikaw ang lagi kong inuutusan sa kaniya diba? How come na hindi mo alam" napalunok ako at nilingon si Nathalie para manghingi ng tulong pero nagsusulat siya ng lecture.
"Sorry po ma'am. Pwede po ba ko magsama?"
"No, pagagalitan kami. Paisa-isa lang ang labas" napatango nalang ako at bahagyang yumukod sa kaniya bago lumabas ng classroom.
Kanina pa ko paikot-ikot sa mga building pero diko siya mahanap. Hindi ko naman kasi alam ang itsura niya. Ang hirap ng ganito.
"Hays" nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang hawak ko pa rin ang folder na pinapabigay ni Mrs. Gabriel. Wala man lang ba kong makakasalubong na estudyante rito?
Inilibot ko ang paningin ko at may nakita akong isang estudyanteng lalaki na nasa ilalim ng puno. Nagdesisyon akong lumapit sa kaniya dahil kailangan ko na talaga ng tulong.
Hindi ko masiyadong nakita ang mukha niya dahil medyo malayo ang kinaroroonan niya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya pero nadismaya ako nang makita ko siyang natutulog. Ayokong istorbohin, baka magalit.
Tinitigan ko ang mukha niya. Medyo singkit, matangos ang ilong, maganda ang labi, at maganda ang kulay ng balat.
Tumalikod na ko at maglalakad na sana paalis nang bigla siyang magsalita.
"Bakit?" napahinto ako at unti-unti siyang nilingon. Nakapikit pa rin siya ngunit sa palagay ko ay gising na.
"Uhm.. hehe. Sorry kung nakaistorbo ako, ahh.. gusto ko lang kasing magtanong."
"About saan?"
"Kung.. nasaan ngayon si Mrs. Gomez? Uhm.. hindi ko kasi alam mukha niya" napadilat siya at tinitigan ako. Napaiwas ako ng tingin at tinignan nalang ang folder.
BINABASA MO ANG
Vampire's Blood
VampireJenny Dankworth is a famous writer and an immortal. They put a spell on her to forget her true identity. Her mother's brother wants to catch her because her blood is something different and special. Maximo wants her blood to complete the potion. Wi...