Jenny's POV.
Habol-hiningang napaupo ako sa sahig nang masaksak ko sa puso si Maximo.
Agad akong inalalayan ni Vampse dahil bahagya akong nahilo.
"P-patawad.. sa lahat.." 'yon ang huling sinabi ni Maximo bago siya naging abo. Napatulala nalang si Zaffry sa abo ng ama niya at agad naman siyang nilapitan ni Xaiver.
"Jen.." napalingon ako kay Vampse at halata sa mukha niya ang pag-aalala. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.
"Vampse.." saad ako. Narinig ko ang tinig ni Uncle na tumawag sa'kin kaya naman nilingon ko rin siya at niyakap nang mahigpit.
Ang laki ng pasasalamat ko dahil this time, ay walang nawala sa'kin.
"Magpasalamat ka rin kay Zaffry, dahil tumulong siya sa pagliligtas sa'yo" sabi ni Uncle.
Napatingin ako kay Zaffry na pilit kinakausap ni Xaiver.
"Sandali lang" sabi ko kila Vampse at saka tumayo. Nilapitan ko si Zaffry at hinawakan siya sa balikat.
Napatingin naman siya sa'kin at malungkot na ngumiti. Napabuntong-hininga ako bago siya niyakap.
Niyakap niya rin ako pabalik at saka niya roon nilabas ang lahat ng luha niya.
Sa tagal ng pinagsamahan namin, ngayon ko lang siya nakitang umiyak.
"Thank you.. and I'm sorry.." sabi ko. Agad siyang bumitaw sa'kin at pinunasan ang luha niya.
"No need to say sorry.. I'm the one who needs to say that. Jen, I'm sorry for the things that I've done to you. Ako na rin ang nanghihingi ng sorry para kay dad.. I'm sorry sa mga taong nawala sa'yo dahil sa kasakiman niya. I've decided to help you to pay all of my mistakes. I'm sorry, Jen, I'm sorry.. Vampse, I'm sorry" napalingon ako kay Vampse nang mapansing nasa tabi ko na siya.
"It's okay. What's done is done. We can't change it but we learned from it, and that's the best thing that we could accept from now on. Nakapagpatawad na ko. Napatawad na kita.. at patatawarin ko na rin ang dad mo" nakangiting sabi ko.
"Yeah. Lahat ng nangyari ay may dahilan. Kaya hindi ko ipagkakait ang kapatawaran" sabi ni Vampse at tinapik siya sa balikat.
"We can be friends from now on" ngumiti si Zaffry at tumango.
"Salamat.." ang nasabi niya nalang.
Sa pagkamatay ng dating pinuno ay ako ang pumalit sa kaniya. Binago ko ang mga batas na nakasulat at sinusunod sa loob at labas ng palasyo.
Mag-iisip ako ng paraan para maging maayos ang pamamahala at pamumuhay ng mga pinamumunuan ko. Hindi ko sila pababayaan at sisikapin kong buhayin muli ang kasiyahan sa palasyo.
Lumabas ako para magpahangin. Umupo ako sa isang malaking bato roon na pwedeng pagtambayan. Pagkatapos ay tumingala ako sa langit para pagmasdan ang mga ulap.
"Hindi mo man lang ako niyaya" napalingon ako sa nagsalita.
"Vampse" napangiti siya at tumabi sa'kin.
"Ganito rin ang nangyari dati." sabi niya at sumang-ayon naman ako.
"At alam mo na ang pupuntahan natin after"
"Hmm? Saan?" tinignan niya ko at hinawakan ang kamay ko.
"Sa special place natin" tumayo siya kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kaniya kung saan man siya pupunta.
Nagtungo kami sa garden kung saan ang laging tambayan namin noon. Mas pinaganda ko nga pala 'to pero hindi pinabago ang ayos. Ang mga nasira lang ang pinaayos ko para muling magmukhang bago.
"Anong gagawin natin dito?" mas lumawak ang ngiti niya habang hindi pa rin binibitawan ang kaliwang kamay ko.
"Katulad din ng dati." mataman ko siyang tinitigan at nanatili lang siyang nakangiti.
"Muli mo bang tatanggapin ang alok ko?" taka ko siyang tinitigan at pilit na inaalala ang pangyayaring 'to.
May inilabas siyang singsing mula sa bulsa ng blazer niya at lumuhod sa harap ko.
Napatakip ako ng bibig at bigla nalang naalala ang nangyari noon.
Noong panahon na binigyan niya kong bulaklak na singsing sa lugar na 'to.
"This place is so precious and special for us. This place have been witnessed everything between us. Kung saan at paano tayo nagsimula, at hanggang sa huli nating hininga" bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Jen.. gusto ko nang tuparin ang pinangako ko sa'yo noon." ngumiti siya sa'kin at nagsimula nang mamuo ang mga luha sa mata ko.
"Will you going to accept it again?.. Will you.. will you marry me?" sunod-sunod ang tangong ibinigay ko sa kaniya bilang sagot.
"Talaga?" paninigurado niya.
"Oo nga" sagot ko at agad niyang isinuot sa'kin ang singsing.
"Yes! Yes!" natawa ako sa kaniya at niyakap niya ko nang mahigpit. Niyakap ko siya pabalik habang patuloy na umaagos ang luha.
"Thank you.." mas hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kaniya habang nakangiti nang matamis.
Pinaghandaan namin nang maigi ang kasal at sinigurong lahat ng pinamumunuan ko ay makakadalo at makikisaya sa'min.
Nang dumating ang araw na 'yon ay sobrang galak ang naramdaman ng puso ko. Hindi maalis ang mga ngiti mula sa mga labi namin.
"Kiss! Kiss!" nagkatinginan kami at agad na ginawa ang hiling nila. Garden wedding ang napili namin at dito kami mismo ikinasal sa lugar kung saan siya nag-propose sa'kin.
Lumipas ang taon at naging maayos naman ang pamumuhay namin. Nagkaroon na rin kami ni Vampse ng munting prinsesa. At bumalik ang mga kasiyahan sa palasyo.
Marami mang buhay ang nawala, hindi 'yon magiging hadlang para magpatuloy at kung mabubuhay ka para sa kanila.
Masakit man ang idinulot ng pagkawala ng mga mahal ko sa buhay, mayroon pa rin namang natira at hindi sila nawala sa tabi ko.
Bumalik na sa mundo ng mga tao si Uncle Loise para sa pinapatakbo niyang kumpanya roon. Si Zaffry naman ay nakahanap na rin ng para sa kaniya at masaya kami para sa kaniya.
Patuloy pa rin naman akong nagsusulat at bumibisita sa mundo ng mga tao kung may mahalaga akong gagawin doon.
Hindi naman masama ang magkaroon ng ambisyon, basta hindi sosobra at aabot sa sukdulan na kailangan pang makasakit ng iba para lang matupad 'yon. Magsikap nang may maayos na pamamaraan. Dahil lahat ng paghihirap ay may ginhawang kapalit.
Sa lahat ng bagay ay may natututunan ang bawat tao. Wag natin kalimutang magmahal dahil ito ang maghahatid ng kapayapaan.
—The End—
*****
(A/N; Eyyo! Wazzup! Nakatapos nanaman ng isang story ><. I want to apologize for some mistakes and errors from this story. This is my first time writing this kind of genre, and I did my best to complete it, so please bear with me huhu T^T. THANK YOU for reading this and I hope you still like it. And, that's all and see you for my next stories! Lovelots!❣️)
BINABASA MO ANG
Vampire's Blood
Ma cà rồngJenny Dankworth is a famous writer and an immortal. They put a spell on her to forget her true identity. Her mother's brother wants to catch her because her blood is something different and special. Maximo wants her blood to complete the potion. Wi...
