𝚇𝚇𝙸

76 5 0
                                    

Jenny's POV.

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ay linggo nanaman. Medyo nakakaya ko nang kontrolin ang sarili ko sa tulong ni Vampse. Pero hindi na siya mag stay dito dahil madali lang naman daw akong matuto. Pumupunta naman siya agad once na naramdaman niyang kailangan ko ng tulong.

Ngayon ay pinasyalan niya ko dahil gusto niya raw kamustahin ang nararamdaman ko.

"Vampse may tanong ako"

"Hmm? Ano yun?"

"Kung.. nararamdaman mo yung nararamdaman ko, may chance ba na maramdaman ko ang nararamdaman mo?" bahagya siyang ngumiti sa'kin at umiling.

"Sobrang liit ng chance na maramdaman mo ang nararamdaman ko kahit na hindi mo ko nakikita. Kung sinong nag-marka sa kapareha niya, mararamdaman niya rin ang nararamdaman nito" napanguso ako.

"Bakit gano'n? Ang daya naman.." bahagya siyang tumawa at ginulo ang buhok ko.

"Bakit gusto mong maramdaman ang nararamdaman ko?"

"Para madamayan din kita"

"No need. Kung ano man ang nararamdaman ko, puntahan lang kita mawawala na yun" nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya.

"Basta, wag kang magdadalawang isip na magsabi sa'kin kung may problema ka, okay?" tumango siya at ngumiti.

Nginitian ko rin siya at napalingon sa pintuan nang may kumatok.

"Sandali lang ah" tinanguan lang ako ni Vampse at tumayo na ko para buksan ang pinto.

Bumungad sa'kin si Nathalie at si Auntie Gina.

"Nathalie! Auntie!" pareho ko silang niyakap at niyakap din nila ko.

"Tuloy po kayo, nasa loob din po si Vampse para bumisita rito" sabi ko.

"Ahh gano'n ba. Kasama namin yung Uncle mo, dumating na kagabi e. Inayos lang sa parking area yung kotse" sandali akong natigilan para i-sink in sa utak ko ang sinabi ni auntie.

"Si.. U-Uncle Loise?" tumango silang dalawa.

"Sumama rin siya kasi gusto ka rin niyang kamustahin at makausap" sabi ni Nathalie.

"Gano'n ba. Sige, maupo na muna kayo roon sa couch. Kukuhanan ko kayo ng maiinom" tumango sila at umupo na sa couch kung saan naroon din si Vampse. Dumiretso naman ako ng kusina para ikuha sila ng orange juice.

Pagkabalik ko sa sala ay nandoon na rin si Uncle Loise.

"Inom po muna kayo, siguradong nauhaw kayo" nginitian ako ni Auntie at nagpasalamat.

"Anong ginagawa mo rito Vampse?" tanong ni Nathalie.

"Ahh.. binisita ko lang si Jen. Wala rin naman akong gagawin sa bahay e"

"Hindi mo ba nililigawan ang pamangkin ko?" nagkatinginan kami ni Vampse sa itinanong ni Auntie.

"Uhm, actually po.. nanliligaw na ko" sabay na napasinghap si Nathalie at Auntie bago tumingin sa'kin.

"Bakit hindi mo sinabi sa'min, Jen?" tanong ni Auntie.

"Naghahanap po ako ng tiyempo, Auntie. Sorry po" sagot ko.

"Ayy nako nakakapagtampo ah" napanguso si Nathalie kaya natawa ako.

"Sorry na" sabi ko at nilingon si Uncle Loise.

"Uncle, kamusta po?" tanong ko. Agad niya kong sinenyasan sa labas, sa tingin ko ay gusto na niya kong kausapin.

"Gina, mag-uusap lang kami sa labas" paalam ni Uncle.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon