Jenny's POV.
Kinabukasan ay mas nauna akong nagising kila Mama at Nathalie. Kaya naman pagkatayo ko ay naghilamos at nagmumog na agad ako bago lumabas ng kuwarto.
"Good morning" nagulat ako nang biglang lumabas si Vampse sa kuwarto niya.
"Hmm. Good morning" bati ko pabalik at saka ngumiti nang bahagya. Dumiretso na ko ng lakad at nakitang tulog pa rin si Thrist. Anong oras na ba?
Sinubukan kong sumilip sa bintana at nakitang medyo madilim pa. Siguro ay madaling araw pa lang.
"Ang aga mo atang nagising?" napalingon ako kay Vampse at saka kumuha ng tasa para magtimpla ng kape ko.
"Hindi ko nga rin alam kung bakit e. Naalimpungatan ata ako" sagot ko. Kumuha rin siya ng tasa at magtitimpla rin ng kape. This time ay hindi ko na naiwasan ang magtanong na.
"Pwede ba sa bampira ang kape?" tumingin muna siya sa'kin at saka bahagyang napangisi.
"May dugo ka ring bampira diba? What do you think, hmm?" napairap ako.
"Ikaw nga tinatanong ko kasi pure blooded ka"
"Coffee is just a beans that were brewed in hot water. It will not going to affect us. Pampagising lang naman ng kalamnan 'to" napakibit nalang ako ng balikat at saka hinalo ang kape ko bago umupo.
"Ikaw? Bakit ang aga mong nagising?" balik na tanong ko.
"Lagi akong nagigising ng ganitong oras." napatango nalang ako at dahan-dahang humigop sa mainit na kape. Tumabi siya sa'kin at doon hinalo ang kape niya.
"Anong oras ka pupunta sa palasyo?"
"After nating mag-almusal lahat" sagot niya at saka muling hinalo ang kape bago ito higupin.
"Meron ka bang naiisip na gawin ngayon?" napatingin ako sa kaniya nang tanongin niya 'yon.
"Hmmmm.. wala naman. Bakit?"
"Balak ko na sanang ipasyal ka sa pasyalan doon sa palasyo. Ako lang ang nakakaalam no'n since doon na ko tumatambay simula pagkabata" agad na nagningning ang mga mata ko nang banggitin niya ang pasyalan. Siguradong maganda roon at nakaka-relax.
"Game ako riyan! So, ibig sabihin.. isasama mo ko sa palasyo mamaya?" tumango siya at ngumiti.
"Kaso ikaw lang ang pwede kong isama para mas madaling tumakas"
"Okay lang yun. Maiintindihan naman siguro nila" maya-maya pa ay isa-isa na rin silang nagising. Ako na ang nagluto ng almusal dahil alam kong aasarin nanaman nila ako, dahil naabutan nila kami ni Vampse na unang nagising at nag-uusap. Hays. Lahat nalang ginagawan nila ng meaning.
Pagkatapos naming mag-almusal ay tumambay muna kami sa sala para magkuwentuhan. Nagtingin kami ng pictures sa photo album ni Vampse dahil gusto ni Mama na makita. Nasa kalagitnaan kami ng pagtitingin nang maalala ko ang tatlong piraso ng litratong nakita ko na nakaipit sa isang libro. Agad ko iyong kinuha at saka binuklat.
Kinuha ko ang tatlong piraso ng litrato na 'yon at ipinakita sa kanila. Ang unang litrato ay kuha nila Mama kasama ang ibang kapatid niya at mga kaibigan.
"Ikaw ba 'to, Ma?" tanong ko at saka tinuro siya kung saan ko siya namukhaan pero agad siyang umiling.
"Si Gina yan. Ito ako oh, nasa kabilang dulo" agad ko 'yong tinignan at nakita kong walang bakas ng pagkakaiba ang mga mukha nila.
"Pinaghiwalay kami kasi daw para hindi sila malito kung nasaan ako at kung nasaan si Gina. Lahat kasi kami may kopya niyan" dagdag ni Mama.
"Parang may ganiyan ding picture si papa pero di ako sigurado" sabi ni Nathalie.

BINABASA MO ANG
Vampire's Blood
VampirosJenny Dankworth is a famous writer and an immortal. They put a spell on her to forget her true identity. Her mother's brother wants to catch her because her blood is something different and special. Maximo wants her blood to complete the potion. Wi...