𝚅𝙸

122 13 0
                                    

Jenny's POV.

Hindi pa man sumasapit ang umaga ay naghanda na kami ni Vampse para isagawa ang naisip at ginawa naming plano.

"Huwag kang hihiwalay sa'kin, Jen. Delikado" tumango lang ako sa kaniya at sinuot na ang pang-guwardiya na kasuotan. Takip ang mukha kaya hindi makikita kung sino ang nasa loob nito.

"Hindi ba sila magtataka dahil may kasama kang guwardiya?"

"Ako nang bahala. Basta wag ka nalang gagawa ng kahit na anong kakaiba" muli akong tumango sa kaniya.

"Halika na" hinawakan niya ang kamay ko bago maglakad palabas at sinarado ang pinto.

"Pa'no tayo makakapunta ro'n? E parang ang layo ni— ahh!" nagulat ako nang muli akong buhatin nang pangkasal ni Vampse.

"Doon tayo sa likod nang palasyo hihinto, at saka natin sisimulan" kumapit nalang ako sa leeg niya at saka pumikit nang mariin. Narinig ko siyang bahagyang tumawa pero hindi na ko dumilat. Maya-maya ay nakaramdam na ko ng isang malakas na hangin na tumatama nang bahagya sa mukha ko.

Nang maramdaman kong wala na ang hangin na 'yon ay dumilat na ko. Ibinaba na rin ako ni Vampse at saka isinuot ang maskara niyang itim.

"Simulan na natin" tumango ako sa kaniya bilang sagot at nagsimula na kaming maglakad. May nadaanan kaming mga guwardiya na nagbabantay sa bawat sulok ng palasyo at tila nagtataka dahil parang hindi sila informed na may isasama si Vampse na isang guwardiya.

Kinakabahan ako dahil sumusunod ang mga ulo nila kung saan man kaming direksyon papunta.

"Mawalang galang na po pinunong Vampse" napahinto kami nang may humarang sa'min na isang guwardiya.

"Bakit? Ano yun?"

"Bakit po kasama niyo ang isa naming kasamahan dito?"

"Ahh. Kinausap ko siya para samahan akong hanapin ang tumakas na bihag"

"Kung gayon ay dapat ko po itong ipaalam kay pinunong Zaffry"

"Hindi na kailangan. Maaaring makita niya rin na kasama ko siya kaya hindi mo na kailangan banggitin sa kaniya"

"Masusunod po" yumukod ito sa kaniya at saka umalis sa harap namin. Nagkatinginan kami ni Vampse bago muling maglakad.

Nagkunwari kaming naglilibot at naghahanap sa bawat sulok. Napahinto kami sa kalagitnaan ng isang hallway nang may makasalubong kaming babae.

"Hi, Vampse!" matamis itong ngumiti kay Vampse at saka tumingin sa'kin; nagtaas ng isang kilay. Nagtataka ako kung bakit pero hindi nalang ako gumalaw.

"Mag-bow ka" bulong sa'kin ni Vampse. Naga-alangan man ako pero ginawa ko pa rin. Yumukod ako sa kaniya at muling tumayo nang diretso.

"What do you want, Mich?" malamig na tanong ni Vampse.

"Aww.. I just missed you sweety. Don't you missed me too?" she pouted. Bahagya akong lumayo kay Vampse para mabigyan sila ng space sa pag-uusap. Tumingin ako sa kaniya at mukhang ayaw niyang kausapin ang babae. Tinitigan ko ito. Maganda, sexy, wavy ang buhok at hindi katangkaran.

"Kung wala kang sasabihing importante, mauuna na kami" akma nang maglalakad si Vampse nang muli siyang pigilan nito.

"Let's hang out again.."

"Seriously, Mich? You dumped me like a trash and now you gonna pick me up again? What am I? Recyclable? Reusable? Tss. Stop it, I won't allow you to use me again" tumingin siya sa'kin at sinenyasan na maglakad na. Sabay kaming muling naglakad sa kabuuan ng hallway.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon