𝚅𝙸𝙸𝙸

118 10 0
                                        

Jenny's POV.

Magkakatabi kami sa iisang kuwarto nila mama at Nathalie. Samantalang si Thrist naman ay nagpresintang doon nalang matutulog sa sala. Ayaw niya kasing tumabi kay Vampse e HAHAHAHAHA natatakot, baka raw kasi mangagat nalang bigla sa leeg.

Nandito kaming lahat ngayon sa dining area, kumakain ng almusal habang nagku-kuwentuhan.

"Wala bang pwedeng pasyalan dito?" tanong ni Thrist. Agad naman siyang siniko ni Nathalie.

"Ano ka ba. Puro puno 'tong paligid. Saan ka papasyal? Sa pugad ng ibon?" bahagya akong natawa sa sinabi ni Nathalie.

"Actually meron naman. Kaso malayo-layo" sagot ni Vampse.

"Talaga? Saan? Tsaka ano yung papasyalan?"

"Ilog. Maganda ro'n. Tahimik at payapa. Mare-relax kayo. Doon ako pumupunta kapag kailangan kong mag-isip"

"Ahh. Hindi kaya nila tayo makita ro'n?" nag-aalalang tanong ko.

"Wag kang mag-alala anak. Nandito naman ako, pro-protektahan ko kayo. Tsaka baka hindi siya pwedeng sumama sa'tin dahil—"

"No tita. Sasama po ako sa inyo"

"Sigurado ka?" tanong ni mama at tumango naman si Vampse.

"Hindi niyo po alam ang daan. Tsaka hindi nila pinupuntahan ang lugar na 'to kaya hindi nila tayo makikita. Sa ngayon"

"Anong ibig mong sabihing sa ngayon?" takang tanong ko.

"Hindi naman habang panahon na maitatago ang lugar na 'to. At posible ring may makaalam nito" diretsong sabi niya.

"Dapat mag-ingat tayo sa bawat ikikilos natin. Vampse, kapag nandoon ka sa palasyo. Kumilos ka nang normal. Wag kang kumilos nang kakaiba dahil baka masuspetsahan ka" paalala ni mama.

"Opo tita"

"Mabuti't nagkakaintindihan tayo"

"Kailan tayo pupunta ng ilog?" tanong ko.

"Oo nga, pwede bang maligo ro'n?" sabi naman ni Nathalie.

"Kung gusto niyo mamaya pagkatapos nating mag-almusal. At oo, pwedeng-pwedeng maligo ro'n" sagot ni Vampse.

"Ayown! Sige mamaya" natutuwang sabi ni Nathalie.

Tinapos na namin ang pag-kain at saka naghanda sa pagpunta sa ilog na sinasabi ni Vampse.

"Malayo pa ba?" tanong ni Thrist.

"Konting lakad nalang" sagot ni Vampse.

"Ligong-ligo na ko" nakangusong sabi naman ni Nathalie.

"Nako wag kayong masyadong magwala ro'n ah. Baka mamaya may makarinig sa'tin" saway ko.

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa may marinig na kaming agos ng tubig mula sa ilog.

"Wow~!" bulalas naming lahat maliban kila Mama at Vampse. Dali-daling tumakbo sila Thrist at Nathalie papunta sa ilog at nagsimulang magtampisaw sa tubig. Natawa ako nang madulas si Nathalie at napaupo.

"Ayan! Hindi nag-iingat" tatawa-tawang sabi ko habang naglalakad palapit sa kanila.

"Ang lamig ng tubig" komento ni Thrist. Tinignan ko siya at nagsisimula na pala siyang maligo. Napailing nalang ako.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napangiti nang makita ang kagandahan nito. Matataas ang mga puno, kulay asul ang langit at may ilang mapuputing ulap. Nakakarelax ang hangin at ang tunog ng agos ng tubig.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon