𝙸𝙸𝙸

185 12 0
                                    

Jenny's POV.

Kinabukasan ay nagising ako sa pagbukas ng pinto. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala kaming kahit na anong gamit dito maliban sa hinihigaan namin.

"Ibigay niyo na ang mga damit" utos ng isa sa mga kasama niya. Nakasuot sila ng itim na maskara at bibig lang ang hindi natatakpan sa kanila.

"Maligo raw muna kayo" sabi niya pagkabigay sa'min ng damit.

"Sumunod kayo at ihahatid namin kayo" nagkatinginan muna kaming tatlo bago kami tuluyang tumayo. Tinalian nila kami sa kamay bago kami tuluyang lumabas ng kuwarto. Habang naglalakad kami ay maraming nakapaligid na mga bantay sa'min, at hindi ko makita ang pupuntahan dahil mga nakaharang sila.

Pagdating namin sa c.r ay nakahanda na lahat at hiwa-hiwalay kami ng paliliguan. Pero nakabantay pa rin sila sa labas. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng c.r pero walang kahit na isang bintana.

Pagkatapos namin maligo ay nakapagbihis na rin kami. Bigla nila kaming nilagyan ng blindfold kaya naman nagtaka ako.

"Bakit niyo kami pinipiringan? Saan niyo kami dadalhin?" nag-aalalang tanong ko.

"Basta sumunod nalang kayo" hindi na ko nagsalita at nagsimula na kong kabahan.

"Thrist? Nathalie? Nandiyan ba kayo?"

"Oo. Nandito kami" sabay nilang sagot kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Hindi sila pwedeng malayo sa'kin.

Pagkatanggal ng blindfold sa'min ay nalula ako sa laki ng lugar na pinuntahan namin.

"Anong lugar 'to..?" bulong ko sa sarili.

Inilibot ko ang paningin ko at saka ko lang nakita na iniwan kami ng mga naghatid sa'min dito. Tinignan ko sila Thrist at Nathalie.

"Guys. Iniwan nila tayo rito" sabi ni Nathalie.

"Alam ko. Pero hindi nila tayo iiwan kung walang trap palabas dito" sabi ko. I'm an author at alam ko na ang mga possible na mangyayari once na hindi kami nag-ingat dito.

"Kailangan natin mag-ingat" pahabol ko.

"Pero bakit nila tayo dinala rito? Wala akong nakikitang kahit na ano kundi isang lugar na walang laman." sabi ni Thrist. Muli kong inilibot ang mata ko at may nakita akong isang malaking pintuan.

"Sumunod kayo sa'kin" naglakad na ko papunta ro'n at mataman na sinuri kung meron bang patibong na iniwan. Nang makasiguro ako na wala ay agad ko 'yong binuksan at namangha ako sa loob no'n.

I suddenly stopped when I saw what's inside. Mga kakaibang gamit, at sa palibot no'n ay may mga higanteng shelves na maraming libro. Nagsimula na kong maglakad para suriin ang mga laman ng silid na 'to.

"Bakit naman nila tayo dinala rito?" takang tanong ni Thrist.

"Baka may nais silang ipakita sa'kin" sagot ko naman.

"Ano naman yun?" tanong naman ni Nathalie.

"Baka ang gusto nila ay tayo ang kusang makatuklas nito. Mag-ikot lang tayo at baka sakaling may makita tayo" tango nalang ang isinagot nila sa'kin. Habang naglilibot ako ay may isang bagay akong nakita, isang bagay na pamilyar sa'kin. Isa 'yong punyal na may marka ng mukha ng isang lobo. Parang nakita ko na ang bagay na 'to pero hindi ko maalala kung saan. Hahawakan ko na sana ito nang bigla akong tawagin ni Nathalie.

"Bakit?" tanong ko at lumapit sa kanilang dalawa.

"Tignan mo, sa lahat ng libro rito 'yan lang ang tanging naiiba." sabi niya matapos na ituro ang isang makinang at makapal na libro.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon