𝚇𝚇

83 8 0
                                        

Jenny's POV.

Sabay kaming pumasok ni Vampse dahil tinulungan niya kong dalhin ang project namin. Medyo malaki kaya hindi kaya ng isang tao lang. Tsaka nakakatakot baka masira.

"Kamusta? Ayos ka pa?" tumango ako.

"Wala namang nakakapagpa-trigger ng bampira sa loob ko" bahagya siyang natawa.

"Mabuti naman. Mukhang hindi ko na kailangan mag stay pa sa bahay niyo"

"Wala pa namang 1 week!" tinawanan niya lang ako at tumango.

"Jen!" nilingon ko ang tumawag sa'kin at nginitian.

"Uy. Xaiver, ang aga mo ata?" napangiti siya.

"Hindi naman. Kararating ko lang, ikaw? Bakit hindi ka masyadong maaga ngayon?"

"May bitbit kasi kaming project e. Oh! By the way, may ipapakilala ako" pinakita ko si Vampse sa tabi ko.

"This is Vampse, kai—"

"Her boyfriend, and you're?" naglahad ng kamay si Vampse.

"Oh, nice to meet you Vampse. I'm Xaiver" sabi niya at kinuha ang kamay ni Vampse. Nagkamay silang dalawa pero si Xaiver lang ang nakangiti.

"Vampse. Ngumiti ka naman" bulong ko sa kaniya. Sinunod niya naman ako.

"Pa'no, una na kami ah. See you around!" sabi ko at tumango lang siya. Kumaway muna ko bago magpatuloy sa paglalakad.

"Uy. Bakit mo sinabi yun?"

"Ang alin?"

"Na boyfriend kita" nagtaas siya ng isang kilay sa'kin.

"Why not? I'm telling the truth. I already marked you as mine, so walang masama sa sinabi ko" nakita ko siyang ngumisi bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Uy! Uy! Uy! Yung project!" agad ko siyang sinundan at tumulong sa paghawak sa project.

Pumasok na kami sa classroom at inilagay sa harap yung gawa namin. Nandoon kasi lahat ng gawa ng ibang group.

Hinintay namin sila Thrist at Nathalie. Nagawa na rin ang document para sa proof na lahat kami ay gumawa no'n.

Naipasa namin ang project pagkarating ng teacher. Mabuti nalang nakapagpasa kami agad, may minus na raw yung mga late e.

Lunch time ay nakasalubong namin si Xaiver habang papunta ng cafeteria para kumain.

"Hi, Xaiver!" masaya kong bati sa kaniya. Ngumiti naman siya agad at lumapit.

"Hi" sabi niya.

"Kakain ka rin sa cafeteria?" tumango siya.

"Actually, papunta na rin ako ngayon" sagot niya.

"Sabay ka na sa'min. At siya nga pala, meet my friends. Si Thrist, Nathalie and she's also my cousin, and then si Vampse nakilala mo na kanina. And guys, this is Xaiver yung sinamahan akong maglibot last week" pagpapakilala ko sa kanila.

"Ahh ikaw pala 'yon. Hi!" masiglang sabi ni Nathalie at nakipagkamay. Gano'n din naman si Thrist maliban kay Vampse dahil nakilala na niya kanina.

"Tara na! Baka mahaba na yung pula ro'n" aya ko sa kanila at nagsimula na kaming maglakad. Hinawakan ni Vampse ang kamay ko kaya napatingin ako ro'n bago siya tinignan.

Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya naman hinayaan ko na.

Sumabay sa'ming kumain si Xaiver. Katabi niya si Thrist at Nathalie sa upuan, samantalang kami naman ang magkatabi ni Vampse.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon