𝚇𝙸𝚇

75 6 0
                                    

Jenny's POV.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para maglinis ng bahay. Binigyan ako ni Vampse ng ilang bag ng dugo para raw in case na maisipan kong uminom. Pero sabi niya rin na hindi ko kailangan ubusin agad. Kailangan ko raw pigilan na hindi masobrahan para raw hindi ako ma-obsessed.

Kasalukuyan akong nanonood ng tv habang nagpapahinga nang may kumatok sa pintuan. Agad akong nagtungo roon at binuksan.

Saglit akong natigilan nang bumungad sa'kin ang kumatok sa pinto.

"Uhm.." hindi ko pwedeng sabihin na si Mama 'to dahil sinabi sa'kin na wala na sila. So, posible na si..

"Auntie Gina?" mas lumawak ang ngiti niya. Nilawakan ko ang pagbukas sa pinto at pinatuloy siya.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko at muling sinarado ang pinto pagkapasok niya.

"Gusto ko lang bisitahin ang pamangkin ko. Masama ba?" agad akong umiling at sumunod sa kaniya sa kusina. Ngumiti lang siya at saka ibinaba ang mga dala niyang plastic.

"Ano yan auntie?"

"Ahh. Binilhan kita ng mga grocery, baka kasi ubos na mga stock mo rito"

"Actually, paubos na nga po" sabi ko. Bahagya siyang tumawa at sinimulan nang ilabas ang mga binili niya isa-isa. Tinulungan ko siyang mag-ayos para mas mabilis.

"Kamusta ang project niyo? Natapos niyo raw agad yun kahapon sabi ni Nathalie ah" napatitig ako sa kaniya nang banggitin niya ang pangalan ni Nathalie.

"K-kilala niyo po si.. Nathalie?" taka siyang napatitig sa'kin na tila may mali akong nasabi.

"Siyempre, anak ko siya e. Pinsan mo. Bakit hindi ko kilala?" may bahid ng pagtataka sa sagot niya.

"Nakalimutan mo na? May sakit ka ba? Namumutla ka" agad niyang kinapa ang noo ko para i-check ang temperature.

Teka.. kung anak niya si Nathalie.. edi.. asawa niya si Uncle Loise?!

"Hindi ka naman mainit" dagdag niya.

"Uhm. Okay lang po ako auntie, baka napagod lang po ako sa paglilinis."

"Hay nako binigla mo nanaman ata ang sarili mo. Magpahinga ka nang maaga mamaya, okay?" tumango ako habang nakangiti. Pinaglaruan ko ang mga kamay ko dahil nagdadalawang isip akong magtanong.

Pero mamamatay ako kakaisip kung hindi ko gagawin.

"Auntie.."

"Hmm?"

"Uhm.. pwede po bang maitanong kung.. nasaan po si Uncle Loise?" tama. Hindi nalang ako magpapahalata. Uunti-untiin ko nalang para hindi siya lalong magtaka.

"Ahh, wala siya. Nasa business trip e. Hindi ba sinabi sa'yo ni Nathalie? Walang specific date kung kailan ang balik niya rito. Why?"

"Hindi po nabanggit sa'kin ni Nathalie. Tsaka nagtaka lang po ako kasi hindi niyo siya kasamang bumisita rito" ngumiti lang siya sa'kin at hinawakan ang pisngi ko.

"Wag kang mag-alala okay? Pagkauwi ng Uncle mo rito, dadalaw kaming lahat dito" tinanguan ko nalang siya at ngumiti.

No, hindi ko pwedeng madaliin. Kung sakaling dumating na rito si Uncle Loise, mas maganda siguro kung.. sa kaniya ko nalang itatanong.

"Anong gusto mong dinner? Ipagluluto na kita"

"Yung.. paborito ko po auntie" sagot ko.

"Oh sige, ipagluluto kita ng Menudo hmm? Panonoorin mo ba ko o maghihintay ka nalang sa sala?"

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon