𝚇𝚇𝚅

102 6 0
                                    

Jenny's POV.

Nagising ako nang may magsaboy sa'kin ng malamig na tubig sa buong katawan. Mahapdi para sa mga sugat ko.

Hinahabol ko ang hininga ko nang ilibot ko ang paningin ko.

I guess.. we're back.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko na nakatali rin si Vampse at Uncle sa isang poste. Wala rito si Xaiver.. nasaan siya?

Napalingon ako sa pagbukas ng pintuan. Madilim dito at tanging mga kandila lang ang nagsisilbing liwanag.

"Hmm. Mabuti at nagising ka. Ikatutuwa ko sana kung hindi na" sabi ni Maximo habang lumalapit sa'kin.

"Demonyo ka talaga, Maximo. Wala kang awa" ngumisi siya sa'kin at umupo na kasing lebel ko.

"Hindi ko naman itinatanggi. At sa tingin ko, wala namang masama roon. Hangad ko ang ikabubuti ng lahi natin. Masama bang tuparin 'yon?"

"Pero bakit kailangan mo pang gumamit ng iba, para lang matupad 'yang walang kuwentang ambisyon mo—! Ahhh!" napatigil ako nang dumapo sa pisngi ko ang palad niya.

"Alam mo bang nang dahil sa'yo kaya namatay ang ama ko?!" I gritted my teeth as I catching my breath.

I want to slap him too. And tell him na siya rin ang dahilan kung bakit namatay ang mga mahal ko sa buhay.

Pero nanatili pa akong tahimik.

"Because of you, namatay siya nang may sama ng loob sa'kin! At dahil din sa'yo.. kaya hindi ko nagawa ang plano ko nang mas maaga!"

"I don't care! You hate me, right? Hindi ko kasalanan 'yon. That's you and your nonsense ambition's fault! Because of you, namatay ang mga mahal ko sa buhay! Mas gugustuhin kong ikaw nalang sana ang namatay at hindi sila—! Ahhh!" sa puntong 'yon ay mas malakas na sampal ang ibinigay niya at saka mariin na hinawakan ang mukha ko.

"Anong karapatan mong sabihin 'yan sa harap ko? Hindi ka marunong gumalang?!"

"Bakit ko gagalangin ang walang pusong halimaw na gaya mo? Hindi ka karapat-dapat para ro'n" nakikita ko ang galit mula sa mga mata niya. Ngumisi siya at binitawan ang mukha ko.

"I guess.. gusto mo nang mamatay nang mas maaga kesa sa itinakda kong oras" sabi niya at saka tumayo para lumabas ng kuwartong 'yon.

Marahas kong naibuga ang hangin na inipon ko sa loob para labanan ang takot ko. At hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Jen.." napatingin ako sa tumawag sa'kin. Si Uncle, gising na siya.

"U-Uncle.."

"Narinig ko ang usapan niyo ni Maximo. Sigurado ako na dahil sa sinabi mo, mas lalo siyang nagalit." napabuntong hininga ako at tumingin kay Vampse. Hindi pa siya nagigising.

"Mas mabuti nang malaman niya na kaya kong lumaban, Uncle" sagot ko.

"Gusto kong ipamukha sa kaniya na hindi ako mahina tulad ng iniisip niya" dagdag ko.

"Kung gano'n, kailangan mong makabuo ng plano para talunin siya. Ikaw ang pag-asa namin. Sa'yo nakasalalay ang kinabukasan ng palasyo. Kailangan mong tatagan ang sarili mo, at tandaan mo.. na nandito lang kami susuporta sa'yo" nginitian ko siya at tinanguan.

Wala na kaming sandata dahil kinuha nila 'yon at sinigurong hindi kami makakalaban. Pero nagkakamali sila.. kahit na wala kaming sandata ay sisiguraduhin kong makakaya pa rin naming lumaban.

Lalaban ako..

Lalaban kami..

May mga guwardiyang nakapaligid sa'min para magbantay. Pero hindi 'yon hadlang para talunin ang kasamaan.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon