𝚇𝙸

100 8 0
                                        

Jenny's POV.

Nang mapagod na kami ay bumalik na kami sa bahay. Kinamusta nila ang pagpasyal namin kaya nag-kuwento na lang ako. Umalis ulit si Vampse dahil pupunta siya ng palasyo.

Kalagitnaan ng gabi ay nagdesisyon ako na lumabas ng bahay ni Vampse. At umupo ako sa ikatlong palapag ng hagdan sa terrace. Kitang-kita mula rito ang ganda ng kalangitan.

Nakaka-relax.

Kasabay ng pagtitig sa kalangitan ay ang pagsisimula rin ng pag-iisip ko ng mga bagay-bagay.

Ano na kayang ginagawa namin ngayon kung sakaling hindi nangyari 'to? Malamang niyan ay may panibago nanaman akong ilalabas na libro.

Kamusta na kaya si Uncle Loise? Hinahanap niya kaya kami?

Pero kung hindi 'to nangyari, malamang wala pa rin akong alam sa katotohanan ngayon. Hindi ko makikilala ang tunay kong nanay. At hindi ko malalaman kung ano talaga ako.

Napabuntong-hininga ako.

Nagulat ako nang may magpatong ng jacket sa'kin kaya nilingon ko siya.

"Ah. Salamat.." ngumiti lang siya sa'kin at tumango.

"Anong iniisip mo?" nginitian ko siya at saka umiling.

"Wala" sagot ko at muling tumingin sa langit. Tumabi sa'kin si Vampse at tumingin din sa langit.

"Sinasabi ng bibig mo, wala. Pero ang sinasabi ng mga mata mo, marami" bahagya akong ngumiti.

"Ang galing mo naman"

"Sa mata kasi makikita lahat. Minsan kasi, taliwas ang sinasabi ng bibig.. sa sinasabi ng mga mata natin" inayos ko ang jacket na nakalagay sa'kin at niyakap ko ang sarili ko nang umihip ang malamig na hangin. Malamig na kasi sa labas.

"Tama ka. Ang dami ko ngang naiisip. At saka.. ngayon lang ulit ako na-relax ng ganito. Tahimik ang paligid, mga bituin sa langit, at malamig ang hangin. Perfect timing sa pag-iisip"

"Gawain mo ba talaga ang tumitig sa mga bituin sa langit kapag mag-iisip?" tumango ako.

"Minsan kasi, sa ganitong paraan ako nakakapagsulat ng mga libro."

"Writer ka pala?" tumango ako.

"Nahiligan ko lang. Hindi ko alam na magugustuhan ng mga tao yung gawa ko. Actually, bago kami mapunta rito nagkaroon pa ko ng book signing event"

"Wow. Baka naman! Pahingi ng isang libro" natawa ako.

"Kapag naayos na ang lahat, bibigyan kita" ngumiti siya nang malawak.

"Anong genre ang ginagawa mo?"

"Mysteries and Horrors. Favorite genre ko kasi yung mga gano'n. Pero pati buhay ko pala gano'n ang genre" natawa ako nang bahagya at gano'n din siya.

"Well, hindi natin masasabi ang ilang bagay." I hummed as an answer.

"By the way, kuwentuhan mo naman ako about sa mga kaibigan mo. Mukhang sobrang close at mahal na mahal niyo ang isa't-isa e" nilingon ko siya at nginitian.

"Sure, no problem." bumuntong hininga muna ko bago magsimulang magkuwento.

"Si Nathalie, pinsan ko siya, kaibigan, at kapatid. Mahal na mahal ko yan dahil siya lang ang nadadamayan ko kapag ayokong mag-open sa iba. Ang sabi, namatay daw ang nanay niya noong ipinanganak siya. Nasa bahay nila yung abo ng mama niya, araw-araw niya raw kinakausap yun. Kinakamusta niya yung nanay niya, nanghihinayang siya kasi hindi niya man lang nakita yung mukha ng mama niya. Ang ipinagtataka ko, wala man lang picture yung magulang niya na magkasama. Pero palaging may tinititigang litrato si Uncle Loise— yung papa niya." iniba ko ang puwesto ng upo ko dahil nangangawit na ko't namamanhid na rin ang isang paa ko.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon