𝙸𝚅

166 14 0
                                    

Jenny's POV.

Tinitigan ko ang malalamig na kadenang nakatali sa mga braso ko.

"Kailangan ko kayong matanggal." huminga muna ako nang malalim at bahagyang humarap sa isang braso ko. Inalalayan ko ang kadena gamit ang mga paa ko para padulasin ang kamay ko paalis sa kadenang iyon. Ininda ko ang sakit. Impit na sigaw ang ginawa ko dahil hindi ako pwedeng gumawa ng kahit na ano mang ingay.

Malapit ko na itong maialis nang biglang bumukas ang bakal na pinto. Agad akong umayos ng upo at tinitigan ang pumasok.

"Sinusubukan mo bang alisin ang mga kadena?" hindi ako sumagot at kinilala lamang ang boses niya. Pamilyar ito sa'kin. Nakaitim itong maskara na sa mata at ilong lang ang sakop. Ni-lock niya nang maigi ang pintuan bago lumapit sa'kin.

Umupo siya sa harap ko at saglit akong tinitigan.

"Sino ka?" malamig na tanong ko. Bahagya siyang napasinghal bago tanggalin ang maskara.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya.

"V-Vampse?!" gulat at mahinang sabi ko. Ngumiti siya sa'kin at sumenyas na tumahimik. Tumango ako at tumingin muna sa pinto bago bumalik sa kaniya.

"Pa'no ka nakapunta rito? Pa'no mo nalamang nandito ako?" nagtatakang tanong ko.

"May narinig akong mga guwardiya na nag-uusap sa labas. Ang sabi nila, kailangang mabantayan nang maigi ang bihag dahil iyon ang iniutos ni pinunong Maximo"

"Maximo?" napansin kong bahagya siyang natigilan pero agad din siyang ngumiti at umiling.

"Wag mo nalang alamin kung sino. Ang alam ko, dinala ka sa kuwarto na 'to dahil kailangan nila ang dugo mo."

"Ano bang meron sa dugo ko?"

"It's kinda special.. to complete their experiment"

"Experiment?" tumango siya.

"He will kill you by getting all of your bloods. At isa lang ang maaari kong gawin para mapigilan yun."

"Ano yun?"

"Kailangan kitang mailabas dito" nang sabihin niya yun ay bigla kong naalala sila Thrist at Nathalie.

"Yung.. y-yung mga kaibigan ko. Kailangan din nila ng tulong. Tulungan mo rin sila" bumuntong-hininga siya at saka umiling.

"I'm sorry but I can't." bigla akong naguluhan sa sinabi niya.

"You can't? Why? Pa'no mo ko maililigtas kung hindi mo pala sila kayang iligtas"

"Makinig ka muna sa'kin." umayos siya nang upo at tumingin sa mga mata ko.

"Isa lang ang kaya kong ilabas dito. Mahuhuli tayo kung sabay-sabay ko kayong ilalabas mula rito. Kapag nailabas na kita, saka tayo gagawa ng plano para maitakas din sila" sumang-ayon ang isip ko sa sinabi niya kaya naman dahan-dahan akong tumango sa kaniya.

"Mapagkakatiwalaan ba kita?" diretsong tanong ko.

"Kung hindi ako mapagkakatiwalaan, bakit ako nandito ngayon?"

"Malay ko ba kung kasabwat ka nila't nililinlang mo lang ako" bahagya siyang tumawa at napailing pa.

"Hindi sila gumagawa ng ganitong hakbang. Hanggang kulong at pagbabantay lang sila." bahagya pa siyang lumapit para tanggalin ang kadenang tali mula sa mga braso ko.

"Nagdurugo na yung braso mo kakasubok na tanggalin yung kadena.." naramdaman ko ang pagtigil niya kaya naman tinignan ko siya. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa ilaw o talagang nagpula talaga ang mga mata niya.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon