Jenny's POV.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para umuwi at makapaghanda sa school. Last day na ng pasok! (。♡‿♡。).
Kumain nalang ako ng tinapay at uminom ng gatas bago pumasok. Maaga pa naman kaya maglilibot muna ako sa buong campus. Wala pa rin sila Vampse e.
"Jenny?" napalingon ako sa tumawag sa'kin. At napangiti ako nang makita siya.
"Xaiver" lumapit siya sa'kin habang nakangiti.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Wala, naglilibot lang. Wala pa yung mga kaibigan ko e"
"Ahh. Gusto mo ng tour guide?" natawa ako sa sinabi niya pero tumango nalang din ako.
Inilibot niya ko sa buong campus, pinakita niya sa'kin yung mga hindi ko alam na lugar. Para raw once na utusan ako, hindi na ko maliligaw.
"Pwede ba kong magtanong?" nilingon ko siya at saka tumango.
"Sure. Ano 'yon?"
"Ahh.. kanina ko pa kasi nakikita. Ano yung pula mo sa batok? Kagat ba yan ng langgam?" kumunot ang noo ko. Naka-bun kasi ang buhok ko dahil mas magaan sa pakiramdam kapag nakaipit.
"Huh? Saan banda?" bahagya siyang lumapit sa'kin at saka tinuro.
"Ito oh" naramdaman ko ang pagdampi ng daliri niya; nalaman ko na sa malapit sa batok 'yon.
"Hindi ko alam e"
"Sa tingin ko kasi, parang hindi langgam pag nasa malapit" sabi niya.
"What do you mean?"
"Wala" ngumiti lang siya sa'kin at nagpatiuna na ulit maglakad. Sumunod nalang ako at hindi na inisip ang sinabi niya.
*The bell rings*
"Hala. Time na pala, tara na. Baka dumating na yung teacher"
"Sige" naglakad na kami pabalik sa building at humiwalay na sa'kin dahil sa kabilang room siya.
"See you around!" sabi niya at tinanguan ko nalang siya bago pumasok sa room.
"Saan ka nagpunta?" bungad na tanong ni Vampse.
"Ah. Nag-ikot lang kasi wala pa naman kayo kanina"
"Ikaw lang mag-isa?" umiling ako.
"Kasama ko si Xaiver. Nagkita kami kanina e"
"Ahh"
"Sila Thrist? Nandito na?"
"Hmm. Hinanap ka"
"Nasaan na sila?"
"Jen!" napalingon ako kay Nathalie. Kapapasok lang nila ng classroom.
"Ano ka ba, saan ka pumunta?" bungad na tanong niya.
"Uhm. Nag-ikot lang. Bakit?"
"Nag-alala kami sa'yo. Nandito yung bag mo pero wala ka" sabi naman ni Thrist.
"Sorry, wala pa kasi kayo kanina. E wala naman akong kausap dito kaya naglibot nalang ako"
"Okay lang. Atleast nandito ka na. Parating na si ma'am, nakasalubong namin" sabi ni Nathalie.
"Upo na kami ro'n" tinanguan ko nalang si Thrist.
Lunch break namin ay sabay-sabay kaming nagpunta sa cafeteria para kumain.
"Jen? Ano yung pula malapit sa batok mo? Kinagat ng langgam?" tanong ni Nathalie. Pabalik na kami sa puwesto namin dala ang pagkain. Si Thrist at Vampse ay nakapila pa rin.
BINABASA MO ANG
Vampire's Blood
VampiriJenny Dankworth is a famous writer and an immortal. They put a spell on her to forget her true identity. Her mother's brother wants to catch her because her blood is something different and special. Maximo wants her blood to complete the potion. Wi...