Jenny's POV.
Normal naman ang mga nagdaang araw. At nakontrol ko na rin ang pagka-uhaw ko sa dugo. Naging maayos din ang pakikipag-kaibigan namin kay Xaiver dahil sumasama na rin siya sa'ming magkakaibigan.
Nakakapag-bonding kami na parang hindi kami kakaiba sa kanila. Na para bang.. hindi ilusyon ang lahat.
Nagagawa namin ang mga ginagawa ng mga high school students kapag weekend, kapag may practice ng kung ano-ano, kapag may projects and performances.
Naging mas malapit na rin kami ni Vampse sa isa't-isa. Sa dimensyong 'to ay hindi bampira si Auntie Gina kaya naman hindi masabi ni Uncle kay Nathalie ang katotohanan.
Alam kong isang araw ay bigla nalang guguho ang mga masasayang ala-ala na binuo namin sa mundo na 'to. Pero handa na kong harapin kung ano man ang mangyayari.
Kasalukuyan kaming nagkaklase nang muli akong tawagin ni Mrs. Gabriel para utusan kay Mrs. Gomez na kuhanin ang files na pinapaabot sa'kin.
Naglalakad na ko patungo sa building na 'yon nang may makabunggo ako.
"Aray" mahinang angil ko.
"Sorry, miss. Uhm.. pwede bang magtanong?" napaangat ako nang tingin at agad na napalayo nang makita ko si Zaffry sa harap ko.
He's here..
Nakangiti siya sa'kin habang nakapamulsa.
Imposibleng nandito rin siya, hindi ko naman hiniling na makasama siya mundo na 'to. So hindi ako pwedeng magkamali na galing siya sa mundo namin.
"Uhm.."
"Kuya!" napahinto ako sa sasabihin ko nang mapalingon ako sa tumawag sa kaniya. Si Mich.
Damn.. they're here.
"Uh.. anong.. i-itatanong mo?" unti-unti akong umaatras nang hindi pinahahalata sa kanila.
"Saan ba rito yung room ng Emerald section? Transferee kasi kami" pinakalma ko ang sarili ko at pilit silang nginitian.
"Ah. D-doon sa building na 'yon, first floor. Makikita niyo yung nakasulat na section" sabi ko.
"Oh okay. Thank you, Jen" hindi ko alam kung namalikmata ako o nakita ko talaga siyang ngumisi sa'kin. At.. tinawag niya ko sa pangalan ko.
Naiwan akong tahimik na nakatingin sa kanila. Napansin kong nilingon ako ni Mich pero tumalikod na ko at naglakad papunta sa room ni Mrs. Gomez.
Pagkakuha ko ng pinapakuha ni Mrs. Gabriel ay bumalik na ko ng classroom.
Pagkaalis ng teacher ay agad ko 'yong sinabi kay Vampse.
"Ano?!" mahina ngunit gulat na sabi niya. Tumango ako bilang sagot.
"He even called my name. I think.. they're already here. Isinasagawa na nila ang plano para sa'tin" napabuntong hininga siya at napasandal sa upuan niya.
"Kailangang masabi na natin 'to agad sa Uncle mo. Lalo pa't nasa kabilang classroom lang sila" napabuntong hininga rin ako.
"Hindi ko inaasahan na mapapadali ang pagpunta nila rito"
"Nothing's impossible. Baka nga mamaya, may nilagay na silang trap para sa'tin. At kaya ka pala kinabahan kanina kasi nakita mo sila" tumango ako at ngumuso.
"Akala ko huhulihin nanaman ako" bahagya siyang natawa.
"Sigurado akong may iba silang plano" nanahimik nalang ako at pilit na iniisip kung kailan pa sila nakapunta sa mundo na 'to.
Uwian ay agad kaming dumiretso sa bahay nila Nathalie para makausap si Uncle.
Kaming tatlo lang ang nasa couch dahil ang sabi ni Uncle kila tita ay may mahalaga kaming pag-uusapan, kaya naman hinayaan na nila kami.
"Kanina kasi Uncle, nakita ko sila Mich at Zaffry sa school. Ako ang pinagtanungan nila ng section. At ang section na 'yon ay katabi lang ng room namin" panimula ko.
"Siguradong nagtatago na sila sa kung saan ngayon, at naghahanda para sa pag-atake." sabi ni tito at sumang-ayon naman kami ni Vampse.
"Kailangan na nating maghanda ng plano para sa kanila." dagdag niya.
"Pero hindi natin alam kung ano ang pinaplano nila. Hindi tayo pwedeng magplano agad tapos biglang taliwas pala sa plano nila. Talo tayo" komento ni Vampse.
"E ano palang gagawin natin?" tanong ko.
"Wait for them to attack; and fight for our lives" sagot ni Uncle.
Napabuntong hininga ako sa sinagot ni Uncle. Wala kaming choice kung hindi lumaban nalang para sa buhay namin. Sigurado naman ako na nakapaligid din ang mga kakampi ni Uncle sa mundo na 'to.
Pero hindi kami pwedeng dapat na maghintay lang sa kanila. Kailangan din naming kumilos kung gusto naming lumaban para sa buhay.
"But we still need to plan. Hindi pwedeng maghintay nalang tayo ng atake nila. Paano tayo mabubuhay kung wala tayong plano para labanan sila" sabi ko. Napaangat ang tingin nila sa'kin.
"How?" tanong ni Uncle.
"Like, we have to prepare some weapons" sagot ko.
"Pwede tayong gumawa ng punyal na gaya ng sa'kin" dagdag ko.
"Hmmm.. pwede. But we have to be careful. Siguradong nakapaligid na ngayon ang mga kalaban. Ako na ang bahala sa pag-gagawa ng punyal— teka.. nasa'yo pa ba ang punyal mo?" tumango ako.
"Laging nasa'kin yun Uncle. Simula no'ng nakuha ko siya sa isang silid doon sa palasyo" ngumiti siya sa'kin.
"Mabuti naman. Ako ang nagtabi no'n doon. At ako rin ang nagdala sa inyo dati roon para kusa mong mahanap ang punyal. Wag mo na ulit kakaligtaan ang punyal na yan, dahil yan ang magliligtas sa'yo mula sa sakim na si Maximo" nginitian ko rin siya at tumango.
"So, pa'no. Mauuna na po kami" pagsingit ni Vampse.
"Ahh, Vampse. Pwede bang.. simula ngayon, samahan mo na si Jenny sa bahay nila? Delikado na" nagkatinginan kaming dalawa ni Vampse bago siya sumagot.
"Uhm.. kung 'yon po ang mas makabubuti, ililipat ko na po ang mga damit ko sa bahay nila. Doon na ko mag-stay para may kasama na rin siya sa bahay na 'yon" nginitian siya ni Uncle at saka tumango.
"Much better" komento ni Uncle. Tumayo na rin ako at niyakap siya.
"Mauuna na kami, Uncle. Gumagabi na kasi" sabi ko.
"Hmm. Okay, ingat kayo" nilapitan ko sila Auntie at Nathalie para makapagpaalam na. Pagkatapos ay pumunta na muna kami ni Vampse sa apartment niya para kuhanin ang mga damit niya.
"Tignan mo, kahit anong iwas mo mag-stay ka pa rin talaga sa bahay" natatawa kong sabi habang tinutulungan siyang mag-impake.
"Aysus! Gustong-gusto mo naman"
"Siyempre! Nakakatakot kayang mag-isa sa bahay. Ang laki pa no'n" nakangusong sabi ko.
"Hmm. Ito na nga oh, may makakasama ka na" bahagya siyang tumawa matapos sabihin 'yon. Napailing nalang ako at tahimik na tinapos ang ginagawa.
Pagkatapos ay tumawag kami ng taxi para ihatid kami sa bahay kasama ng mga bagahe niya.
Doon ko siya pinatuloy sa guest room dahil malaki rin naman 'yon at may iba na ring gamit. May cabinet din na pwedeng paglagyan ng damit niya.
Tinulungan ko rin siyang mag-ayos doon at pagkatapos ay nagluto siya ng dinner at kumain na kami.
BINABASA MO ANG
Vampire's Blood
VampirJenny Dankworth is a famous writer and an immortal. They put a spell on her to forget her true identity. Her mother's brother wants to catch her because her blood is something different and special. Maximo wants her blood to complete the potion. Wi...