Third Person's POV.
Kinabukasan ay sabay na pumasok sila Vampse at Jenny dahil nasa iisang bahay naman na sila nakatira.
Nararamdaman ni Vampse ang presensya ng taong sumusunod sa kanila ni Jen. Kaya naman nagpaalam ito sa kaniya at pinauna na itong magtungo sa classroom.
Huminto si Vampse sa paglalakad nang maramdaman na mas lumalapit ang presensya ng sumusunod sa kaniya.
"Please show up whoever you are" malamig niyang sabi at hindi umaalis sa puwesto niya na nakapamulsa at hinihintay na lumabas ang taong sumusunod sa kaniya.
Hindi siya nagsalita at nanatili lamang na nakatayo nang maramdaman niya ang yakap ng isang pamilyar na babae.
"Vampse.." napatingala siya sa langit at bumuntong-hininga.
"Mich. What do you want?" sambit niya rito.
"Look at me"
"Just tell me what do you want"
"No! Look at me first!" pagmamatigas nito.
"Mich, please.. just tell me"
"I said, look at me!" walang nagawa si Vampse kundi harapin ito. Ngunit nananatili pa rin sa kaniya ang ganoong posisyon at malamig na emosyon sa mukha.
"What now?" nginitian siya ng babae at muli siyang niyakap.
"I missed you.." malambing nitong sabi ngunit napairap nalang si Vampse at muling napabuntong hininga.
"May klase pa ko. Don't waste my time" malamig na sabi ni Vampse. Agad na bumitaw si Mich at ipinagkrus ang mga braso.
"As if namang totoong mundo 'to? Sa pagkakaalam ko.. ilusyon lang ang lahat ng ito?" dahan-dahang hinawakan ni Mich ang dibdib ni Vampse at mapang-akit itong tumingin sa kaniya.
Dito niya dati nakuha si Vampse kaya naisip niya ulit itong gawin, para muli niya itong makuha.
"What if kung.. gumawa tayo ng sarili nating mundo. Hmm? Isn't it fun?" nakatitig lang sa kaniya si Vampse habang nakakunot ang noo nito. Pinapanood niya ang bawat kilos ni Mich.
Alam niyang inaakit nanaman siya nito para muli siyang makuha. Pero masiyado niyang mahal si Jen, para muli siyang magpaloko rito.
Agad niyang hinawakan ang dalawang kamay nito para pigilan sa paghawak sa katawan niya.
"Mich. Pwede bang tumigil ka na? Sinabi ko na sa'yo na hindi na ko magpapagamit pa ulit. What's done is done. I'll never go back to you. Stop flirting with me. It's no use. I don't love you" aalis na sana si Vampse nang bigla siya nitong hawakan sa braso at hinatak para halikan sa labi.
Agad siyang itinulak ni Vampse at marahas na pinunasan ang labi.
"What the fvck, Mich?! Are you crazy? Don't you ever dare to do it again. Kung hindi, baka hindi ka na makita ng mahal mong ama" sabi niya rito at naglakad palayo.
"Vampse! Don't you dare turn your back to me— Vampse!!!.. Argh!"
Sa kabilang dako ay si Zaffry naman ang kasama ni Jen. Nilapitan siya nito matapos na makitang nag-iisa siyang naglalakad patungo sa building nila.
Pumunta sila sa graden at naupo sa isang bench doon dahil gustong makipag-usap ni Zaffry. Kahit na nagdadalawang-isip si Jen ay pumayag pa rin siya rito.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ni Jen habang nakatingin ng diretso sa malayo.
"I.. just want to clear everything between us"
"Hmm. Start" bumuntong-hininga muna si Zaffry bago siya nagpatuloy sa pagsasalita.
"I'm sorry about everything. Actually.. it was dad who told me to court you. It.. i-it all started with dad. Nang malaman niyang nakilala kita, sinabi niya sa'kin na ligawan kita at bantayan. Ginawa ko ang utos niya. Simula umpisa, plano niya lahat 'yon. Yung company na pinapatakbo ko.. kay dad talaga 'yon at ako ang inatasan niyang mamahala, habang siya ang namamahala roon sa palasyo. Si Mich ang paborito niya at prinsesa talaga ang turing niya. While me, puro mali ang nakikita niya sa'kin. Doon lang siya naging proud noong nasunod ko ang mga utos niya sa'yo" mataman lang na nakikinig si Jenny habang nagsasalita si Vampse, ngunit hindi niya ito nililingon ni isang segundo.
"But.. after our break up, hindi na kita maalis sa isip ko. Noong sinabi kong I never loved you, that's not what I meant, Jen" muling napabuntong-hininga si Zaffry at inabot ang kamay ni Jen upang hawakan ito nang mahigpit.
"Jen, I.. I still love you" unti-unting napatingin si Jen sa kamay ni Zaffry na nakahawak sa kamay niya. Binawi niya ang kamay niya at tumingin sa katabi.
"Zaffry. I already moved on. Thanks for the memories that we made kahit na plano lang pala 'yon ng tatay mo. Sorry pero hindi ko na kayang bumalik sa'yo at hindi na mangyayari 'yon. At isa pa, hindi tayo pwede dahil magpinsan tayo" tipid niya itong nginitian bago tumayo at nagsimulang maglakad.
Pero hindi pa siya nakakalayo ay agad siyang nahabol ni Zaffry at nahawakan sa kamay. Napahinto siya sa paglalakad at napalingon dito.
"Bitiwan mo ko!" pagpupumiglas ni Jenny pero hindi pa rin siya nito binibitawan.
"Sorry, but I have to do this" kinabahan bigla si Jen nang marinig niya nanaman ang banta na 'yon. Ilang beses na niyang narinig 'yon kaya naman agad siyang natakot para sa sarili.
Pero hindi pa siya nahahatak palayo roon ni Zaffry ay may isang tao ang dumating para pigilan 'to.
"Kung ako sa'yo, ititigil mo na yan" sabi nito. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Jen nang makita kung sino 'yon.
"Xaiver? X-Xaiver umalis ka rito kung ayaw mong mapahamak ka!" babala ni Jen pero nginitian lang siya nito.
"Don't worry. I'm fine" sagot nito bago muling tumingin kay Zaffry.
"Let her go" seryosong sabi nito sa kaniya habang matalim ang titig.
"And why? Who the hell are you para mangialam dito?" ngumisi sa kaniya si Xaiver at mas tumalim ang titig nito.
"Kung ayaw mong maging abo nang maaga, bitawan mo siya" sagot ni Xaiver. Nagtaka naman si Jenny dahil hindi niya alam kung paano nalaman ni Xaiver ang tungkol doon dahil hindi naman nila ito naikukuwento sa kaniya.
May inilabas na isang matulis na bagay si Xaiver mula sa bulsa niya. At agad na napabitaw si Zaffry kay Jen at hindi pinahalata ang pagkagulat niya rito.
"Palalagpasin ko 'to. Pero hindi pa tayo tapos" sabi nito kay Xaiver at naglakad na palayo. Nagtataka namang tumingin si Jenny kay Xaiver at nanghihingi ng paliwanag mula sa kaniya sa pamamagitan ng titig niya.
Nginitian siya ni Xaiver at saka naglahad ng kamay.
"Halika. Hanapin natin si Vampse, at ipapaliwanag ko sa inyo" agad namang kinuha ni Jen ang kamay niya at sabay silang naglakad para hanapin si Vampse.
BINABASA MO ANG
Vampire's Blood
VampireJenny Dankworth is a famous writer and an immortal. They put a spell on her to forget her true identity. Her mother's brother wants to catch her because her blood is something different and special. Maximo wants her blood to complete the potion. Wi...