𝚅

132 10 0
                                    

Jenny's POV.

Nagising ako sa amoy ng niluluto ni Vampse. Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na agad ako ng kuwarto, at nakita siyang hinahanda na ang pagkain sa lamesa.

"Oh. Good morning, mabuti't gising ka na" nginitian ko siya at binati pabalik. Naupo na ko sa upuan at gano'n din naman siya, ro'n siya pumuwesto sa tapat ko.

"Uhm, sorry. Hiniram ko damit ng girlfriend mo" narinig ko siyang bahagyang natawa bago kumuha ng pagkain niya.

"Wala na kong girlfriend. Yung mga damit na nakita mo, para sa'yo talaga yan"

"Eh?"

"Mga damit yan ni mom dati, hindi niya nasusuot kaya bago pa"

"Ohhh. Sana hindi siya magalit" muli siyang natawa.

"Ano ka ba. Hindi yan, kumain ka na nga" I chuckled. Kumuha na rin ako ng pagkain at nagsimula na kaming kumain.

"Ahh.. Vampse?"

"Hmm?"

"Pa'no mo nga pala nalaman na ako ang tinutukoy ng mga guwardiya?"

"Ahh. Tungkol sa bagay na 'yon, hindi ako sigurado no'ng una. Pero no'ng pumasok na ko sa silid na yun, nakumpirma ko na ikaw nga"

"Kaya ba pinatulog mo yung mga guwardiya para hindi nila makita na pumasok ka ro'n?"

"Gano'n na nga" hmm.. magaling 'tong isang 'to ah.

"Pero nakasisiguro ka ba na hindi nila tayo makikita rito?"

"Pinagawa talaga namin 'tong bahay na 'to malayo ro'n sa palasyo. At hanggang ngayon, hindi pa rin nila alam ang tungkol dito"

"Hindi mo ba dinadala yung girlfriend mo rito dati?" tinignan niya ko at saka ngumiti.

"Ikaw palang ang dinadala ko rito" saglit akong natigilan nang sabihin niya 'yon.

"Seryoso ka?"

"Mukha ba kong nagbibiro?" agad akong umiling.

"H-hindi ah. Uhm.. pwede ko bang malaman kung nasaan na yung girlfriend mo?"

"Nando'n pa rin naman siya. Buhay na buhay. Nakakasalubong ko pa nga minsan e"

"Oh? Hindi awkward?"

"Nope. Hindi rin naman gano'n katagal ang naging relasyon namin"

"Ohhh.. ano bang nangyari?"

"Hindi ko naman talaga siya minahal. She seduced me. And then one day, dinespatsa na niya ko" he said chuckling.

"Grabe naman" bigla kong naalala ang ginawa sa'kin ni Ryle. Hanggang ngayon, kaya ko pang alalahanin nang malinaw ang pangyayaring 'yon. Ang lakas ng loob niyang magloko.

"Jen"

"Uh. Huh?" napakurap ako nang tawagin niya ko.

"Anong iniisip mo?"

"W-wala. May.. sinasabi ka ba?"

"Sabi ko, ubusin mo na 'yang pagkain mo para makapagsimula na tayong magplano"

"Ahh, oo sige" agad ko itong inubos at saka niligpit pagkatapos namin kumain para mahugasan. Ako na ang maghuhugas, nakakahiya na kay Vampse.

Agad akong nagtungo sa sala at tumabi sa kaniya sa couch pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan.

"Shall we start?" panimula niya at tumango naman ako bilang sagot. Kumuha siya ng isang notebook at ballpen para i-sketch ang mga daan sa palasyo.

"Pwede ba kong magtanong?" sabi ko. Napatingin naman siya sa'kin at saka tumango.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon