𝙸𝙸

199 16 0
                                    

Jenny's POV.

Tinawagan ako ni Thrist na pupunta raw siya rito sa bahay. Ngayon niya na raw gagawin yung treat niya para sa'kin. Siyempre isasama namin si Nathalie, hindi siya pwedeng maiwan mag-isa rito 'no magtatampo yun.

"Nasaan na raw siya?" tanong niya sa'kin.

"On the way na raw" sagot ko.

"Hindi niya ba sinabi sa'yo kung saan talaga tayo pupunta?" umiling ako at chineck ulit ang phone ko.

"Baka mamaya pa sasabihin no'n, kapag nandito na siya"

"Oh sige. Hintayin nalang natin"

"Mukhang hindi na. Nandito na yung sasakyan niya oh" sabay kaming tumingin sa labas at naglakad na para salubungin siya.

"Thrist!" bungad ko sa kaniya, pagkababa niya ng kotse.

"Hi guys" nakangiting bati niya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Nathalie.

"Camping"

"Camping?!"

"Yup!"

"Edi dapat kanina mo pa sinabi! Hindi pa kami nakakapaghanda" sabi ko.

"No need. Dala ko na lahat ng kailangan natin, ang dalhin niyo nalang is yung mga mahahalagang bagay"

"Sige. Magpapaalam lang din ako kay daddy"

"Hindi na rin kailangan. Nakapagpaalam na kaso sa kaniya, noong mismong birthday palang ni Jen."

"Aba't handang-handa ka ah" pabirong sabi ni Nathalie.

"Siyempre 'no! Ako pa" bahagya akong natawa at nagpatiuna nang pumasok para manguha ng mga kailangang gamit.

Pagkatapos namin mag-ayos ng gamit ni Nathalie ay bumaba na rin kami. Since wala pa si tito, ay pinasabi nalang namin sa mga katulong sa bahay.

"Haa! Haa! Guys.. pahinga muna tayo" hinihingal na sabi ko sa kanila. Kanina pa kami naglalakad. Iniwan ni Thrist ang kotse niya sa baba dahil hindi naman pwedeng isama namin paakyat ng bundok.

"Oo nga. Tuyong-tuyo na lalamunan ko" sang-ayon ni Nathalie.

"Oh sige. Dito muna tayo, mga mahihinang nilalang" natatawang sabi ni Thrist. Sinamaan namin siya ng tingin at naupo sa isang malaking bato. Uminom muna kami ng tubig at nagpunas ng pawis. Nagpahinga kami saglit dahil pakiramdam ko, mamamatay na ko. Matagal na rin akong hindi nakaakyat ng bundok kaya hindi na ko sanay.

"Ilang araw ba tayo rito?" tanong ko.

"2 days" sagot ni Thrist.

"Alam ni Dad?" tanong naman ni Nathalie. Tumango lang si Thrist at kinuha na ulit ang mga dala niyang gamit. Lahat kami may dala, hinati namin kanina bago umakyat.

"Ano? Tara na. Baka abutan tayo ng dilim" tumango nalang kami at nagsimula na ulit maglakad.

Bago pa magdilim ay nakahanap na kami ng pwedeng ma-puwestuhan. Kami ang nagtayo ng tent ni Nathalie dahil nanguha ng kahoy si Thrist para sa gagawin niyang bonfire. Isang malaking tent lang ang dinala, kasya naman kaming tatlo at sakto lang sa'min.

"Anong pagkain dinala mo?" tanong ni Nathalie, gumagawa na si Thrist ng bonfire.

"Yung mga madadaling lutuin, sakto for 2 days. Wala tayong problema sa tubig, nagdala ako ng filter tapos may nakita akong pwedeng pagkuhanan ng tubig kanina"

"Ready-ng ready ka talaga ah" puna ko sa kaniya at waring minasahe ang balikat niya.

"Siyempre. Matagal ko nang plano 'to" nagkatinginan nalang kami ni Nathalie at kinuha ang mga pagkain, dahil patapos na si Thrist sa pag-gawa ng apoy.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon