Indestructible ❤️ - Chapter 12

36 4 0
                                    

"Ano 'yan?" Nagitla ako nang marinig ang boses ni Annie. Agad kong tinago ang cellphone nang makitang nakasilip siya ro'n.

"Wala." Ibinulsa ko rin agad ang cellphone saka naglabas ng tasa para magtimpla ng milo. Iniwasan ko na talaga ang pag-inom ng kape dahil narealize kong, wala namang maidudulot na maganda 'yon sa 'kin.

"Lately palagi kang online." Puna niya saka ako sinabayan sa pagtimpla.

"Hindi naman." Pinaningkitan niya 'ko ng mata na para bang may tinatago ako at malalaman niya rin 'yon. "Muntanga." Saad ko kaya natawa siya.

"Congratulations nga pala." Lalong lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko. Okay na 'yung result sa pacontest nila Sir and obviously, nakuha ni Annie ang first place kaya tuwang-tuwa ang bruha. Magkakaroon daw ng meeting pero pagkatapos na ng printing sa kasalukuyang librong tinatrabaho namin ngayon. Luckily, medyo malapit ko nang matapos iedit at ipapasa na lang sa iba.

"Salamat. Sorry nga pala. Dalawang sweldo na lumipas 'di pa rin kita naililibre." Aniya. Lately palagi siyang busy at naiintindihan ko naman 'yon. Ikakasal kasi 'yung ate niya at dahil siya ang pinakaclose no'n, napapadalas ang pag-absent niya. Siya kasi ang kasa-kasama sa pag-aasikaso sa nalalapit na kasal.

"Okay lang 'yon." Untag ko saka siya nginitian.

"Tuesday ngayon 'di ba?" Saglit siyang napatingin sa calendar ng phone niya bago ako hinarap. "This friday kaya? Uwi tayo ng maaga."

"Hmm sige." Untag ko dahil wala naman akong plano palagi. The perks of being a single.

Magkasabay ulit kaming umuwi ni Annie, kaya ayon pareho kaming nakatayo dito sa labas.

"Aish. Bakit ba kasi umuulan pa." Reklamo niya habang busy sa pagtype sa cellphone niya. Mukhang magpapasundo. Nag-usap lang kami ng kung ano tungkol sa trabaho at sa mga storyang natrabaho na namin.

"Ang bilis naman." Aniya nang tumigil ang itim na kotse sa tapat namin. Hinarap ako ni Annie.

"Sabay ka na sa 'kin, Ara." Nakangiting alok niya na hinindian ko na lang. Nakakahiya kaya at isa pa magkasalungat ang daan naming dalawa pauwi.

"Hindi na. Kaya ko naman." Saad ko saka siya tinulak papasok sa kotse.

"Sure ka ah?" Naninigurong tanong niya. Nakailang tanggi pa nga ako bago siya nakumbinse at tuluyang sinara ang pinto.

"Sige, bye bye!" Kinawayan ko na lang din siya pabalik. Gaya ng palagi kong ginagawa kapag may ganitong senaryo, hinintay ko munang makalayo ang kotseng sinasakyan niya bago nagtatakbo. Sigurado naman akong hindi mababasa ang cellphone dahil na rin sa balat ng bag na ginagamit ko. Hindi siya madaling mabasa, bukod pa ro'n, wala naman akong ibang dala na dapat ingatan.

Pagkauwi ko'y pagod akong naupo sa silyang kaharap ng computer. Naglog-in ako sa Facebook para magsulat ng bagong story. Ewan ko pero kahit sobrang pagod ako sa maghapong kakaedit at basang basa sa ulan, pakiramdam ko hindi ako titigilan ng kaluluwa ko kapag hindi naisulat 'yung storyang naiisip. Napangiti ako nang makita at mabasa ang mga comment ng mga mabibilis kong mambabasa, nakangiti ko silang nireply-an at pinasalamatan. Natigilan lang ako nang mabasa ang chat ni Raven.

RAVEN
8:25 PM

Raven: in love ka ba?

Arabella: Ha?

Raven: nag improve ka yata sa romance

Arabella: Pinagsasabi mo?

Raven: nabasa ko yung bagong story mo e

Arabella: Stalker.

Indestructible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon