Indestructible ❤️ - Chapter 42

28 4 0
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang pagdampi ng isang malambot na bagay sa braso ko. Pagdilat ko, isang magandang babae ang bumungad sa akin.

"Oh sorry. Nagising ba kita?" Napabangon ako habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

"Sandali lang ha? Tatawagin ko si Raven." Nakangiting sabi niya saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng paligid saka ko lang naalalang nakatulog ako sa biyahe. Nandito ako sa isa sa mga kwarto sa Mansion nina Sir Calvin. Napadako ang tingin ko sa bintana. Maliwanag na pero hindi ko matukoy kung anong oras na.

Saktong pagbangon ko, bumukas ulit ang pinto at iniluwa no'n si Raven. Hindi niya na kasama 'yung magandang babae.

Nginitian ko si Raven nang maupo siya sa harap ko. Napansin kong malalim ang mga mata niya tanda na hindi siya nakakatulog nang maayos lately. Gulo-gulo rin ang buhok niya at nakasuot pa rin siya ng longsleeve. Mukhang hindi pa siya nakakapagbihis.

"Okay ka na ba?" Tanong niya dahilan para matigilan ako. Parang isang gripong binuksan, rumagasa sa memorya ko kung anong mga nangyari kahapon. Saka ko lang namalayan ang sarili na umiiyak.

"I'm here." Aniya matapos akong yakapin at ikulong sa bisig niya. Bahagya niyang hinahaplos ang buhok ko habang binubulong na 'nandito na siya', na hindi niya ako iiwan pa.

Gusto kong kalimutan ang kababuyang pinagawa sa akin ni Melissa. Gusto kong kalimutan lahat. Pero mukhang tama sila, mukhang hindi ko na 'yon makakalimutan pa kahit kailan.

Ilang minuto yata akong nag-iiyak lang habang yakap niya bago ako tuluyang nakalma. Bumitaw ako sa yakap kaya natitigan ko ulit ang nag-aalala niyang mukha. Hinawakan niya ang pisngi kong sinampal ni Melissa pero hindi siya nagsasalita. Gusto kong malaman kung anong tumatakbo sa isip niya pero kahit ilang minuto ko siyang titigan, hindi ko pa rin talaga siya kayang basahin.

"Sorry." Pagbasag niya sa katahimikan habang nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa.

"Saan?"

"Hindi kita naprotektahan kay Melissa." Napaiwas siya ng tingin. "I'll talk to her."

"Hindi... hindi naman siya madadala sa usapan 'di ba?" Napabuntong hininga na lang siya. Alam naming pareho na hindi makikinig si Melissa.

Kukunin niya kung anong gusto niya kahit na sa maling pamamaraan. Ganoon siya kaspoiled.

"Sorry." Napabuntong hininga na lang din ako nang marinig 'yon. Pakiramdam ko, sinisisi niya ang sarili sa nangyari sa akin. Wala naman siyang kasalanan, pareho lang kaming biktima. Lalo na siya. Para bang nakatrap siya sa isang spider web na gawa ni Melissa, kaya hindi siya malaya.

"Hindi ka pa natutulog 'no?" Pag-iiba ko sa usapan. Hindi siya umimik kaya alam kong 'oo' ang sagot niya.

"Matulog ka muna kaya? Hindi ka tuloy nakapasok ngayon."

"I can't. Ayokong iwan ka." Tugon niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Natigilan lang kami pareho nang makarinig ng tatlong katok sa pinto. Bumukas 'yon at sumilip sa amin 'yung magandang babae kanina. Nginitian niya ako kaya hindi ko tuloy alam kung ngingiti ako pabalik.

"Lunch is ready. Bumaba na kayo at kumain." Umalis din naman siya agad pagkasabi no'n.

Hinawakan ako ni Raven sa kamay saka kami sabay na bumaba papunta sa dining area. Pagdating doon, binungad ako ng aroma ng sari't-saring ulam. Saka ko lang narealize na hindi pala ako nakapagbreakfast kanina dahil tulog ako. Hindi rin ako nakapagdinner kagabi dahil sa nangyari.

Napabuntong hininga ako. Iniwan ko si Annie doon mabuti na lang at kasama niya 'yung Leo. Hindi ko rin macontact si Annie dahil wala akong cellphone ngayon. Naisip kong kumusta na kaya ang bahay ko. Daig pa no'n ang dinaanan ng bagyo. Nasira tuloy ang mga gamit na kapupundar ko pa lang.

Indestructible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon