Nagising ako nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko. Nakapa ko 'yon na nakalagay sa ilalim ng unan. Bumungad sa 'kin ang sobrang daming text message mula kay Annie. Sinagot ko agad ang tawag niya.
"Kagigising mo lang? Alas siyete na! Kanina pa akong alas sais nandito!" Sigaw niya dahilan para magising ang diwa ko. Inilayo ko agad ang cellphone sa tainga dahil sa sobrang lakas niyang magsalita sa kabilang linya.
"Oo na babangon na." Untag ko saka pinatay ang tawag bago pa man siya makapagsalita. Kainis. Ang lakas ng boses. Napahawak ako sa ulo dahil medyo nahilo ako. Mukhang napahaba ang tulog ko.
Pagkatapos maligo, agad kong kinuha ang bag at sinigurong wala akong naiwan kagaya ng toothbrush at iba pang personal na gamit. May mga service daw kasing maghihintay sa tapat ng workplace namin kaya doon kami lahat pupunta.
Pagdating ko ro'n, may nakaparada ngang dalawang bus para sa lahat ng department na 'yon. Nakatanggap pa nga ako ng kurot sa braso mula kay Annie pagkarating ko ro'n. Aniya'y kanina pa raw niya ako hinihintay. Hindi na lang ako nakipagtalo. Sa isip-isip ko'y sigurado naman akong mga alas nuwebe o alas diyes na kami makakaalis. Filipino time ba naman.
Tama nga ang hula ko, mag-aalas nuwebe nang tuluyan kaming makaalis dahil marami pang wala.
"Hi." Napaangat kami ni Annie ng tingin at nakita si Sir Calvin. Naupo siya sa tabi ni Annie dahil nasa pangtatluhan kaming upuan. Ako ang nakapwesto sa may bintana dahil mas gusto ko ro'n. Mabuti na lang at hindi naman choosy si Annie sa pwesto niya. Masaya rin akong siya ang katabi dahil makakalibre ako ng snack. Isang maleta ang dala niya at isang backpack na puro pagkain ang laman. Junkfoods at kung ano ano pa.
"Kuha ka Sir." Alok ni Annie sa hawak niyang malaking clover. Hindi pa nga umaandar ang Bus panay kain na. Para talaga siyang bata. Dinantay ko ang ulo sa bintana at nanatiling nakatitig sa labas. Gamit ang isang kamay, kukuha sana ako ng clover. Napaupo ako nang maayos at napalingon kay Sir nang maramdamang nagkasabay pa ang kamay namin sa pagkuha.
"Ikaw na muna, Sir." Nginitian ko siya saka ako ulit humilig sa bintana. Sana lang talaga, wala akong gawing kahihiyan this time.
Nakatulog ako sa biyahe, nagising lang nang maramdaman kong nangangalay na ang leeg ko. Napaangat ako ng tingin at nakitang nakatigil ang bus. Paglingon ko, wala na si Annie sa tabi maliban kay Sir Calvin na may suot na earphone sa tainga.
"Oy Girl, ihi ka? Bilis na habang nakatigil pa 'tong bus." Saad ng kararating lang na si Annie. Imbes na gisingin si Sir Calvin, siya na lang ang pumwesto sa dating upuan, kaya nasa gitna na ngayon si Sir Calvin. Tulog na tulog siya at mukhang pagod na pagod. Siguradong mahirap ang buhay professor at editor.
Pagtingin ko sa relong suot, jusme. Isang oras pa lang pala kaming nasa biyahe. Ang sabi nina Benj, dalawang oras daw mahigit ang biyahe papunta sa resort nina Sir Calvin kaya hinilig ko na lang ulit ang ulo sa bintana. Matutulog na lang ulit ako.
Nagising ulit ako dahil sa mabigat na ulong nakapatong sa ulo ko. Gumalaw ako ng kaunti saka ko lang namalayang nakapatong na sa balikat ni Sir ang ulo ko. Nagising din siya no'ng gumalaw ako kaya agad akong naupo ng maayos saka tiningnan ang orasan.
"Bakit ba masyado kayong antukin ngayon? Wala tuloy akong kakwentuhan." Rinig kong reklamo ni Annie na tinawanan ko na lang pagkatapos uminom ng tubig.
"Malapit na tayo." Pagsingit ni Sir Calvin habang nakatingin siya sa daan. Sa gilid ko ay natatanaw ko na rin ang walang katapusang dagat. Asul na asul 'yon at parang kumikinang dahil sa sikat ng araw.
"Ano-anong mga activity ba ang hinanda niyo, Sir?" Pangungulit ni Annie habang hindi magkamayaw sa kakadungaw sa bintana. Nakipagpalit pa nga siya sa 'kin ng pwesto. Pumayag na lang din ako. Ang kulit kasi. Para siyang bata habang kumikinang ang mga mata na nakatitig sa dagat.
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...