Indestructible ❤️ - Chapter 29

32 4 0
                                    

"Okay ka na?" Tanong ni Annie sa kabilang linya matapos akong marinig. Gaya ng palaging nangyayari, hindi siya nagsasalita hangga't hindi ako tapos umiyak. Nakikinig lang siya sa kabilang linya na para bang sinasabing nandito lang siya para sa akin.

"Puntahan na kaya kita?" Pangatlong beses niyang tanong na tinanggihan ko lang ulit.

"Kung ano man 'yan, 'wag mo na munang isipin. Hays, day-off ko pa man din bukas." Namomroblemang saad niya saka ako nakarinig ng mga kaluskos.

"Anong oras na o, papasok ka pa ba bukas?" Napagawi ang tingin ko sa wallclock. Mag-aala-una na sa madaling araw.

"Salamat Annie. Sorry, mukhang naabala pa kita."

"Ano ka ba? Para ka namang others. O sige na, matulog ka na. Umuwi ka ng maaga bukas, puntahan kita sa bahay mo." Sumang-ayon na lang din ako sa sinabi ni Annie saka niya pinatay ang tawag. Halatang nag-aalala siya sa akin nang sobra kahit na hindi niya pa alam kung anong nangyari.

Nagising ako ng mag-aalas kuwatro na sa umaga. Hindi ko nga alam kung icoconsider kong tulog 'yon dahil parang nakapikit lang naman ako the whole time. Ang hapdi na naman ng mata ko pero walang kapantay ang bigat ng nararamdaman ko.

Kinuha ko ang cellphone saka tiningnan ang inbox, meron siyang chat.

RAVEN BUSTAMANTE
11:05 PM

Raven: I'm sorry.
seen at 4:01 AM

'yon lang ang laman. Gusto ko tuloy itanong kung para saan 'yung sorry niya. Nagsosorry ba siya dahil una pa lang taken na siya o dahil hindi niya sinabi sa akin.

"Ang tanga mo." Bulong ko sa sarili dahil nagpaloko ako sa taong nakilala ko lang online.

Natawa ako nang mapakla.

Kung sabagay, una pa lang sinabihan niya na akong 'wag magkakagusto sa kaniya. Una pa lang siya 'yung todo ang paglayo sa akin. Kaya pala palagi niyang sinasabi na hindi pwede.

Pinahid ko ang nagbabadyang luha sa mata. Nakakainis. Nagiging iyakin yata ako ngayon. Nahiga na lang ulit ako saka pinalipas ang oras. Bumangon lang ulit ako pagpatak ng alas siyete.

Napakunot noo ako nang makarinig ng mga katok mula sa sala.

"Ang aga naman ni Annie." Untag ko saka nagsuot ng t-shirt. Mabuti na lang at papatapos na rin akong magbihis.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang mukha ni Sir Calvin.

"Good morning." Nakangiting bungad niya kaya alanganin akong napangiti. "Namumugto na naman ang mga mata mo." Untag niya. Hindi ako sumagot. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto.

"Tuloy po kayo." Sumunod din naman siya sa 'kin. Inilapag niya sa mesa ang plastic na dala. Napangiti siya nang makitang may tatlong silyang nadagdag, monoblock nga lang.

Sigurado naman akong kaya siya nandito dahil naalala niya 'yung itsura ko kahapon. Ilang taon niya na akong katrabaho kaya malamang, may hint siyang wala ako sa mood kagabi.

"Kumain ka na ba?" Umiling lang ako saka tinanggal sa pagkakasaksak ang iniinit kong tubig. Salamat sa mga pinamili ni Annie, may iilang tasa na akong nandito.

"Sabay na tayo kung gano'n." Napabuntong hininga ako saka siya hinarap. Ang lapad ng ngiti niya. Nag-iwas na lang ako ng tingin saka inilapag sa mesa ang kapeng tinimpla ko para sa aming dalawa.

Balak ko pa lang sanang 'wag nang kumain at dumiretso na lang sa trabaho pero mukha mapupurnada pa. Nagpaalam siyang makikialam sa gamit ko. Siya na ang kumuha ng plato at mga gagamitin namin. Siya na rin ang naghain ng mga pagkaing binili niya. Hindi 'yon gaano karami at sakto lang sa aming dalawa para sa breakfast.

Indestructible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon