Indestructible ❤️ - Chapter 43

25 4 0
                                    

Kinabukasan, binungad kami ni Annie ng isang lalaking nakasuit mula sa labas ng condo ni Annie. Dalawang malaking tao 'yon at nakatayo lang sa labas, animo'y mga sundalo.

"Mukhang pinadalhan ka na rin ni Raven ng mga bodyguard." Humahagikhik niyang saad saka kami sabay na naglakad palabas. Gaya ng inaasahan, nakasunod 'yong dalawa sa amin. Ang isa sa kanila ay naunang maglakad, saka ko lang narealize na ihahatid nila kami.

"Wow, may libreng sakay pa." Komento ni Annie nang makasakay kami sa likod.

"Kuya, si Raven Bustamante nagpadala sa inyo rito?" Tanong ni Annie habang tinitingnan ang dalawang nasa harap namin. Nilingon naman kami ng isa saka tumango.

"Ibig sabihin ba, pati sa trabaho babantayan niyo kami?" Hindi makapaniwalang tugon ko. Tumango ulit siya kaya nagkatinginan kami ni Annie.

Mayroon namang security guard sa building ng opisina at isa pa, ayokong magmukhang weird. Imagine naman kung nakatayo lang sila sa gilid ko habang nagtatrabaho ako. Napatampal ako sa noo saka hiniram ang cellphone ni Annie. Agad niya naman 'yong binigay sa akin.

"Hindi ko pala kabisado ang number niya." Nanlulumong saad ko. Tinaasan lang ako ni Annie saka may kung ano siyang pinindot. Maya-maya lang nakita kong tinatawagan niya na ang number ni Raven. Naalala kong tinawagan ko nga pala siya gamit ang phone ni Raven.

"Hello." Salubong ng baritonong boses niya. Iniwasan kong mapangiti. Ang gwapo kasi talaga ng boses niya sa phone call.

"Nasa klase ka ba?" Tanong ko nang marinig ang iilang ingay. Napatingin ako sa relo ko at nakitang alas otso na pala. First subject siguro.

"Sorry, gusto ko lang sabihin na pwede bang 'wag na kaming bantayan no'ng dalawang lalaki sa trabaho?" Diretsahang tanong ko.

"Bakit?"

"May security guard naman doon. Balak mo bang alisan sila ng trabaho?"

"But they'll stay inside." Napabuntong-hininga na lang ako. Sabi ko na nga ba at 'yon ang balak niya.

"Nandoon naman si Sir Calvin, walang mangyayaring masama. Promise." Tugon ko. Sinubukan kong gawing kapanipaniwala ang boses. Maya-maya'y napabuntong hininga siya.

"Sige... Pero tawagan mo ako kapag pinuntahan ka ni Melissa, okay?"

"Oo naman. Sige na, balikan mo na 'yong mga estudyante mo."

"I will. Ingat ka." Pinatay ko na ang tawag pagkarinig no'n. Nilingon ko si Annie at kilig na kilig siya. Hindi siya magkamayaw sa kakapalo sa akin sa braso.

"Ano ka ba. Nag-usap lang kami." Natatawang sagot ko. Napapangiti na lang din tuloy ako dahil sa kakulitan niya.

"Nga pala, anong balak mo? Pasko na next next day ah?" Aniya pagkatapos naming bumaba sa kotseng 'yon. Ang sarap pala sa feeling ng ganito, 'yung mayroong kasabay sa pagpasok ng trabaho. Hindi ko rin kasi 'yon naranasan no'ng bata o estudyante. Palagi lang akong mag-isa dahil maagang pumasok si Adele.

"Tuloy pa rin uwi ko kina Mama." Tumango na lang siya saka namin sabay inilapag ang mga gamit sa mesa. Naghagikhikan kami dahil doon.

"Salamat naman at bakasyon ko na bukas." Nakangiting saad niya habang binubuksan ang computer niya. Day-off niya rin kasi bukas kaya tuloy-tuloy siyang walang pasok ng tatlong araw.

"Doon ka muna ba sa 'kin hanggang bukas?" Tanong niya na tinanguan ko na lang. Pagkatapos no'n ay pareho na kaming nagfocus sa kaniya-kaniyang gawain.

Pasado alas dose kami tumigil nang mapansing nauna na sina Benj sa karinderya. Iniwan na naman kami.

Indestructible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon