Naalerto ako nang muli akong sinabuyan ng tubig ni Annie. This time, mula 'yon sa tubig na iniinom niya.
"KJ." Sigaw niya bago nagdive sa 6 feet na pool. Itinago ko na lang din ang phone ko saka sila tiningnan. Nandito yata halos kalahati ng mga katrabaho ko habang 'yung iba ay busy sa pag-explore sa kabuuan ng resort.
"Hindi ka sasali sa kanila?" Napalingon ako sa taong tumabi sa 'kin, si Vina 'yon. Nakatoka sa marketing ng team C. Nginitian ko siya saka ako napailing.
"Hindi ako marunong." Totoo rin naman 'yon. Although mayroong 4 feet na part, ayoko pa rin. Okay na kong tingnan sila mula sa pwesto ko.
"Mukhang magkakaroon pa ng inuman mamaya." Aniya kaya sumang-ayon na lang ako. Hindi naman nawawala ang inuman sa ganitong activities. Hard drinks man o light. Balita ko rin ay magkakaroon ng bonfire mamaya sa tabi ng dagat. Mas naeexcite ako ro'n. Gusto ko nga sanang ayain si Annie papunta sa dalampasigan kaso ayoko namang maputol ang pag-eenjoy niya. Lalo na at nagkakasundo sila nina Lalaine, kasama si Benj.
"Mauna na 'ko, Arabel." Tinapik ako ni Vina sa balikat bago siya tuluyang nakisali. Halata namang sobrang nag-eenjoy sila.
"Hi." Napalingon ako sa gilid at nakita si Sir Calvin. Naupo siya sa tabi ko pero may sapat na distansya pa rin naman. Nginitian ko lang siya saka ibinalik ang tingin kina Annie.
"Kumusta?" Rinig kong tanong niya. "Nagustuhan mo ba 'yung lugar?" Tumango ako.
"Ang ganda nga e. Siguradong sobrang enjoy ng childhood mo dahil dito." Saka ko tinuro ang bakuran nilang sagana sa mga palamuti at garden. Parangap kong makapunta sa ganito kamagical na lugar, at ngayon heto na ako. Malaki ang ngiti niya na waring inaalala ang mga nangyari sa kaniya sa loob at labas ng mansion.
Siguradong kung ako ang nakatira rito, parang hindi na ako lalabas. Dito na lang ako forever at magsusulat. Sobrang fresh kasi ng ambiance.
Natigil kami saglit at binalot ng katahimikan bago siya muling nagsalita. "No'ng isang araw, anong ginagawa mo ro'n at umiiyak ka?"
"Ah 'yon ba..." Napayuko ako. Hinding hindi ko yata makakalimutan ang gabing 'yon. Ang araw na nakita ko nang harap harapan si Raven, ang lalaking isang malaking misteryo hanggang ngayon.
"Wala po." Pagpapatuloy ko saka natawa. Tama ng si Annie lang ang nakakaalam ng tungkol doon.
"Sir Calvs, sama ka naman!" Sigaw ni Fiona, na galing sa ibang team. Nginitian naman sila ni Sir bago siya napabaling sa 'kin.
"Tara?" Pag-aaya niya na tinanggihan ko. Nang tumayo siya, akala ko pupunta na siya ro'n pero hinila niya pa ako.
"Ayoko, Sir!" Sigaw ko habang pinipigilan siya. Nagsisilbing preno ang mga paa ko. Para tuloy akong kambing na ayaw mabasa.
"Sige pa! Hilain mo papunta rito, Sir!" Sigaw ni Annie habang malakas ang halakhak niya. Nakisali na halos ang lahat. Maging ang ibang nakaupo sa gilid ay hinihila nila at tinutulak papunta sa pool.
"Ayoko talaga." Sigaw ko pero mapilit si Sir Calvin. Dahil lalaki siya at mas malakas kaysa sa akin, namalayan ko na lang ang sariling nasa tubig. Mabuti na lang talaga at nandito ako sa parteng mababaw, 4 feet. Baka nalunod na ako kung doon pa sa 6 feet.
"Yan ang napapala ng mga KJ!" Sinabuyan pa nila ako ng tubig. Isa lang ako tapos anim sila. Peste. Ang dami ko na yatang nainom na tubig mula sa pool. Marumi pa man din 'to dahil kanina pa sila naliligo.
"Tama na!" Paulit-ulit kong sigaw. Tumigil din naman sila nang makitang kawawang kawawa ako. Nagmukha akong basang sisiw. Nilapitan ako ni Annie saka inakbayan.
"Wag mo na munang isipin 'yang Raven mo, mag-enjoy ka muna." Bulong niya saka ako pinagkukurot sa tagiliran.
"Oo na. Kinawawa niyo na nga ako." Untag ko saka tinulak siya palayo. Kainis talaga ang babaeng 'to.
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
Roman d'amourSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...